Kabanata 16 : Accident Plan

467 54 27
                                    


Kabanata 16 : Accident Plan

Heather Island


"Oh my God!" gulat na sabi ni Winter ng una itong lumabas sa kuwarto at makita si Wine na nasa labas ng pintuan nakatayo.

Napatingin ang ama at mga kapatid na lalaki ni Elle kay Wine na ikinangiti ni Wine kahit tila gusto siya patayin ng pare-parehong titig ng mga ito.

"Nakuha mo pa talaga ngumiti?" seryosong sabi ni Ash ng ngitian pa sila ni Wine kahit na masama ang kalagayan ng kapatid nila.

Hindi pinansin ni Wine ang patutsada ni Ash at napabaling ang tingin niya sa mga biyenan.

"Mano po." sabi ni Wine sabay mano kay Orion at Ellie.

Napatingin si Ellie kay Orion sa pagmamano ni Wine sa kanila na tila wala lang ang naganap na hindi man lang nailang si Wine sa ginawa nito sa anak nila.

Samantalang nakatitig lang si Orion kay Wine matapos magmano nito, mapangisi pa si Orion ng maalala ang ugali dati ng ama ni Wine na tila nakukuha ng son-in-law niya habang tumatagal ang pangit dating ugali ng ama nito na maging parang wala lang ang lahat.

"Puwede na po bang pumasok para makita si Elle?." sabi ni Wine.

"Sana hindi ka na lang umuwi ng tuluyan para matauhan ang kapatid namin." sabi ni Run

Napatingin si Wine kay Run saka ito napangising nagsalita

"Hindi ako makauwi dahil tinambakan niyo ako ng trabaho." sabi ni Wine na ikinangisi ni Run

"Bakit hindi ba puwede tumawag? Wala ka bang pambayad sa line mo o pangload man lang kahit isandaang piso? Ganoon ka na ba kahirap?" sarkastikong sabi ni Run

Hindi umimik si Wine kaya napangisi ang mag-aama habang nakatitig sa kanya.

"Langya, mabuti na lang talaga kamukha ko ang mga anak ko, kung hindi isang parusa ang makita ang mukha ng mga ito sa araw-araw na ginawa ng Diyos na parang lagi kang sisilain ng buhay." sabi ni Wine sa isip

Nakatitig lang si Orion kay Wine at nababasa niya ang nasa isip ng son-in-law niya na napapangisi pa habang nakatingin sa kanilang mag-aama. Bakit nga ba hindi? Tulad ng sinabi niya kuhang kuha ni Wine ang reaksyon ng ama nito noong kabinataan nila.

"Nahimasmasan ka na ba?" seryosong sabi ni Orion na ikinatingin ni Wine sa biyenan.

Hindi umimik si Wine kaya muling nagsalita si Orion.

"Huwag kang mag-alala ako ang klase ng magulang na kapag nakuha mo na ang anak ko ipapagkatiwala ko na hanggat hindi siya ang unang bumibitaw. Pero huwag kang magkakamali, dahil kapag may nangyari sa anak ko..." udlot na sabi ni Orion.

Nang biglang magulat si Wine ng sabay-sabay bumunot ang tatlong anak lalaki ng biyenan ng baril at tinutok sa ulo, puso at pagkalalaki niya

"....patay kang gago ka." sabi ni Orion na ikinalunok ni Wine ng idiin ng tatlong anak na lalaki ni Orion ang baril sa tatlong parte ng katawan ni Wine.

"Tama na iyan at baka magising si Elle." awat ni Ellie na ikinatingin ni Wine sa biyenan na babae na kahit kailan hindi niya nakitang nagalit tulad ng asawa nito.

"Bagay nga, at pasalamat na lang sinamahan ng anghel ang demonyo." sabi ni Wine sa isip sabay tingin kay Winter na nakangiti sa kanya.

"Aiissst! Mabuti nakaluwal ng anghel." dagdag na sabi ni Wine sa isip habang nakatingin kay Winter na nakangiti sa kanya.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon