Kabanata 18 : Pagtigil

444 47 12
                                    


Kabanata 18 : Pagtigil

Heather Island


"Baby Laurent!" masayang sigaw ni Elle habang papalapit ito sa grupo ng Papa at kuya niya na nagkakasiyahan sa labas ng bahay nila malapit sa cliff kung saan isinagawa ang party sa binyag ni Laurent.

Napatingin ang lahat pati si Aira na siyang may dala kay Laurent.

"Ang apo ko." nakangiting sabi ni Elle sabay kuha kay Laurent mula kay Aira na agad naman binigay ni Aira kay Elle.

"Lola na ako, pero stay put lang apo dahil mag-aanak pa ako kay Vinny para may kalaro ka." sabi ni Elle habang tahimik ang lahat na nakatingin kay Elle.

Inihele ni Elle ang sanggol na ikinatawa naman ng sanggol kaya napangiti muli si Elle.

"Bibigyan kita ng kalaro kasi gurang na ang mga kagrupo ng Papa mo. Pero sandali, ang galing naman pala ikaw ang una sa ikalimang henerasyon. Una kang nabuhay, kaya panigurado una ka ring maiinlove, babakod pero...." udlot na sabi ni Elle habang kinakausap si Laurent habang hinehele nito.

"...pero una kang magsasawa.

Aissst! Ang pangit ng ganoon, kaya dapat mga 40 years old ka na mainlove para fresh na fresh. 30years lang kasi ang lifespan na mainit-init ang pagmamahal. Kaya sakto ka 40 plus 30 equals 70.

Bale 70years old maeexpired ang init mo sa asawa mo. Okay na iyon, baka patay ka na noon. Hindi na iiyak ang asawa mo at mamumublema kapag hindi ka na mainit. Hahaha." natawang sabi ni Elle na ikinatingin ni Orion at Aquila sa isa't isa sa kilos ni Elle at pananalita.

Napatiim naman ng bagang ang mga kapatid na lalaki at pinsan ni Elle ng makita na tila kakaiba ito.

"Sasayaw tayo kasi binyag mo. Oo nga pala, welcome to the Christian World. Hahaha! Nabendisyunan ka ba ng maayos? Dapat hanggang talampakan binendisyunan sayo o baka ulo mo lang.

Kapag ganoon papaulit natin ang binyag mo o di kaya hihingi ako ng aqua bentida sa simbahan para ako na lang magwiwisik sayo ng holy water pero..." udlot na sabi ni Elle ng magsalita si Orion na ikinatigil sa pagsasalita at paghehele ni Elle sa sanggol.

"Anak, okay ka lang ba?" sabi ni Orion na ikinatingin ni Elle sa ama.

Nang mapatingin si Elle sa ama napangiti ito.

"Hello Papa. Okay ako, kinakausap ko lang si Laurent para maayos." sabi ni Elle saka nito tinapunan ng tingin si Laurent at inihele uli saka muling nagsalita.

"....saan na ba tayo, baby? Ahhh! Ako ang magbebendisyon sayo pero hindi dito para hindi mawala ang kaluluwa na namamahay dito." sabi ni Elle.


"Anak."
sabi ni Ellie sa anak na ikinatingin ni Elle sa ina.

"Hi Mama." nakangiting sabi ni Elle sabay lapit sa ina habang karga si Laurent.

Napatingin sa isa't isa ang lahat ng mapansin na kakaiba si Elle.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Ellie ng makalapit ang bunsong anak.

Napatitig si Elle sa ina saka ito napangiti.

"Okay ako Mama. Pakiramdam ko, nabuhay ako uli." nakangiting sabi ni Elle.

"Si Wine nakita mo?" seryosong tanong ni Malic sa daughter-in-law na tila nakalutang.

Napatingin si Elle kay Malic at napangiti din ito sa biyenan. Lumapit si Elle kay Malic at niyakap ito kahit karga ni Elle si Laurent.


"tay tanggapin natin wala na si Wine. Ilang buwan na."
sabi ni Elle na ikinatingin ng lahat sa isa't isa sa sinabi ni Elle.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon