After nung confrontation namin makalipas lang ang ilang araw she started to text and call me again..
Minsan tumatawag din yung mom niya sakin nagtatanong bakit di na daw ako pumupunta sa kanila, she even invited me mag dinner sakanila kahit gusto ko hindi ko parin tinanggap ang invitation, naghanap nalang ako ng excuse para di makapunta.
I don't want to see my ex pa kasi that time. Masakit pa kasi at galit pa ako sa kanya.. she didn't even bother ask for forgiveness..
Hindi ko na nakita yung ex ko for I don't know how long. Wala na din communication. Napagod na yata kakatext at tawag sakin tapos di ko naman sinasagot.
Mag tetext lang naman kung magpapasama or may kailangan sakin.
Sa ngayon present na ako minsan pag nag-aya ang barkada mag inuman or just chillin' lang.
Kasi before nung kami pa, ayaw niya na sumasama ako sa mga brkada ko pag wala siya. Nung 1 time nga bday ng kbarkada ko, pinapunta kami, ayaw naman niya. Pero pumunta parin ako kahit di siya kasama. Kasi naman minsan lang yun.
Ayun tinatawagan niya ako at tinetext, galit na galit siya that time. Ewan ko ba sa kanya inaya naman siya tapos ayaw niya. Choosy lang. Tss
Masaya na ako. Akala ko nga matatagalan pa bago ko siya mawala sa puso ko dahil narin sa tagal ng pinagsamahan namin but I was wrong.
I am happy right now being single. I'm contented. And I was enjoying my life.
Sa maniwala kayo't sa hindi ni konti wala na talaga akong naramdaman para sa kanya.
Dahil narin siguro sa ginawa niya at sa family at sa mga kaibigan ko na hindi ako iniwan sa panahong nasasaktan ako..
I'm still thankful sa almost 6yrs na relationship namin. Marami din kaming memories together..
If given a chance naman I still want her to be my friend. Maybe not now, but maybe soon..
Right now di ko na iisipin pa ang past. Ang importante ang ngayon. I can finally say na naka move on na talaga ako.
For my ex naman sabi naman ng ibang friends namin sila parin daw. Minsan kinukumusta niya ako sa kanila..
She even posted picture namin sa fb niya tapos may caption na "I miss you. BLA BLA BLA.".
Dinelete din naman niya agad, siguro nakita nung gf niya..
Well hindi ko na sila iisipin pa, ang importante MASAYA AKO NGAYON..
Hindi ko naman siya kailangan para maging masaya.. Family & friends ko sapat na.
Kung mag mamahal man ako ulit, sisiguradohin ko na magtitira na ako para sa sarili ko para sa huli di na ako gaano masaktan..
Kung gaano niya ako kabilis iniwan, ganun ko din siya kabilis kinalimutan.. :) ♥