prologue

25 2 0
                                    

JAMIE never thought that she'd feel this pain again after so many years. The betrayal and the feeling of being cheated by the two important people in her life —her bestfriend and her boyfriend. Fuck!

She saw them —with her two eyes—having sex. Mga hayop!

Pupuntahan niya sana ang bestfriend niya para surpresahin kasi birthday nito ngayong araw pero hindi niya inakalang siya pa pala ang masu-surpresa. May dala siyang regalo na alam niyang gustong gusto nito pero hindi naman siya na inform na ibang regalo na pala ang gusto niya —Ang boyfriend ko!

Drake my boyfriend for almost three years! Cheated on me with my bestfriend —how am I suppose to take that?

Mahal ko sila pareho pero niloko lang nila ako! Mga walanghiya! Manloloko! Walang utang na loob! Mga hayop! Ang kakapal nang mukha!

"Kailan pa? Kailan niyo pa ako niloloko?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot." Sagutin niyo 'ko! Kailan pa ha? Kailan pa!" Ulit ko "Mga walanghiya kayo! Mga hayop! Hayop!" Paulit ulit na sigaw ko habang pinagsusuntok ang dibdib ni Drake habang umiiyak. Nang napagod ako saka ko naman binalibgan si Molly ang bestfriend ko —o kung kaibigan ko nga ba talaga siya.

"Ikaw naman Molly ang kapal naman nang mukha mo." Sarkastikong sabi ko sa kaniya." Mang aahas ka na lang sa teritoryo ko pa talaga. Wala ka na bang ibang makitang pwedeng panglingkisan niyang kati mo?" Insulto ko sa kaniya at napayuko na lang siya. "Higit sa lahat Molly, ikaw ang mas nakakakilala sa'kin." May diing sumbat ko sa kaniya. "Sinasabi ko sayo lahat ng problema ko, sa pamilya ko, sa studies at kay Drake! At alam mo kung ano ang pinaka ayaw ko sa lahat... yung niloloko ako. Kaya bakit Molly? Bakit mo'ko nagawang lokohin?! Bakit mo'ko trinaydor!" Naiiyak na sumbat ko sa kaniya. "Sumagot ka, Bakit?!"

"Dahil mahal ko siya!" Pasigaw na sagot niya "Mahal ko siya! Sinubukan ko namang pigilan e pero—" Naiiyak na paliwanag niya

"Kaso, Hindi mo mapigilan yang kati mo? Ganoon ba?" Insultong dagdag ko sa sinabi niya.

Hindi ko matanggap na pinaglaruan nila ako. Ginawang tanga. Ang sakit sakit. Hindi ko maisip kung paanong nangyari yun ng hindi ko man lang napapansin.

"Jamie..." Nagmamakaawang usal ni Molly pero nginisihan ko lang siya.

"Bakit?" Nakataas ang kilay na sarkastikong tanong ko. " Masakit ba? Masakit bang masampal ng katotohanan na malandi ka!"may diing dagdag ko. "Inagaw mo ang boyfriend ko! Mang aagaw ka! —"

"Kasalanan mo!" Sigaw sakin ni Drake

"Ano? Kasalanan ko?"maang na nasabi ko

"Ilang taon na tayong magkarelasyon pero never mo'kong pinagbigyan. Lalaki rin ako Jamie —may pangangailangan din ako at hindi mo yun maibigay!" Sumbat niya sakin

"Oo! Kaya bestfriend ko yung pinarausan mo! Gago!"galit na sigaw ko. " Alam mo naman ang dahilan diba. Sinabi ko naman sayo kung bakit, ayoko muna. Kasi gusto ko ikasal muna tayo bago ko ibigay yon sayo." Hindi naman siya nakasagot.

Yun lang ba yung habol niya sakin? Sex? Huh! Napapasalamat na lang ako at hindi ko yun ibinigay sa kaniya kasi kung saka sakali ay talagang pagsisi- sihan ko talaga iyon. Kaya, Thank GOD at hindi ako naging marupok.

"And I don't regret not letting you take everything from me. Nagpapasalamat pa nga ako e at hindi ako nagpadala sa mga patutsada mo. At mas lalong nagpapasalamat ako at nalaman ko nang maaga na ganiyan ka pala ka gago."natutuwang saad ko. I'm very relieved at the same time hurt kasi kahit papaano namn ay minahal ko silang pareho and their betrayal is too much for me. I trust them but ito ang ginanti nila sakin?

LOVE KNOWS NO BOUNDARIES Where stories live. Discover now