Para lang isang panaginip. Ang bilis nang mga nangyari. Nasa probinsiya lang ako noon, maayos ang buhay kahit medyo pangit ang ugali. Pero namatay si inay dahilan nang pakikipagsapalaran ko rito sa negros. I am just a simple waitress when I met them.
Caleb, Dina, Asher, Gad, Eve, Kuya Jacob, Ate Raquel, Ruben and Abbie.
And him.
It was all just happened in a short period of time. At lahat nagbago sa buhay ko dahil sa kanila. Lalong-lalo na sa kanya.
He changed me. He made me believe in his God. He was the instrument that God used for me to know Him and see His goodness.
Malaking utang na loob ko sana iyon pero sobra na. Ilang beses ko na bang nasabing hindi ko na kaya?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and wipe away my tears. Ang bigat sa pakiramdam at ang sakit. Napatulala ako sa ceiling.
I am still not aware of my surroundings at hinayaan ko lang na tumulo muli ang luha ko.
Pero nang makarinig ako ng yabag na papalapit ay agad ko rin itong pinunasang muli.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Pumapasok sa kwarto ang hindi pamilyar na babae.
"Ma'am, okay ka na po?"
Gising na ako pero hindi pa rin ako okay.
"Asan ako?" sa halip ay tanong ko.
"Ahm, andito ka po sa bahay ni sir Jonathan. Dinala ka po rito ni sir Josiah."
Kaya pala hindi siya pamilyar sa'kin. Ang akala ko ay inuwi na ako ni Josiah.
"Asan si Josiah?" dahan-dahan akong bumaba ng kama at tumayo. Lumapit sa'kin ang katulong. Aalalayan niya sana ako pero inilingan ko lang siya.
"Nasa prisinto po si sir Josiah, kasama po ang mga kapatid niya maging si senyorito Jonathan."
Napakunot ang noo ko. "Tayo lang ang narito?"
Ibang boses ang sumagot sa'kin.
"I'm here iha."
Sabay kaming napatingin ng katulong sa pinto.
"Tita.."
Lumapit siya sa'kin at ibinigay sa katulong ang dala niyang tray na may lamang pagkain.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at marahan akong tumango.
"I heard what happened." ani niya. "I'm so sorry anak.. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito."
Ngumiti ako upang mapanatag siya. Hindi lang din naman siya ang may kasalanan. I am at fault too cause from the first place, dapat ay hindi na talaga ako pumayag ."Hindi po. Kasalanan ko rin naman kase nahulog ako at matagal bago nakabangon."
Ngumiti rin siya pero halatang sinisisi pa rin ang sarili. "Hindi ko alam na mahuhulog nang ganito katindi ang anak ko sa'yo."
"A-Ano pong ibig niyong sabihin?"
"I know, halata at alam mo rin ang bagay na 'yun. Kaya ka lumalayo kase ayaw mong makagulo ng buhay." sabi niya at tama siya. Malalim akong napabuntong hininga.
Hindi na kami nakapag-usap pa ni tita dahil sa ingay na dumating sa ibaba.
"Hindi mo siya pwedeng ipakulong Josiah." si tito Jonathan. Mukhang nagkakasagutan naman silang mag-ama.
YOU ARE READING
SALVADOR SERIES 1: JOSIAH ELIJAH SALVADOR (COMPLETED)
RomanceShe thought living with a man of God is good, glorious and propitious. But she didn't expect her life to be misery. -- "Your body is not yours. God paid your debt and bought you from evil. And I'm doing this because your life and my life are bound w...