Kabanata 9 : Semilya
"Mama kain ka na po." nakangiting anyaya ni Laszlo ng makababa si Elle.
Napatingin ang sixtuplets sa isa't isa naunang bumaba ang Papa nila kanina kahit na susunduin nito dapat ang Mama nila. Ilang minuto rin ang pagitan ng sumunod na bumaba ang Mama nila, na ngayon habang pinagmamasdan nila namumula ang mga mata nito at pinipigilang sumigok.
Napahingang malalim si Shiloh, isip bata ang Mama nila pero kahit ganoon nagagampanan naman nito ang tungkulin bilang ina. Kahit na nga minsan mas bata pa ito umasta sa kanila tulad ng paraan ng pag-iyak nito na kahalintulad sa quintuplets.
Pero dahil siguro matanda na rin ang Mama nila kaya pinipigilan na nito ang nakagawian o ugali nitong isip bata kahit ang pag-iyak ng malakas.
"Mama dito po kayo." nakangiting sabi ni Otto saka ito tumayo at iniusog ang upuan para makaupo si Elle.
Napangiti si Elle at umupo ito sa hapag kainan naroroon na rin si Wine na hinihintay yata siya kumain dahil hindi pa nito nagagalaw ang pagkain.
"Mama, kain ka po." sabi ni Viggo sabay sandok sa plato ni Elle ng pagkain na muling ikinangiti ni Elle dahil namana ng mga anak niya ang pagiging sweet ni Wine.... dati.
"Sana hindi kayo, magbago." mahinang sabi ni Elle na ikinatingin ng sixtuplets dito.
"Mama, kumain ka po ng marami. At huwag kang mag-alala, hindi kami magbabago sayo. Mama ka namin at ikaw ang the best mother para sa amin." nakangiting sabi ni Ezio na ikinangiti ni Elle.
Nanatiling tahimik si Wine habang nakikiramdam lang din ito.
Napatingin naman sila Malic at Venus sa mag asawa. Ramdam nila ang lamig ng dalawa sa isa't isa.
"Mama masarap po ang chicken." sabi ni Fleur saka nito hinimayan si Elle na ikinangiti ni Elle.
"Kumain ka na po Papa." sabi ni Otto kay Wine na ikinatango ni Wine at nagsimula ito kumain.
Nakamasid lang ang mga bata sa magulang ng mga ito na tahimik kumakain. Nagtitinginan naman ng palihim sila Malic at Venus dala ng katahimikan, na kahit ang sixtuplets hindi mahaharot tulad ng nakagawian na kahit kumakain ang mga magulang ng mga ito halos maghampasan ang anim.
Napatingin sa isa't isa ang sixtuplets naninibago sila, na kung tutuusin kaya naman sila mahaharot dahil masaya sila kapag nakikita sweet ang mga magulang nila.
Pakiramdam kasi nila kapag nakikita ang magandang ambiance ng magulang nila isa silang perpekto at masayang pamilya kaya naman na-adopt nila ang pagiging masaya ng mga magulang nila...... dati.
"Mga apo umakyat na kayo gabi na para makapaghinga na kayo." sabi ni Venus sa mga apo ng tahimik lamang ang mga ito nakaupo at nakatingin sa mga magulang ng mga ito.
"Sige po lola. Tapos naman na po ako sa paghuhugas ng pinggan." sabi ni Laszlo na siyang naghugas ng mga plato at kaldero.
"Mama, nag-igib na po kami sa poso sa labas okay na po lahat ng drum. Hindi ka na po mag-iigib." sabi naman ni Otto na ikinatango ni Elle.
Napatingin ng pasimple si Wine kay Elle, nakatungo lang ito habang kumakain at ng tingnan niya ang plato nito naka-separate ang kanin nito na tila hahatiin nito pati ang ulam natin nakahati rin.
"Nag-iigib ka pa sa poso? May gripo naman." sabi ni Venus na nagulat sa sinabi ng apo niya.
"Para makatipid po." mahinang sabi ni Elle.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...