Part 4

992 49 5
                                    

HINDI maipinta ang mukha ni Catherine habang sakay ng eroplano patungong Tuguegarao.

"Ni hindi ko pa nakikilala ang boyfriend mo," buong panghihinayang na sabi niya kay Clarita.

"Busy kasi siya kaya hanggang ngayon ay hindi siya makapag-set ng date para magkakilala kayo," sagot naman nito.

He was Clarita's very first boyfriend. Sa kuwento sa kanya ay ilang buwan na ang relasyon ng mga ito at nais nang magpakasal. Maliban sa pangalang binanggit ni Clarita—Enrico Plamenco, hindi niya talaga kilala ang lalaki.

Gusto sana niyang makausap pa si Clarita ngunit tila nagmamadali itong umalis. Si Auntie Precy naman ay hati ang atensyon sa pagtulong sa kanya at sa pag-aasikaso sa iba pang bagay.

Iginala niya ang paningin. And for the life of her, ngayon lang siya sumakay sa eroplano na hindi first class ang inuupuan niya. The plane was small—too small kung ikukumpara pa niya sa mga dambuhalang Boeing 747 na nakasanayan na niyang sakyan.

Humalukipkip siya at sumandal. Wala siyang balak gawin kahit ano. Ni ayaw niyang mag-isip kung ano ang posibleng mangyari sa pupuntahan niya. She had her own money kaya madali lang sanang makapunta sa ibang bansa.

Hinanap kay Auntie Precy ang travel documents niya nang hindi niya iyon makita sa drawer niya. At noon naman lumitaw si Clarita na hindi maintindihan ang ekspresyon.

"I'm sorry, Cathy. Kinausap ko si Daddy na pabalikin ka na lang sana sa flat mo a L.A. I know, mas at home ka doon kaysa sa pupuntahan mo, di ba? Nang utusan niya akong ikuha ka ng ticket, akala ko'y nakinig siya sa akin. Pero pa-Tuguegarao ang pinakuha niya. Kinumpiska pa nga niya sa akin ang passport mo."

Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na makiusap uli kay Henry. Ang balak pa naman sana niya, matapos siyang mag-empake ay magmamakaawa sa ama na pabalikin na lang siya sa flat niya sa L.A.

Nang ihatid siya ni Henry sa airport, akala niya ay kusa nang nagbago ang isip nito. Sandali pa siyang na-excite nang akala niya ay sa ibang bansa siya pupunta.

Pero kunwari lang pala iyon. Sa maikling paliwanag sa kanya ni Henry, panlilinlang lang iyon kung mayroon mang nakasunod sa kanila. In the end, sa Tuguegarao din ang biyahe ng eroplanong sinakyan niya.

Isang Col. Luis Bergonia ang nakatakdang sumalubong sa kanya. Driver daw ito ng logging truck sa ngayon. Isang retiradong militar at matagal ding nagsilbing close-in security ni Henry noong ambassador pa ito sa Middle East.

Natatandaan na niya si Luis. Malaki ang takot niya dito. Sa lahat ng kasutilan niya noong bata pa siya ay ito lang ang hindi niya natitinag. At nang minsan siya nitong bulyawan dahil sa hindi siya masaway sa paglisaw sa bulwagan ng embahada ay daig pa niya ang pinitpit na luya at nanahimik sa isang tabi.

"He has two sons, Cathy. I don't know whether they are married or not but stay away from them. Pupunta ka roon para magbakasyon habang inaayos ni Daddy ang problema mo. Huwag ka naman sanang ma-involve sa kahit na sinong lalaki!"

Kapag naiisip niya ang bahaging iyon sa mga huling salitang binitiwan sa kanya ni Clarita ay halos mapapikit siya. Para bang nais nitong palabasin na ubod siya ng landi. Kung hindi nga lang masyadong okupado ang isip niya ng lugar na pupuntahan niya, malamang ay nagsilbing mitsa iyon para magkaroon sila ni Clarita ng isang pagtatalo.

Alam niyang attractive siya sa mga lalaki. Kahit saan siya magpunta ay para siyang pinuputakti ng mga manliligaw. But she wasn't a flirt! At kahit naman mas matimbang na sa personalidad niya ang western culture, maipagmamalaki niyang intact pa rin ang kanyang virginity. She was only twenty-one. Hindi niya isinumpa sa sariling maging virgin bride. Pero wala rin siyang balak na gawin ang bagay na iyon just for the sake of losing it.

She had a number of boyfriends pero wala isa man doon ang tumagal man lang ng dalawang buwan. Kung hindi ang mga ito ang nag-iiwan ay siya ang nakikipagkalas. Five months ago, tinigilan na niya ang pakikipagrelasyon. Ngayon ay naghihintay siyang dumating ang lalaking magseseryoso sa kanya.

Yes, she was hoping for a serious relationship. Ayaw na niya ng klase ng mababaw na relasyon.

Nakapa niya ang nakatiklop na papel sa bulsa ng suot niyang maong. Wala sa loob na dinukot niya iyon. Sulat iyon na mismong natanggap ng papa niya. Sa kainitan ng argumento nila kanina ay naipamulsa marahil niya iyon. At dahil hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit patungo sa airport ay nadala na rin niya iyon.

Catherine,

Ikaw ang palaging sumisira sa araw ko. Mang-aagaw! Mabuti pang umalis ka na at kung hindi ay mayroong masamang mangyayari sa iyo. At kumilos ka na hangga't nakakapagpigil pa ako. Hindi ko masasabi kung ano ang magagawa ko.

Mang-aagaw? She knew she wasn't that type. At wala rin siyang alam na inagawan niya, lalaki man o kahit ano. Praning lang talaga ang may gawa-gawa ng sulat. Napagtitripan lang siya marahil. At ang papa naman niya ay na-paranoid na rin siguro sa mga eskandalong nasasangkutan niya kaya sineryoso na ang mga walang kuwentang sulat.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon