KABANATA 13

224 8 12
                                    

Welcome to the SALVADOR FAMILY iha.

Napailing ako. Hindi ko alam kung anong meron sa sinabing iyon ni tita na dahilan sa paglakas ng tibok ng puso ko. Siguro ay dahil sa tuwa.. dahil na rin sa malugod na pagtanggap nila sa'kin. At itinuturing pa talaga akong pamilya.

Pamilyar sa'kin ang apelyido nila dahil kaapelyido nila ang lalaking pilit ko nang kinakalimutan. For 5 years, until now pilit pa rin. Hindi ako pwedeng mag jump into conclusion dahil wala naman akong ibedensiya.  Pero, minsan ko na ring narinig ang apelyidong Salvador hindi lang sa lalaking 'yun.

Saan nga ba? Pilit kong inalala, pero si sir Elizur lang talaga ang alam kong Salvador din. Si Abbie? Ano kaya ang relasyon nila sa kanila? Salvador din si Abbie Pero ganun pa man ay hindi ko na 'yun inisip pa.

Impossibleng magkakamag-anak sila dahil ang lalayo naman ng mukha nila. Ang iniisip ko na lang ay kung papaano ko susuklian ang kabutihan nila sa'kin sa pagpapatira sa ganito kagandang bahay.

Narito na ako ngayon sa kwartong tutuluyan ko habang andito ako kila tita Esther. Mag-isa lang ako dahil pagdating namin dito ay iniwan din naman kaagad ako nila tita at Jordan. Matapos nila akong i-orient patungkol sa bahay ay umalis na sila.

Nagulat pa nga ako at napamangha nang makitang isa lang na sub division ang pinasukan namin pero, may sampung bahay at lahat ay malalaki at magaganda. Nakalimutan kong tanungin sila kung sino-sino ang mga kapit bahay namin.

Kase diba, bale sampu ang mga bahay na narito tapos nasa pangatlo ako. Hindi naman pwede walang mga tao ang siyam na natira. Tinapos ko na lang ang pagliligpit ko ng mga damit at gamit ko bago bumaba upang magluto.

Alas onse na rin kase ng tanghali. Nagugutom na rin ako. Ang kaso, paano ako luluto? Eh sa kalagayan ko, may saklay pa pala itong kamay ko. Pambihira nga naman oh! Pero kahit ganun pa man ay pumunta na ako ng kusina nitong bahay at hindi ko talaga maiwasang mapamangha. Malaki ang bahay, lalo na ang sala. Malaki rin ang kusina. Pati ang banyo ay halos katumba na ng isang bahay. Malinis rin at wala masyadong makikitang kalat.

Sino kaya ang naglilinis dito?

Para kaseng expert. Ni wala kang makikitang alikabok. Nilibot ko pa ang bahay. Ang sala ay mayroong malaking tv. May malambot na sofa na halos pwedeng ng maging kama. Sanaol. They're living in a luxurious life.

*growl

Ipinagpaliban ko muna ang pagmasid at tumungo na muli sa kusina. Nagugutom na talaga ako. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang maglikha ito ng ingay.

Meron ref na malaki sa kusina at pagbukas ko ay namilog ang mata ko sa nakita. Maraming groceries ang nasa loob. Kaso, karamihan ay gulay. Masyado naman at silang maka vegetarian.

Napangiwi ako. Hindi ko kayang magluto ng may sabaw ngayon kaya ang itlog na lang ang kinuha ko. Inihanda ko ang kawali at sinalang sa solane. Ipinirito ko lang 'to dahil 'yun ang pinakabasic na pagluto. Pagkatapos ay hinanap ko ang lagayan ng bigas na hindi naman ako nahirapan dahil andito lang rin sa kusina.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin kaagad ako. At habang kumakain hindi ko mapigilang mapaisip. Parang ang weird lang ng nangyayari sa buhay ko. Simula nang dumating ako rito sa negros, feel ko parang naging madali sa'kin ang pagbuhay. Libreng tirahan, pagkain, pera.. lahat ng pangangailangan ko ay andiyan na. Hindi na kailangang pagtrabahuan. Nagtrabaho nga ako, kaso palpak naman.

Pero kahit ganun ay parang wala lang muling nangyari. Mas naging hayahay pa nga ang buhay ko. Ang pinagtataka ko ay kung papaano nila ako alagaan. Simula kay sir Elizur, sir Caleb. Kay Abbie, kila Eve, Dina, Ruben, Gad at Ashter. Dumagdag pa sila tita Esther at Jordan. Magulo, nakakalito!

SALVADOR SERIES 1: JOSIAH ELIJAH SALVADOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now