Kabanata 12 : Piso
Heather Island
"Wow! Mukhang kayo ang aking lucky charm." nakangiting sabi ni Elle sa quintuplets na nakangiting nakaupo sa sofa habang hinihintay siya matapos.
"Nakabenta ka po, Mama?" masayang tanong ni Iris.
"Oo mga anak. Isang bilyon dolyares. Pinakyaw niya lahat ng nandidito sa kuwartong ito." sabi ni Elle.
"Ang galing naman po Mama." sabi ni Fleur.
"Kasi magaling din kayo na laging nakangiti." nakangiting sabi ni Elle.
"Ano pong gagawin mo sa pera, Mama?" sabi ni Blossom.
"Tutal napakyaw na lahat ng bumili, na kukunin na lang daw ng mga tauhan niya sa airport kaya balak ko ibigay kay Papa niyo ang kalahati sa mga kinita ko tapos ang kalahati ay ibibili ko ng mga damit na puwedeng ibenta. Papaikutin natin ang pera." sabi ni Elle
"Mama, di po ba tinuruan ka ni lola Venus manahi?" sabi ni Peony.
"Oo. Bakit mo naman naitanong?" sabi ni Elle.
Napatingin si Elle sa limang anak, katatapos lang ng online selling niya at pakiramdam ni Elle nakalutang siya sa ulap sa saya.
"Bakit po hindi kayo manahi ng damit na pambata tapos Mama susuutin namin. Puwede din pong gumawa kayo ng damit niyo tapos isuot niyo po at kayo magmodel tapos ipagbenta po natin." sabi ni Periwinkle.
Napatigil si Elle at napaisip ito, ang nanay ni Wine na si Venus ay marunong manahi at pinangarap dati magkaroon ng mall na mga damit sa Paradiso kaso nagbago iyon ng umalis ito sa El Paradiso at pumisan sa Isla Verde kung saan sinundan ito ng tatay ni Wine na si Malic.
Kaya naman tinuran siya ng ina ni Wine na manahi at lagi nito sinasabi ang pangarap nito na hindi natupad. Isang mall na may mumurahing damit na afford ng mga kagaya nitong mahirap.
"Mama, napansin po kasi namin na maraming comments kaso walang bumibili." sabi ni Iris.
"Kaya nga po Mama, baka po hindi nila kayang bilhin ang binebenta niyo. Bakit hindi po natin iayon sa antas nila." sabi ni Fleur.
Nakatitig lang si Elle sa mga anak, sa murang gulang nagtatrabaho na ang mga ito kung saan laman ng modelling agency. Kasa-kasama ng lola ni Shadow at ng mama at papa niya kung saan negosyo ang pinag-uusapan lagi kaya naman hindi siya nagtataka kung nakakaisip ng mga bagay na tungkol sa negosyo ang mga anak.
Bukod doon, lagi din isinasama ang mga ito ng lola ni Shadow sa mga business gathering kung saan negosyo din ang madalas pag-usapan.
"Subukan po natin Mama. Kahit kumuha ka ng dalawa o tatlong tao."sabi ni Peony
"Tama po Mama, maraming tao sa islang ito na walang trabaho kaya possible naman na ang iba ay may alam sa pananahi." sabi ni Blossom.
"Mama, at saka po huwag kang mag-alala marunong kami magdesign ng damit kaya hindi ka na po mahihirapan." sabi ni Peony na ikinangiti ni Elle dahil hindi niya lubos maisip na sa dami niyang anak marami din tulong ang mga ito kaya naman napaluha siya.
"Mama, huwag ka na pong umiyak. Gagamitin namin iyong husay namin sa pagdrawing na itinuro ni lola Ella para matulungan kayo." sabi ni Periwinkle.
Napatango si Elle, nagpapasalamat siya sa lola Ella niya dahil matiyaga ito magturo sa mga apo nito magpinta at ang quintuplets niya ay nahiligan ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...