Chapter 9

16.7K 385 24
                                    

Chapter 9: Leave

Ciara/Cyienna's

Kanina pa ako tapos mag-lunch, nagdadaldalan lang kami nila Jillian dito. Ang saya nila kasama, sobrang ingay rin Jillian compared kay Rona na lagi siyang sinasaway sa kaingayan niya. Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa mga buhay namin. Mag-pinsan talaga si Rona at Lawrence, magkapatid ang father's nila. Bali same sila ng surname which is Abella.

Lawrence Russ Abella pala ang pangalan niya. In fairness bagay sa kaniya, pogi rin naman siya kaso medyo nakakainis pa rin siya.

At si Jillian naman ay best friend talaga ni Rona! Sana nandito rin ang best friend ko, nasa US kasi siya at panigurado... katulong 'yon ni Mama para lang mahanap ako. Knowing my best friend, alam no'n kilatcha ng bituka ko.

Lahat nga yata ng sikreto ko sa buhay alam noon kaya kung sakaling mamamatay ako, kailangan kasama siya. Dahil alam niya ang buhay at sikreto ko. Tsaka, totoong siya lang ang may alam ng buhay ko. At isa pa bago kami maghiwalay dalawa, may nasabi ako sa kaniya.

"Basta kapag ako nawala sa US, nasa Pilipinas lang ako. Hinahanap si Papa o baka nag-eexplore." Gusto kong matawa sa sinabi kong mag-eexplore ako, hindi ko 'yon magawa dahil wala akong pera.

Nakikitira nga lang ako kay Luther.

"Doon kita hahanapin kung sakaling mawala ka."

Ang tanong... nahanap na niya ba ako? Magaling akong magtago kung alam niya lang.

"What about you? Don't you have a family?" Tanong ni Jillian kaya nakuha niya ang atensyon ko. Hinahalo pa niya ang mango shake, tumingin pa siya sa akin at hinintay ang sagot ko.

"Wala." Mayroon... Mama ko kaso tinakasan ko dahil gusto niya ako maging Reyna sa Palace, e, ayoko no'n. Mukha bang gusto kong maging Reyna? Kumilos nga na bilang Prinsesa hindi ko magawa, e, paano pa kaya maging Reyna?

"I mean, Mom or Dad?"

Umiling ako. "Wala, hindi ko kilala ang Papa ko."

Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula para hanapin siya. Walang father's name na nakalagay sa birth certificate ko, wala rin akong picture kahit yata si Mama, wala.

"Ever since you were born?"

Tumango ako. "Oo," sagot ko.

Gusto ko lang talaga na hanapin siya. Iyon lang, kaya may purpose din ang pagpunta ko sa Pilipinas. Habang hindi pa ako nahahanap ay 'yon ang gagawin ko.

"Your Mom?"

Nasa US, namomroblema kakahanap sa akin. "Hindi ko rin alam, e," tanging nasabi ko dahil ayaw kong mag-open up about sa Mama ko.

Ayoko rin na malaman nila na Queen si mama. Baka pagkaguluhan, ni hindi nga 'yon lumalabas sa screen ng TV. I mean, oo, lumalabas siya sa TV pero paminsan-minsan lang kapag may event sa palace. Samantalang ako hindi lumalabas sa TV o sa kahit anong balita about sa Palace tanging Royalty relatives ko lang.

Masyado rin kasi protective ang bodyguard ni Mama. Siguro last na pakita ko sa TV ay 'yong pinakilala akong Prinsesa, national TV pa 'yon pero matagal na. At kaya rin thankful ako dahil walang nakakakilala sa akin dito sa Pilipinas.

"So... you're alone?"

"Hindi naman sa alone. May kasama naman akong nakatira sa..." natigil ako sa pagsasalita nang marealized ang sinasabi ko. "Ang ibig kong sabihin ay may kasama ako pero lagi rin umaalis." Hindi rin, halos magkasama kami ng hayop na si Luther at sabay kaming pumapasok pati na rin sa pag-uwi

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now