Chapter Two

6 0 0
                                    

It's been three weeks since I met Timothy.

Mabait naman siya. Expected ko naman na, itsura pa lang halata naman na e.

Nandito kami ngayon sa field. Dito sa may gilid, sa may mga puno. Dito kami tumambay kasi malimlim. Meron namang upuan dito kaya ayos na rin.

Malamig ang simoy ng hangin, ang ganda ng araw ngayon.

"Timothy? Nakikinig ka ba?" Pati ako napabalik sa wisyo sa pagtatanong ni Amber kay Tim.

"U-Uh... sorry... Ano ulit 'yung ano 'yung sinabi mo?" Napakamot sa batok si Timothy.

Nahihiya pa rin kasi siya kay Amber. Pero ngayon, close naman na kami.

Hindi na siya nahihiya sa 'kin. Pansin ko lang naman.

Kapag kasi kaming dalawa na lang, hindi na siya 'yung isang tanong isang sagot. Nauuna na siyang mag-open ng topic, hindi na rin siya nahihiya magtanong and he seems more relaxed around me now. Not unlike nung unang linggo naming pagkakakilala.

Para siyang nasa hot seat kapag tinatanong mo, pinagpapawisan at hindi makasagot ng maayos.

Nauutal pa. Pero mahiyain pa rin.

He still blushes from time to time. Parang katulad ngayon.

"Nako ha! Kanina pa kita napapansin, wala ka sa sarili. Nakatitig ka lang kay Elly. Ganda niya 'no? Syempre, bestfriend ko ata 'yan!" Nanlalaki ang mga mata ni Timothy tapos mas lalo pa siyang namula.

Uminom siya ng tubig mula sa bottled water na dala dala niya.

"Crush mo si Elly 'no?" Lumbas sa ilong ni Timothy 'yung iniinom niya. Pati tuloy ako natawa sa reaction niya doon sa sinabi ni Amber.

Baliw talaga 'tong kaibigan kona 'to. Ang hilig niyang tuksuhin si Timothy sa kung ano anong bagay. Palibhasa hindi naiinis at madaling mahiya.

Tapos ang cute pa magblush. And ang cute niya kapag nanlalaki 'yung mata niya sa gulat.

Nakapalumbaba lang ako habang kinakain 'tong salad ko. Wala naman akong gagawin na kaya tambay tambay lang muna.

Mabuti nga pumayag 'to si Amber na isama sama ko si Tim sa ganitong pagtambay tambay namin sa campus. Mukha kasing loner 'to si Tim.

Kinuha agad ni Tim 'yung panyo sa bulsa niya tapos pinunasan niya 'yung bibig niya. Mas lalo na siyang namumula ngayon marahil sa kahihiyan.

"Amber, tigilan mo na si Timothy. Pulang pula na 'yung mukha at tenga niya sa kaka-asar mo sakanya. Tingnan mo, pati leeg niya namumula na." Awat ko dito kay Amber. Tumawa lang si Amber sa sinabi ko.

"Ang cute kasi asarin nitong si Timothy. Parang baby-ng baby pa! Nakakatuwa palagi 'yung reactions niya. Ang inosente masyado,"

Umuubo pa rin si Timothy sa pagkasamid niya.

He timidly apologized and continued wiping his mouth and nose. Napabuntong hininga na lang ako.

"Pero 'di nga, Timothy? Crush mo ba 'tong kaibigan ko? Kasi kung oo, irereto na kita d'yan. Mga tipo mo pa naman ang type niya. Saktong sakto!" Nahilo na naman ako sa pag-iling ni Tim sa sinabi ni Amber. Mas natawa si Amber.

"Amber, anong oras pala darating iyong boyfriend mo?" Paglilihis ko na lang sa topic. Mukha kasing super uncomfy na ni Tim sa pang-aasar ni Amber.

Amber then again introduced me to his boyfriend. Taga kabilang section lang pala 'yun.

Kaya gusto niyang makilala ko dahil madalas niya itong makakasama lalo na't nasa iisang paaralan lang sila.

"Hm, mamaya pa 'yun mga 2:40 pa. Bakit?" Sumubo ako ng salad ko.

The Bad Boy's Love [Monroe Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon