Kabanata 10 : Kulay
Samantalang paglabas ni Elle sa likod bahay pumunta ito sa gilid at napangiti ng makita ang mga biniling sisiw na nasa kulungan na binili din niya ng second hand.
Kumuha si Elle ng pagkain ng sisiw at nilapitan ang naturang mga hayop saka ito pinakain.
"Kumain lang kayo." nakangiting sabi ni Elle saka nito pinagmasdan ang mga sisiw na maiingay na kumakain.
Ilang minuto rin si Elle nakatitig sa mga sisiw habang pinagmamasdan ang mga ito. Samantalang nasa likuran lang si Venus at pinagmamasdan si Elle na nakaupo at may tinitingnan sa may gilid.
"Ano iyan?" nakangiting sabi ni Venus kay Elle na ikinatingin ni Elle sa biyenan.
Lumapit si Venus kay Elle at napatingin si Venus sa tinitingnan ni Elle nang napakunot noo ito ng makita ang anim na may kulay na sisiw na kumakain.
"Mga alaga ko po. Hmmn! Aalagaan ko po, at padadamihin ko para hindi na ako mamublema sa itlog kapag umaga na almusalan ng mga anak ko po. Saka kapag dumami kakatayin ko at gagawin kong fried chicken." sabi ni Elle na inosenteng napangiti.
Napangiti si Venus, isa sa ugaling nagustuhan niya kay Elle hindi nawawala ang pagiging inosente nito dahil kung iisipin bibilang pa ng buwan bago mangitlog ang sisiw na magiging manok o bibilang pa ng buwan bago lumaki para kainin. O baka nga hindi pa sigurado kung mangingitlog ang sisiw na may kulay kapag lumaki ang mga ito.
"Iba-iba ang kulay nila nanay para kapag pinapakain ko sila masaya sa paningin. Hindi ko iisipin palamunin." natawang birong sabi ni Elle na ikinalungkot ni Venus dahil may laman ang sinabi nito na naramdaman din niya dati noong bago pa lang sila nagsasama ni Malic kung saan si Malic ang gumagastos lahat.
"Pero, sabi ng nagtitinda mawawalan ng kulay ang mga sisiw kapag tumagal. Kaya naman hinahanda ko na po iyong sarili ko,....
....kapag wala ng kulay." napaluhang nakangiting sabi ni Elle saka ito napasigok.
"Elle." sabi ni Venus na nakaramdam ng awa sa daughter-in-law.
"Akala ko puro saya, akala ko puro tamis, ang akala ko nanay masaya lang si Elle. Hindi pala." napaiyak na malakas na sabi ni Elle na tila ito bata na nagsusumbong sa nanay nito na parang inaway ito ng mga kalaro.
"Bakit ganoon?" sabi ni Elle saka ito napatingin kay Venus na ikinaluha ni Venus saka ito umupo katabi ni Elle at niyakap ito.
..............
"Umayos ka dahil kapag ang naramdaman mo ay naramdaman ng asawa mo.... tapos na." sabi ni Malic na ikinatingin ni Wine kay Malic.
"Ang katahimikan mo ay hindi nangangahulugan na payapa ka. Hindi lahat ng katahimikan ay nagsisilbing solusyon para sa kaayusan." sabi ni Malic at ng manatiling hindi nagsasalita si Wine napatiim bagang si Malic s ainis.
"Hindi na kami makikialam ng nanay mo, ayoko na rin magsalita tungkol sa relasyon niyo ni Elle. Huli ko ng payo sayo dahil nasabi ko ng lahat sayo, na halos nagtalumpati na ako sa harapan mo mula ng dumating ako.
Ayusin mo, at kung hindi mo kaya, ilagay mo sa dapat nang sa ganoon iyong damage na magagawa mo kaunti lang. Sabi nga ni Elle onse iyan at tandaan mo hindi pa kasama ang nanay.
Tandaan mo rin Wine na ang mga anak ay nagbabase sa nararamdaman ng ina nila dahil ang ina ang siyang kasama nila lagi. At kahit saan mong anggulo tingnan mas mataas ang ina kaysa sa ama sa paningin ng anak, ito ay base sa emotional na mas mahalaga kaysa sa ibang aspeto dahil ito ang unang huhubog sa kung magiging ano silang tao paglaki nila." sabi ni Malic.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...