Memories of you :">

36 0 0
                                    

Prologue

Mahal ko ang mga kaibigan ko. Bukod sa pamilya ko, mahal ko rin sila at tinuturing ko silang mga kapatid. At lahat gagawin ko wag lang kami magkahiwalay lahat.

.

.

.

.

Pero paano kung isang araw mawala  ang memorya mo tungkol sa mga kaibigan mo? Ano kaya gagawin mo at wala na lahat ng masasaya niyong mga araw?

.

.

.

.

Iiyak ka ba? Magmumukmok? O kaya eh sasaya?

.

.

.

.

Ito ang istorya ko. Maraming kaibigan, pero parang nawala lahat sa akin ng parang bula simula noong isang araw.

Introduction

Ako si Cassandra Camille Reyes, 14 years old at sophomore pa lang sa Sparks University kung saan iba ang curriculum at maraming sikat at mayayaman na bata. Ako? Mayaman rin kami, may mansyon, mga katulong…pero, di ko lang ipinahahalata. Kalilipat lang namin ng pamilya ko sa isang subdivision, kung saan medyo malapit rin ito sa Sparks. Meron akong dalawang kapatid na mas matanda sa akin, si Kuya Harry at Kuya Cyril. Syempre, ako ang bunso. Bwisit itong dalawa kong kuya, kasi palagi akong inaasar pero malambing naman sila lalo na si Kuya Cyril.

“Princess, tumulong ka naman dito oh! Ikaw magbuhat ng ibang kahon dun… Tss. Di porke’t ikaw ang prinsesa namin, di ka na tutulong. Bahay mo rin ito oh! =____=” –Kuya Harry

Haha! Si Kuya Harry naman napaka bossy talaga kahit kailan. Princess ang tawag nila sa akin dahil ako lang ang babae sa magkakapatid. Feeling ko nga, may kaharian ako e. Ahehehehe! :)

“Sandali lang Kuya, ibinababa ko pa sila Luxie oh!” sabi ko sabay baba sa kulungan na pinaglalagyan ng Shih Tzu naming si Luxie. Binelatan ko na lang si Kuya.

*beep*

1 new text message

From: Cathy, Frances, Julie

Hello, CC namimiss ka na namin dto! :”( bbisitahin mo b kmi? Haha! Anyway, mag-ingat ka dyan misx byutipul…palagi magaral ng mbuti at wag puro lablayf ang atupgin! ;”) love lots from Tropang Potchi 2012

Nagtext ang Tropang Potchi ko! Sila ang mga friends ko sa dati kong school. Puro sila nasa Top 10 at ako rin syempre! Si Frances ang pinakamatalino sa klase lalo na sa Math kung saan ako mahina. Pero syempre pinalad naman ako at nakasama pa!

To: Cathy, Frances, Julie

Hello rin sa inyo! Miss ko na tlaga ang tropa natin sana magingat din kayo…at pkisabi kay Julie wag seseryosohin ang mga crush! Love u all! <3

Sending…sending…message sending failed.

Ay nako anak ng lupa! Wala na akong load…expired na ang unli ko! Nakakabwisit naman!

“Princess, di ba sabi ko sayo magbuhat ka ng mga ibang kahon dun? Dalian mo nga wag ka text ng text!” –Kuya Harry

“Palibhasa kasi inggit ka Kuya! Hmp. Ito na po nagbubuhat na po!” pagdadabog ko kay Kuya. Ang sunget sunget ba naman! Pagbaba ko ng mga kahon sa gilid ng pintuan, tinanong ko kay Kuya Cyril kung saan pwedeng magpaload na tindahan.

Memories of you :&quot;&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon