Chapter 1 - How It Started

83 9 0
                                    

HER POV

"Is everything ready for tomorrow? Siguraduhin mong wala kang makakalimutan. Our house is kilometer away from the University."

I couldn't tell how many times did she told me that. Mukha ba akong ignorante na mawawala sa first day of school ko? Like duh. Tomorrow's the first day of my sophomore life, actually late na nga ako. May mga inasikaso pa kase silang mga papeles kaya huli na ako ng one week. Pero whatever it is, kaya ko ang sarili ko. I may be acting like a brat pero hindi naman ako stupid para hindi malaman ang mga dapat kong gawin.

"Stop it already, mom. As if naman ako ang bunso sa bahay na 'to," I amost rolled my eyes.

She chuckled before walking back to the door."Oh, sweetie. Alam ko naman 'yon. You're still my baby girl---"

"Mom! I said stop na!" reklamo ko.

Natatawa naman siyang umalis kaya nakahinga ako nang maluwag at pinagpatuloy ang pag-aayos ng things ko. Finally, I'm gonna get out from this boring place once my classes will start. Mararanasan ko nang pumunta kahit saan after classes or umuwi ng late sa gabi.

After finishing my things, bumaba ako for our dinner. Its just mom and I. Si dad, he came back from Australia to deal with his works there na hindi ni pwedeng maiwan. I even thought na he will work here for good because we're living here. Hindi pala.

"Where's Kuya? Don't tell me hindi siya sasama sa'tin na magdinner," I said while raising my eyebrows.

She smiled a little."Yes. He's out with Stanley. Alam mo namang madalas lang siyang umuwi sa bahay lalo na kapag nandito siya."

"And what about me?! Why can't I enjoy myself outside like him? I'm nineteen na! I can manage myself," I argued.

"You're a lady, Jira. Hindi ka pwedeng lumabas nang ganitong oras." Someone entered the dining room and its him.

Tuluyan na akong napairap at hindi na nagsalita pa. It doesn't make sense arguing with my brother. Palagi naman siyang may baon na sagot sa'kin. Bagay nga sa kanya ang course niyang law.

Kahit naman maraming bawal sa'kin, I can stay up late at night scrolling on my social media accounts. 'Yon na nga lang ang happiness ko rito sa bahay tapos ipagkakait pa nila? Hindi naman yata fair 'yon!

I was more active on my Instagram and Twitter account kaya doon ako mas lalong nagtatagal. I'm not into meddling people's lives like reading some issues about their personal matter. Pero kase, minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na't curious ako sa isang bagay. Just like celebrities lives. Masyado nang uso ang cheating ngayon kaya nakakatakot pumasok sa isang relationship.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog no'n. Basta, what I remember was the Instagram posts and wala na. Siguro nakatulog na ako pagkatapos no'n.

"Rashin, sweetie. Are you awake---"

"I am! Don't have to check me out. I'll take a bath na," I cut off her words.

Mom's so annoying. Lalo na kapag tinotopak siya at tinatawag niya ako sa second name ko which is I hate the most. Gusto ko Jira lang, simple as that. Mas madali pang sabihin at walang mabubulol.

After I took a shower, I immediately opened my closet to get my new uniform. Stripe siya na red and white. First time kong isuot ko at komportable naman kaya nagmadali na akong magbihis para makababa na. My things were ready yesterday so I don't have to check it again. Kumpleto naman na...siguro.

"Mom, I'll just eat lunch in the cafeteria. Maraming foods do'n pwede kong kainin. Just save it for dinner," I rejected her lunch box.

I gave her an apologetic smile before kissing her cheeks and biding goodbye. I was using my own car that dad gifted me from my last birthday. It looks so nice para gamitin sa first day ko. I took some driving lessons when I turned 18 at nagdri-drive rin ako sa Australia paminsan-minsan so I'm used to it.

Helveryst Series #3: Love At First KissWhere stories live. Discover now