Chäptër 14 (Truth or Dare?!)

27 1 0
                                    

Rain's POV

At nandito nga siya sa harap ko at nakukuha pang tumawa.Pagkalipas ng apat na taon hindi parin nawawala ang galit sa puso ko dahil sa panloloko niya,panloloko NILA sa akin noon.

Nagkatinginan ang mga pinsan ko at binaling nila ang tingin sa akin,na wari ba'y tinitignan ang magiging reaksyon ko.Alam nila ang mga pinagdaanan ko mula palang ng naging kaibigan ko si Vielka,niligawan ako ni Spade at humantong sa pagtuklas ng tinatago nilang sikreto,hanggang sa nakilala ko si Jeth at sabay kaming nagaral sa America.

"Spade I want you to meet my cousins"Tapos humarap naman siya sa amin."Siya yung tinutukoy ko na may ari ng resort."

"Actually its our family business,we have many resorts all over the country."Lakas naman ng hangin!At nagmamalaki ka pa talagang PUNYEMAS ka!!!

"Oh?Talaga?Edi Wow!!!"Singit naman ni Caleb,kung normal na araw to ay garantisadong sasawayin siya ng mga pinsan ko pati narin ako pero si Spede ang kaharap nya kaya napatawa narin ako pati na ung iba.Si Kuya Lawrence lang ang hindi nakisali sa tawanan.

Ngayon ko lang din naalala na si Kuya Lawrence lang ang hindi nakakaalam nang tungkol sa nangyari sa pagitan namin ng Spade na yan,ang alam nya lang kasi na  nasaktan at niloko ako sa pag-ibig pero hindi na niya nalaman ang buong detalye dahil hindi namin siya palaging nakakasama nag OOJT na kasi siya sa kompanya nila that time,kaya siguro malakas ang loob niya na ipakilala ang lalaking iyon sa amin.

Maya maya nagexcuse si Adam"Guys wait lang may aayusin lang kami ni Lawrence!"Sabay higit kay Kuya Lawrence,nagtataka man ay nagpatianod na ito at sumama kay Adam.

"Oh san pupunta yung dalawang kurikong na yun?!Baka maggigirl hunting nanaman!Hindi manlang nanama!"Nagtatantrums nanaman si Caleb,basta pambababae ang usapan hindi talaga niya palalampasin.

Napansin ko naman na napako sa akin ang tingin ng Spade na ito!Bakit?Dahil nakikilala na niya ako?Naaalala na niya kaya ang mga panlolokong pinaggagagawa nila sa akin noon?!Masama ko naman siyang tinignan pabalik dahilan para bawiin niya ang paninitig sa akin.

"Hi I'm Spade Christanne Chua,and I'm pleased to meet every one of you!"Kainis akala ko pa naman mananahimik nalang siya dahil nabara na siya ni Caleb kanina.

"Yeah right!Nadinig na namin yan kanina!"Amethyst gave him a bored look.

"Hi Spade I'm Hairene!"Magalang na pagpapakilala ni Ate Hairene!Nakipagkamay pa ito.Bilib din ako sa kanya,kahit na inis na inis siya sa lalakeng yan dahil sa nalaman niyang niloloko lang pala ako nito ay nakuha pa niyang maging magalang sa harap niya.

"Hey Ezrah nga pala pre!"Tapik naman ni Ezrah sa balikat niya.

"I'm Maia"Simpleng sagot naman ni Maia,hindi na nagabala pang abutin ang nakalahad na kamay ng Spade na to!

"Jazz here!"Sabi naman ni Jazz habang nagkatutok ang mata sa Cellphone.

"Trevor"Kemeng pagpapakilala ni Trevor,ano pa bang bago?Ganyan naman yan dati pa mas lumala pa nga ata ngayon dahil broken hearted!

"Caleb is the name!"Sabay fist bump naman niya kay Spade!IceSauce!!!Kanina lang susupla sulado ang drama niya ngayon may pa fist bump fist bump pa siyang nalalaman!

"I'm Amethyst"Maarteng pagpapakilala ni Amethyst,katulad ni Maia ay hindi din niya inabot ang kamay ni Spade at taimtim na nagaapply ng blush on.

Syet na Malagket!Pati ba ako kasama sa pagpapakilala?FootongueIners naman..."R-Sidney"Muntik nang mapiyok ang identity ng lola nyo!Nilahad nanaman niya ang kamay niya,balak ko sanang hindi na abutin pero siya na ang kumuha mismo ng kamay ko at nagulat ako dahil hinalikan niya pa ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Curse Of Beeing A Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon