Akala ko yung break-up namin na yun ay gaya lang din sa mga past namin na break-up na hindi aabot sa 1 week mag babalikan din kami. But I was wrong, yun na pala ang huli.
After nun mag tetext lang siya if she needs something.
Tatawag lang siya kung gusto niya, magpapasama sa mall or gusto lang niya ng makaka-usap kasi bored siya.
Okay lang naman sakin dahil atleast nag tetext at tumatawag pa siya.
May pinakilala siya sakin ktrabaho niya. Sinasama pa nga niya dito sa bahay namin at dito natutulog minsan pag gumagala sila tapos hating gabi na, dito na sa amin sila umuuwi.
Okay lang din naman na dito sila matutulog kasi dito safe sila baka kung umuwi pa eh may mangyare pa sa kanila.
Habang tumatagal may napapansin ako sa kanila.
They're being sweet yung parang more than friends. But I erased the thought na sila kasi 30yrs old na yung girl tapos she's engage pa sa live-in partner niya na guy.
So iniisip ko nalang na baka close lang talaga sila. Ayoko ko rin naman mag tanong kasi baka magka issue pa.