Chapter 2: Memories that needs to be unlocked

4 3 0
                                    

I was in my first year college when we first met at kahit siraulo yun natanggap parin siya sa Ataneo. Ang kinuhang course ko was business, and weirdly nandun din siya, the weird part is because he loved art pero nandun din siya sa course na yun, kahit nag tagal kami di ko man natanong kung ano yung rason, pero iniisip ko na lang na baka hobby niya lang ang art. Sa school ako yung masungit na babae na halos di na ako malapitan, at si Nathan naman siya yung playboy na kahit alam na nilang playboy siya madami parin nag kakagusto sakanya, like ew ano nagustuhan nila, says the girl na nag mahal din sakanya. We have the same classes pero di naman kami nagpapansinan, kasi wala naman talaga ako pakialam sakanya, di naman din kasi uso groupings sa klase namin kaya wala na lang pakialaman, until pinagsama kami ng teacher namin sa geometry sa isang project.

"Ngayon lang ata kita nakita dito, anong pangalan mo, baka sakali matandaan ko?"

"Annalise, and for your information mag kaklase na tayo for like 6 months, di kasi ako tulad ng mga chix mo kaya di mo ako matatandaan talaga"

"I'm Nathan, and for your information too, wala ako nalilimot na muka na kasing ganda mo"

"I don't need your crappy compliments, ang kailangan ko sayo ay participation para sa project na ito, so Nathan saan at kailan mo gusto gawin ang project?, just make sure as soon as possible kasi ayaw ko nag papasa ng late"

"Ang sungit naman nito, may oras naman ako mamaya pwede din natin gawin sa bahay ko"

Ito na ba yung mga sinasabi ng mga babae tungkol sakanya, jusko if I had a chance to lose my virginity, never ko ibibigay sakanya. Gagawa lang kasi ng project bakit kailangan sa bahay pa niya, unless nandun nmn parents niya, nevertheless magdadala na lang ako ng tazer or pepper spray, pero kung mang gagahasa siya edi sana madaming babae nagrereklamo na ganun siya, kaso di naman. Hays Annalise stop overthinking, gagawa lang kayo ng project, iniisip mo na mag sesex kayo, ano ba itong iniisip mo, and dumi.

"Sige dahil free naman ako mamaya, I'll just give you my number then text mo na lang sakin address mo"

"Mag kita na lang tayo maya miss beautiful, reply ka ahh"

The fuck? Nakaka cringe, o sadyang di lang ako sanay sa ganyan, pagkatapos ko ibigay number ko, I left with a disgusted face because it was cringy and weird at the same time.

First time ko mag bigay ng number sa lalaki maliban sa kapatid ko at tatay ko, so it made me feel anxious tapos pupunta pa ako sa bahay niya. Ang inasahan ko talaga sakanya ay masungit at hard to get kahit na malandi, pero kabaliktaran pala kinukuha niya pa siguro yung loob ng babae bago niya tirahin, sabagay ano nga ba kasi alam ko sakanya puro mga kwento ng iba ang naririnig ko tungkol sakanya. Huhu bakit ba ang dumi ng isip ko pag dating sakanya, bakit ba naman kasi ang dami niyang babae, tas kadalasan pa nakwekwento kung ano mga naranasan nila sakanya, o baka ginagawa lang nila para mag painggit? Is he really that popular?

Nung uwian na, dumaan muna ako sa bahay namin kasi kinailangan ko muna mag paalam kay mama, nag aalala kasi siya pag late na ako nakakauwi. Nakita ko ang mama ko at kapatid ko dun sa may sala, habang naka upo sa sofa nanonood sila ng tv.

"Ma, pupunta muna ako sa bahay ng kaklase ko, may project kasi kami, sa labas na lang din ako kakain kaya di niyo na kailangan mag tira ng ulam"

"Ay mama pupunta lang yan sa bahay ng jowa niya"

"Calice ano ba, kung ano ano nanaman sinasabi mo, ma wag ka maniwala diyan"

Siraulo talaga tong kapatid ko samantalang kasi ate lang niya ako ng isang taon.

"O Annalise pag punta mo sa "bahay ng kaklase mo" project lang"

"Mama wala naman ako gagawin dun kung di project lang, sige na para maaga kami makatapos"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Promise that Holds UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon