Chapter 2 - Leader Of The Group

60 10 0
                                    

COLT HENRY'S POV

"Ano nang gagawin mo niyan? Popular ka nga pero hindi ka pa naman nagkaroon ng bagong issue since last year pa. 'Di ba panghuli na 'yong sa ex mo?"

Sinamaan ko nang tingin si Bryce dahil pinaalala niya pa ulit 'yon. Tanginang issue 'yan. Ano bang pakialam ko? I may not be on my senses when I did that kiss but it already happened. Takte! Binawi ko na nga no'ng magreklamo ang babaeng 'yon.

Was that a big deal? Para namang ikamamatay niyang makuha ang first kiss niya.

"It's okay. Hindi ka naman celebrity kaya wala pang limang araw mawawala na rin 'yon. Chillax!" Kiezo tapped my shoulders and throwed the Gatorade on my face.

"Gago! Muntik na 'yon ah!" I cursed over and over again.

Importante sa'kin ang mukha ko. Ano na lang ang maihaharap ko kapag nagasgasan 'to?!

Nakakalahati pa lang ako sa iniinom ko nang mag-ring ang bell para sa next subject. Isang subject pa bago ang lunch kaya kailangan ko munang tiisin ang gutom ko. I should have eaten breakfast but if I did, maybe I couldn't catch up on my subjects and missed our two quizzes. Hindi pa ako nakakain kahit burger man lang dahil gipit ako sa oras.

I have my fucking research for fucking sake!

"Lead! Tara na. Terror si Mr. Ferollino," tawag sa'kin ni Astrid, isa sa mga kaklase ko na kasama rin sa grupo.

Tinanguan ko lang siya bago tumayo at sumunod na. Talaga ngang terror siya dahil limang segundo lang kaming late, pinatayo kami buong klase niya. The fudge! I don't really know what's with him. Professor din siya ni Kuya Daron pero hindi naman siya ginanito si Kuya, ah. Sarap niyan patalsikin, literal.

Like, who wants to listen to his discussion if we're gonna stand here at the back. Stand straight pa kung hindi baka lagyan niya ng libro ang ibabaw ng ulo namin. Ano ba naman to! Mukha ba kaming junior high school?

"Lead, nagsusulat pa si prof sa board. Upo ka muna rito," bulong sa'kin ni Fury.

Sinenyasan ko naman siyang magpalit agad kami bago pa makatunog ang prof naming ulupong. Damn, finally. Nangangatog na ang tuhod ko kakatayo. Wala pa ngang kalahating oras parang mababali na ang body framework ko sa binti.

"Mr. Helveryst! Didn't I told you to stand up for the whole period?!" Nanlalaki ang mata niyang sigaw sa'kin bago bumaling kay Fury na kapalit ko."At ikaw! Hindi ka na uupo dahil nakipagpalit ka sa kanya. You can only sit down when my class is over."

"S-Sorry.. Lead. Tatayo na lang ako kasama nila." Imbis na mag-sorry kay prof, sa akin pa siya humingi nang paumanhin.

"Mr. Helveryst! Tumayo ka sa unahan nilang lahat. Maiiba ka! Sit on the air!" May galit nga talaga sa'kin ang prof na 'to.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilang sumagot pero hindi ko talaga napigilan."I dont want. Tatayo na lang din ako kagaya nila."

"Abat! Natututo ka na ah! Minus ka sa performance task ngayong araw dahil sa inasal mo!" singhal niya pa ulit.

"Eh parang gago naman ako no'n, prof! Sit on the air? Seryoso ba?" di makapaniwalang tanong ko.

Sinamaan niya ako lalo nang tingin at binigyan ng warning kaya tumahimik na lang ulit ako. He continued discussing our goddamn topic for today while I'm fucking sitting on the air and my members were standing at my back. Hindi ko nga kakayanin ang 5 minutes, paano pa kaya kapag isang oras na?

Napairap na lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko pati ang mga kasama ko para pumirma. Finally, his subject ended. Mamaya ka talaga sa'king prof ka, magrereklamo ako kay Kuya.

Helveryst Series #3: Love At First KissWhere stories live. Discover now