EARPHONES (One Shot)

57 1 0
                                    

Author's Note

No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the written permission from the author.

This is work of fiction: names, places, characters and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, events locales is entirely coincidential.

Enjoy reading guys!

EARPHONES (One Shot)

Written by: elalalaiii

All rights reserved © 2015

April 24, 2015 to April 25, 2015

...

...

His POV

Naglalakad ako ngayon pauwi na galing school.

Madadaanan ko na naman yung lugar kung saan lagi ko syang nakikita. Sa Park.

...

Ako nga pala si Bryle Evans Fuerte. 15 taong gulang. 3rd year highschool.

Sino yung tinutukoy ko kanina na lagi kong nakikita? Well hindi ko sya kilala. Hindi ko alam ang pangalan nya. Ni minsan kasi hindi ko pa sya nakitang may ibang kasama o kausap man lang.

Tuwing pag uwi ko galing school nakikita ko sya sa park na nadadaanan ko pauwi. Nakaupo lang sya sa isang bench. Nagbabasa habang may nakasalampak na earphones sa tenga nya.

Ilang beses ko na tinangka na makipagkilala sa kanya kaso pinangungunahan ako ng takot, kaba at hiya. Minsan naman kapag lalapit na ako eh bigla akong mapapaatras kasi nagbabago bigla isip ko o kaya hanggang sa wala na hindi ko na sya nalapitan kasi tumayo na sya at naglakad na palayo.

...

At tulad ngayon, tama nga ako nandito sya ngayon. At heto ako pinagmamasdan ko na naman sya sa malayo. Nakaupo lang sya habang nakaearphones at hawak yung DSLR nya.

Gusto kong lumapit sa kanya. Pero paano ko nga ba sisimulan yung pakikipagkilala ko sa kanya? Tss!

"Magdapa dapaan kaya ako?? Hindi kaya mukang tanga naman ako nun? Hmm eh kung kunyari naliligaw ako? Hindi ba obvious na halos araw araw ko syang nakikita?" Kausap ko sa sarili.

Haaayyy na ko! Hanggang ganito na lang ba ang kaya kong gawin?! Na ko naman! Napapasabunot na naman ako sa buhok ko! Sinayang ko na naman kasi yung pagkakataon. Makauwi na nga lang.

...

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Ang dami ko pa kasing kailangan tapusin. Wala kasi akong gana gawin lahat ng yun kagabi. Eh si ateng naka earphones lang kasi ang nasa isip ko.

Haaaayy na ko buhay! Bakit ba kasi kung sino pa yung mga babaero sila pa yung malalakas ang loob?! At kung sino pa yung mga seryosong tulad ko eh napaka torpe!

...

"Oy pre!" Bati sa akin ng kaklase ko pagpasok ko ng classroom. Tumango lang ako sa kanya.

"Mukang puyat pre ah! Grabe yung eyebags! Pagmalaki mo yan!" Pang aasar nya.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Pagmalaki mo eyebag mo! Mahal kilo nyan! Pinaghirapan mo yan di ba?"

"Baliw! Hindi kasi ako nakatulog kagabi" seryosong sagot ko

"Bakit? Dahil ba dun sa kinukwento mong babae na nakaearphones?" Tukso nya.

"Sino pa nga ba! Haaaayy!" Buntong hininga ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Earphones (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon