CHAPTER 3: [WHEE...]

6 0 0
                                    

CHAPTER 4 [WHEEE…]

=recess=

“CC, ano gusto mo?” –FC guy

“Aah. Ikaw bahala. Psh.”

“Hm. Sige. Ate, spicy macaroni nga po. Dalawa po.”

O__________________________O

“U-Uyy Renz, ah yung baked mac na lang. Ayoko ng maanghang.”

“Eh? CC, nabayaran ko na e. Bagal mo kasi sumagot tsaka sabi mo ako bahala. >:)”

Anak ng!

Humanap ako ng upuan sa canteen at noong nakahanap ako, umupo na ako doon. Nakakabwisit talaga itong si Renz a.k.a. FC guy. Nakakabuwisit to the max! Napadukdok ako tuloy sa sobrang sakit ng ulo ko sa kanya.

“Pssst.”

Tumingala ako at tiningnan kung si Renz yung pumaswit…

*dug

*dug

*dug

*dug

“Hello…Camille, pwede maki-share ng seat? Wala na kasi upuan e. Please? ^_____^”

Sino ba itong guwapong nilalang na nakatayo sa aking harapan?!

“E-eh…sure, sure,”

“Thanks. Ay oo nga pala, my name is Paulo. Magkaklase tayo diba?” sabi ng guwapong nilalang sabay lapag sa kanyang meryenda. Bigla namang dumating ang bakulaw. Psh. Sino pa ba? Edi si… “CC, eto na yung…meryenda…mo.” Sabi niya pero napatingin siya kay Paulo na kumakain ng meryenda niya. Napatingala naman si Paulo. <3 <3

“Uyy Renz nandyan ka pala. Wala ka bang maupuan? O dito umupo ka oh, sa tabi ni Camille. Diba pwede naman siyang tumabi, diba Camille?” sabi niya kay bakulaw tapos tumingin sa akin.

*STARSTRUCK!*

“CC, lumipat nga tayo ng table. Mainit dito e, walang electricfan.”

“E…”

“Tara na mainit nga diyan. Baka malusaw ka pa diyan.”

“Oo eto na. Sorry Pau magkaibigan kasi kami e. Sabay nalang tayo mamayang lunch pwede?” sabi ko kay Paulo na nag thumbs-up naman. Sooo kiliiigggg!

“CC, wag ka ngang lumapit kay Paulo Ramos. Promise, hindi mo magugustuhang lapitan siya =____________=” sabi ni Renz sabay abot ng meryendang binili niya sa akin.

?____? <-------- expression ko

¬___¬ <-------- expression naman niya

“Ah…eh, bakit naman? Mukha namang mabait si Paulo eh. Diba?” tanong ko kay Renz. “Tsss. ‘Mukha’ lang, CC pero promise hindi mo magugustuhan ang tunay na ugali niya,” sabi ni Renz sabay subo sa macaroni. Napatingin ako sa meryenda ko tapos napagtripan ko ring kainin kahit na maanghang. May pinabaon namang tubig si Kuya Harry eh. Pagkatapos nun, pumunta na rin kami sa room. Nakita namin maraming nakatambay dun na nag-gigitara at nagkekwentuhan.

“Uy Renz ano na nga pangalan ni toot sa facebook? Nakalimutan ko kasi…nanunuod kasi ako ng dance steps eh!” –Carlo

“Che. Tumabi ka nga diyan Carlo mamaya ko na sasabihin sayo, masyado kang atat.” –bakulaw

Makapagsalita naman itong si Renz! Ang sama!

>_______________<

“Eh! Teka, teka, Renz sino ba itong babaeng palagi mong kasama buhat noong umaga pa? Curious ako ah. Miss, kayo na ba ni Renz?” sabi ni Carlo sabay duro sa akin. Huwaaaaattt?! “Tssss. Carlo ano ba yang pinagsasasabi mo ha? Kaibigan ko lang si CC…di ba CC?” sabi ni Renz sabay tingin sa akin. “Um…oo naman,” sabi ko. “Kaibigan o ka-ibigan?” tanong ulit ng makulit na si Carlo. Binatukan naman ni Renz si Carlo tapos pinalayas si Carlo. Ansamang bata talaga!

Bigla namang may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa likod ko at…

*o*

“Hello Camille! Tara punta tayo sa tambayan? Tapos diretso na rin tayo lunch. Diba sabi mo sabay tayo mag-lunch ngayon?” –Paulo

*o*

“Camille, tayo na ba? Punta na tayong tambayan?”

*o*

NGA-NGA~

“Um. Saan ba ang tambayan?” –ako

“Diyan lang sa malapit sa pool. Malamig dun…tara na ba?”

“Sure.”

Pumunta kami (uyy kami <3) dun sa pool. Kami lang dalawa nandun kaya sweet…may dala siyang gitara sa likod niya. Umupo kami sa isa sa mga bench dun tapos nagsimula na siyang tumugtog at kumanta.

*Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba ‘tong mukhang _________

Nagkandarapa sa pagkanta, at nasisintunado sa kaba?*

Ay tumigil siya tumugtog! :( makakatulog na sana ako sa balikat niya eh! “Camille, marunong ka ba maggitara?” tanong niya. “Huh? Oo, marunong ako maggitara…tinuruan ako ng kuya ko,” sabi ko sabay kuha sa gitara niya, “pwede ba mahiram, Pau?” Inabot niya sa akin ang gitara niya na nakangiti pa. <3 <3

“Tugtog ka na, Camille ^_______^”

*You were in college working part time,

Waiting tables, left a small town never looked back.

I was a flight-risk with a fear of falling,

Wonder why we bother with love if it never lasts*

Tumingin ako sa kanya at nakita ko nakatingin rin siya sa akin na may kumikintab pang mata. Nagpatuloy ako sa pagtugtog at pagkanta.

*I said can you believe it?

As we’re lying on the couch,

The moment I can see it, yes, yes,

I can see it now.*

“Wow, Camille ang galing mo kumanta at tumugtog ng gitara! Idol!” sabi ni Paulo sabay palakpak. “Thank you, thank you!” sabi ko naman ng pabiro. Nagtawanan kami parehas. “Hmm. Tara na, lunch na tayo?” tanong niya. Tumango ako at tumayo na. Pwede naman pala maging best day ever ang first day of school eh! Wheeeeeee~

Memories of you :&quot;&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon