01

152 5 1
                                    

"Really Yaya? Isasama mo ako?" nagningning ang mga mata ko nang marinig ko ang mga katagang lumabas sa bibig niya.

Tumango siya sa akin at ngumiti "Hmm gagawin ko yun ngunit sa isang kondesyon" seryusong saad niya.

Agad akong natigilan ng sabihin niyo iyon, kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya ng deretso sa mata "Ano po yun?" nagtataka kung tanong kay Yaya Lorena.

Tumitig siya ng deretso sa mga mata ko "Lumayo ka kay Adrian at wag kanang makipag ugnayan sa kanya" seryusong usal niya.

Natigilan ulit ako sa sinabi niya. 'eh? ano namang nakain ni Yaya bakit siya nagkaganyan? dati e botong-boto siya kay Adrian para sa akin tapos sa isang iglap na iba ang lahat?'

Nang makarecover ako sa pagkabigla ay agad kung tinanong si Yaya "Eh? Bakit po? Diba dati boto kayo kay Adrian?" takang tanong ko ulit.

"Narinig ko sa Dad mo na isang Druglord ang iyong nobyo hija kaya hindi siya nararapat sa pagmamahal mo. Kung ayaw mo sundin ang kondesyon ko, sige hindi kita isasama" mahabang saad niya tsaka huminga ng malalim.

'What the...Anong gagawin ko? susundin ko ba si Yaya para hindi mapakasal sa isang lalaking hindi ko kilala or Sawayin siya at magpakasal sa Unknown guy?

Tumingala muna ako sa Celling upang makapag isip at napagdisisyunan kung sundin nalang si Yaya dahil kung susuwayin ko naman siya ay hindi din naman kami ni Adrian ang magkakatuluyan.

'I'm sorry Adrian but i have to do this ayaw ko pang makasal. Maybe sa susunod na pagkakataon tayo naman ang sang-ayonan ng tadhana'

"Sige Yaya gagawin ko ang gusto mo pero pwede favor?" malungkot na saad ko.

"Ano 'yon hija?" tanong n'ya sa akin.

"Pwede po ba akong magpaalam sa kanya sa huling pagkakataon?" naluluhang tanong ko sa kanya.

Nilapitan ako ni yaya at mahigpit na niyakap.

"Sige hija magpakatatag ka dahil para rin sa iyo ang bunga ng mga ito. Tawagan mo na ang iyong nobyo" tumango naman agad ako at kinuha ang cellphone ko.

Hinanap ko ang pangalan Adrian at agad kung tinawagan.

"Hello, Who's this?" tanong nang nasa kabilang linya. 'Bakit babae?'

"Uhm sino to? At bakit mo hawak ang cellphone ng boyfriend ko?"

"He's sleeping, for your information hindi mo na s'ya boyfriend. You broke up with him last night." saad niya sa akin. 'Wtf? Anong kagabi?'

"Btw, Kami na pala ni Adrian. Sabi niya kagabi napagtanto niyang ako pala ang mahal niya at hindi ikaw."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad kung pinatay ang tawag. Ang sakit bakit niya ako pinagpalit sa iba? Hindi pa ba ako sapat?

"Hija wag ka ma umiyak." hinarap ako ni Yaya sa kanya at pinahiran ang mga butil ng luha ko. "Ililigpit na natin ang gamit mo dahil aalis na tayo" tinayo niya ako. Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay agad akong nag impake ng aking mga gamit. Kaunti lamang ang mga dinala ko at iyon ang mga damit na hindi masyadong mamahalin.

"Tara na" agad akong lumapit kay Yaya bitbit ang bag ko. Nang makalabas kami sa kwarto ay may dumaang guards kaya nagtago kami sa gilid ng pader.

"Dapat tayong magingat Hija dahil baka mahuli tayo ng guards isumbong pa tayo sa Daddy mo" tumango nalang ako kay Yaya at dahan dahang sumilip sa dadaanan namin.

Tumakbo kami ng mabilis hanggang sa narating namin ang Main gate kung saan tulog ang Guard kaya nakalabas kami ng walang kahirap-hirap. Pumara si Yaya ng Motor na may nakakonekta na parang sakayan ng pasahero. Ano nga ba pangalan nun?

"Tricycle yan Hija Hahaha" natatawang umiling si Yaya sa akin. Sumakay naman kami kaagad sa Tricycle daw kuno.

"Bakit alam mo po ang iniisip ko Yaya?" kumunot ang noo ko. "Syempre ganyan ang reaksyon mo ngayon, kanina noong nakita mo ang Tricycle kaya alam ko na nagtataka ka kung ano ang pangalan nito Hahaha" umiling nalang ako at nag-iwas ng tingin dahil natatawa din ako sa paraan ng pagtawa ni Yaya.

"Anak, pupunta tayo ng Bagio dahil nandoon ang bahay ng bago kung amo. Sasabihin ko sa kanila na anak kita para hindi sila mag taka at baka makilala ka pa nila. Gagamitin mo ang identity ng Anak ko na si Mary Villa, Nanay na din ang itawag mo sa akin." Mahabang sabi niya. "Yay— ay este nay pwede po ba akong tumulong sa iyo magtrabaho doon? Please po?" nag puppy eye pa ako. Gusto ko talaga maranasan magtrabaho at lumaking normal kaya ito na ang opportunity ko na gawin ang bagay na iyon.

"Sige walang problema totoruan kita ng mga gawaing bahay doon."

Hindi na ako sumagot sa sinabi nita at agad na tinignan ang dinadaanan namin papunta sa sakayan.

Kung hindi sana nila ako pinilit e hindi ako hahantong sa ganitong sitwasyon.

Bakit ba kailangan pang ipakasal e kaya ko naman e manage ang business namin.

Adrian cheated on me, and i will make him regret his decision!

"Anak bumaba ka na jan, nandito na tayo sa sakayan."

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Yaya. Kinuha ko ang bag ko at saka sumakay sa bus na papunta Bagio.

"Anak matulog ka muna gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo Bagio? Wag mo kakalimutan na hindi ka iiwan ni Yaya kahit anong mangyari" tumingin si Yaya sa akin na may awa sa mata. I am very lucky to have her as my Yaya because she is like a mom to me.

"Yes yaya thank you for everything! Btw yaya am i going to disguise if we will arrive at Bagio?"

"Yes, dahil hindi natin alam baka makilala ka ng amo ko at baka kasusyo pa ng Daddy mo yun sa negosyo edi makakauwi ka ng wala sa oras."

"But wala akong dalang make up na dala yaya?"

"Sinong may sabing wala?" ngumisi siya at agad binuksan ang Bag niya at nakita ko doon ang isang pouch na may lamang make up. "Nakakalimutan mo atang girl scout yaya mo niki" tumawa nalang kami ng tumawa.

Tumingin ako sa window at mukhang b-byahe na ang sinasakyan naming bus.

Goodbye for now Manila. I hope maganda ang paninirahan ko sa Bagio.

Dinalaw ako ng antok kaya napagdisesyonan kung matulog nalang muna, hanggang sa pumikit na ang mata ko.

I hope my parents will forgive me.

__________
:)

A/N: Hello gaudies sorry sa super late na update kasi busy ang anteh n‘yo HAHAHA gumagawa pa ako ng reports chariz. Sorry sa typo at grammatical errors kasi nagmamadali talaga ako mga anteh na i type yan para makapag update today.

Ano kaya ang mangyayari kay Nicole sa Bagio?

May makakakilala kaya sa kanya doon?

Mag tatagal kaya siya doon? or uuwi siya ng Manila at pakasalan ang fiancé niya?

Abangan natin iyan sa susunod na kabanata!

vote & comment.

Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now