Lunch break na namin ni Amber.
Kanina pang umaga iyong nangyari. Pero iyong inis ko, hindi mawala wala. Paano ba naman kasi, nag swell iyong wrist ko.
Ang tangkad kasi nung lalaki. E hindi naman ako katangkaran.
Ang bilis pa maglakad, kaya nung nabungo niya ako, naitukod ko tuloy 'tong kanang kamay ko.
Hindi ako makapagsulat ng maayos kanina dahil masakit siya kapag ginagalaw. Hindi naman ako left-handed.
Nasira tuloy iyong araw ko dahil sa lalaking iyon.
"Huy, 'wag kana bumusangot d'yan. Ampanget mo!" Asar sa 'kin ni Amber.
Feeling ko kasi, 'di ako nakaganti doon sa lalaki.
Oo nga at tinamaan siya sa ulo nung bolang sinipa ko, pero hindi naman 'yun sasakit ng matagal kagaya nitong swollen wrist ko. Saglit lang iyon. E itong akin, baka ilang araw magtagal. And I didn't even get an apology for it!
"Pero El, ang gwapo nung lalaki kanina, 'no?" Kumunot bigla ang noo ko.
"Sino?"
"Duh! 'Yung lalaking nakabungo sa iyo. Ang tangkad saka ang ganda ng katawan niya. Hindi buff, hindi rin payatot, sakto lang. Tapos ang gandang lalaki pa. Sino kaya 'yon, 'no?" Umirap naman ako kay Amber.
"Seriously, Amber? That guy was a jerk! He didn't even apologized when he bumped into me. Kasalanan naman niya."
"Oo nga. Pero ang gwapo pa rin, napansin ko lang naman." She giggled.
"Ewan ko sa 'yo, Amber. Puro ka gwapo." I rolled my eyes at her and started eating.
Nandito kami sa restaurant malapit sa school. Dito namin napagpasyahan kumain since we both wanted to eat pasta.
"I really don't get your type in men." Ani ko.
"Huh? Bakit? What do you mean?"
"Bad boy, walang modo, masungit, pa-cool, at higit sa lahat, arogante!" She laughed a little.
"E ano ka ba? Fetish ko 'yon sa lalaki. There's just really something about bad boys that draws me into them. Na-aattract agad ako. Feel ko kasi kapag good boy masyado, nakaka-boring at walang thrill karelasyon. Para kang nag boyfriend ng santo." Napailing ako sa sinabi niya.
"Ang weird ng taste mo. Ako ang gusto ko sa lalaki, 'yung parang katulad ni papa. Gentle and well mannered. Mabait. 'Yung itsurang mapagkakatiwalaan talaga."
"Duh, hindi weird iyon. Hindi mo pa kasi na-try magka-boyfriend kaya mo 'yan nasasabi. Nakakabored kaya ang inosente at mabait na boyfriend. Para lang kayong magkaibigan. Maganda 'yung maraming red flags at 'yung bad boy talaga. Nakakakilig! Lalo na kapag gwapo, worth it 'yung luha at sakit talaga!"
Ang daming alam nito ni Amber. Pa-red flag red flag pa siyang nalalaman, kaya siya madalas nauuto ng lalaki e. Kasi basta pogi at pasok sa "standards" niya, pinapatulan niya agad.
Kapag naman nasaktan at niloko, iiyak tapos isusumpa lahat ng lalaki. E gago nga 'yung lalaking pinili niya. Expected naman na iyon. Pero itong si Amber, 'di na nadala.
Pero ano nga ba ang magagawa ko? E buhay naman niya iyan. At isa pa, ganyan ang trip niya e.
'Yung ginagago at sinasaktan siya. Iba talaga ang trip neto sa buhay ni Amber. Ewan ko ba. 'Di ko masakyan at maintindihan minsan.
"Haynako, ang dami mong alam. Kumain kana nga lang d'yan," she laughed at my reaction.
Dati niya pa 'yan sinasabi sa 'kin. Paulit ulit siya ng sinasabi. Iba raw talaga magmahal ang mga bad boy.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love [Monroe Series #1]
RomanceFor Elly, she couldn't understand why her bestfriend Amber, have a weird thing for badboys. Iyong tipong type na type ba nito? She just can't deal with badboys. She prefers those guys who are soft spoken with kind heart. Iyong mabait, may respeto, a...