Chäptër 12 (Who are Spade & Vielka?)

49 1 0
                                    

Rain's picture on the side nung chubby pa siya--->

Rain's POV

~Flashback~

4 years ago...

Last year ko na nun sa high school,Sa nakalipas na limang taon bilang highschool student ay wala namang nangyari sa aking enteresante,average type of student eka nga,hindi nga ata alam ng mga tao na nageexist ang isang Rain Sidney Crimson.Ala ni isang nagtangkang lapitan

ako para kaibiganin,para bang iniilagan ng nakararami.Siguro dahil mataba ako at may sariling mundo,madalas kasi akong magpalipas ng oras sa liblary at hindi rin mahilig gumimik.Kung hindi pa inaaya ng mga pinsan ko para mamasyal ay hindi pa ako makakalabas ng bahay.Kaya sa pagkain at pagbabasa ko na lamang binubuhos ang oras ko.Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang hindi ako nabubully o ikalulungkot ko ang hindi nila pagpansin sa akin.

Nagpapasalamat ako na nalagpasan ko ang limang taon na walang nagyayaring masama.Hanggang sa isang araw naisipan kong bumili ng hot chocolate sa cafeteria dahil sa malamig na panahon,patungo na ako sa klase ko at tinatahak ko na ang daan sa hallway nang tumunog ang cellphone ko,hinanap ko ito at nang nakuha ko ay nakita kong nagtext pala si Ate Hairene na magpunta sa kanila mamaya para magmoovie marathon,ipapasok ko na sana ang cellphone ko sa bag nang aksidente kong mabunggo ang padating na babae at huli na ng napagtanto kong natapon pala sa kanya ang iniinom kong hot chocolate.

"So...So...Sorry hindi ko sinasadya."Inayos ko ang salamin ko at tumingin ako sa kanya upang kumpirmahin ang magigingreakosyon nya.PATAY!Yan ang naiisip ko nsgyon...Si Vielka Isabella Ronets,siya ang leader ng cheering squad sa school,ang SSG president,at regning Ms.Denver University(high school devision)...Minalas nanaman yata ako?

"Ang lakas ng loob mong tapunan ang damit ni Vielka!"Sabi ng isa sa mga alipores nya..

"Naku girl!!Wrong move!"Pangangantyaw naman nung isa pa sa mga kaibigan nyang si Mandy.Sabi nila mataray at matabobre daw itong si Vielka,wala daw sinsanto yan kaya takot lahat ng mga babaeng estudyante sa kanya.Nananalangin na ako na sana ay hindi nya ako masungitan ng sobra o kaya masapak ng malakas.

"Ano ka ba Mandy!Naku Rain ayos lang yun,ingat ka nalang nextime."Nakakapagtakang hindi niya ako sinungitan at ang mas nakapagtataka pa na alam nya ang pangalan ko?Am I even dreaming?!

Nandito na ako sa bahay nila Caleb pero hindi ko parin magawang kalimutan ang kabutihan ni Vielka sa akin kanina.Nanonood na sila ng movie pero wala parin dun ang atensyon ko.

"Di ba no Rain?!"Nagising ang katawang lupa ko dahil sa tawag nj Jazz sa akin.

"Hah?Ano ulit yun?!"Tanong ko pabalik.

"Lumilipad nanaman ang utak mo Rain!!Sabi ni Jazz subukan mo kaya daw magdiet,malapit na daw ang prom nyo at baka hindi ka makapili ng susuotin mong dress."Sabi ni Ate Hairene.Ngayon ko lang naisip na malapit na pala ang prom ng DU.Nung mga nakaraang taon kasi hindi ako umaattend dahil bukod sa nahihiya ako ay walang nagkakasya sa aking dress sa mall.

"Ate wag mong sabihing hindi ka nanaman aattend sa prom nyo?Naku kung ako sayo aattend na ako,last na yan e.Maswerte ka nga magpprom kana,ako next year pa"Pangongonsyensya sa akin ni Amethyst.Grade 8 pa lang kasi siya katulad nila Maia,Jazz,Caleb at Trevor pero accelerated silang dalawa ni Maia kaya sila magkakaklase.Mas atat pa siya sa aking magprom.

"Kaso hindi ba tinry ko nang maghanap ng damit sa prom pero alang magkasya sa akin?!"Sa tuwing sinusubukan ko kasing maghanap ng damit sa huli ala din akong napipili dahil alang magkasya sa akin.

"Don't worry coz ako na ang bahala sa damit mo,may kilalang designer si mama,pwede tayong magpasadya ng damit para sayo.Basta ibigay mo lang sa akin ang design na napili mo."Nakakataba talaga-not literally ng puso na alam mong nandiyan ang mga pinsan mo na handang tumulong sayo hindi ba?

The Curse Of Beeing A Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon