" Michael , natapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo"
Sabi ni ma'am sakin.
Patay nagtanong na sya. Hindi pa ko nakakapagsimula eh.
Di bale di nya naman malalaman.
" opo ma-am , nagawa ko na po."
Tumango lang sa kin si ma'am.
Saturday ngayon at nandito yung ibang mga student for the upcoming nutrition month.
At ako ang in-assign for poster making ng section namin.
Sadly dahil sa lunes ko na to ipapasa," oy si Rolene oh, kanina pa naka-titig kay Michael"
Sigaw bigla ni oliver ...
Eheemmm!
Si rolene ang ilalaban namin for nutri quiz bee .Tinignan ko naman si rolene at ngumiti ng nakakaloko.
Pero naka-titig lang sya sakin.
" you're lying ! Hindi mo pa nagagawa yung poster "
Bigla naman silang napatingin sa min ni rolene.
" what! Tapos ko na kaya"
Then again she stares at me.
What's wrong with my eyes?
I know they're beautiful." you're lying"
Sabay walk out.
Anyare dun??" Michael , nagawa mo na ba talaga?"
Mahinahong sabi sa kin ni ma'am.
" ahmm, hindi pa po, pero I'll be working on it"
------------------------
Pauwi na kami galing school , hanggang ngayon di ko pa rin alam kung panu nalalaman ni riolene na nagsisinungaling ako......
May liar radar ata eh.May powers ba sya ng katulad kay professor X ???
(Fan of x-men po ako)
" Michael , kanina pa kami nagtatawanan dito . naging manikin kana ata jan"
Sabi ni Paul.
" may LQ kasi sila ni rolene"
Sabat naman ni Rinz , ang tomboy naming kaibigan." tumigil nga kayo ! Nakapagtataka lang kasi eh"
" anu naman yun???"
" panu nalaman ni rolene na nagsinungaling ako??"
" hindi kasi kapani-paniwala yang mukha mo"
" kung hindi kapani-paniwala, bakit sya lang nag react ??? Bakit kayo Hindi??"
" kasi nga may gusto sya sa sayo. Natural palgi yung nakatingin sayo kaya sya lang nakapansin"
Kung may gusto sya sa kin, bakit nya ko ibinuking kay ma'am ???
" sus! Hindi ka na nasanay, eh diba palagi ka nyang kinukontra??"
Nagulat naman ako dito kay oliver.
Bigla -biglang simisingit sa usapan.Sabagay ....
Oo nga..... Sya na ata ang weakness ko pag dating sa pagsisinungaling eh.------------------------
Nakauwi na ko sa bahay at hanggang ngayon iniisip ko pa rin si rolene .
Oo sya talaga ang iniisip ko.
Naalala ko dati nung nagsimulang naging magkaklase kami.
Sya palagi ang napapansin ko.
------------------------
" Mr.Sarmiento , nangopya ka ba kay Mr.matatacutin?"
Tanong sakin ni sir.
Ang unang school year na naging kaklase ko sya .
" no sir , baka sya po ang nangopya sa kin"
Its the nerd again. Subukan mo lang na mag-sumbong kay sir.
That time , rolene was sitting at the front .
Nagulat ako ng tinitigan nya ko then tumingin na sya kay sir.
At mas nagulat ako sa sinabi nya.
"No sir, sya po ang nangopya . nakita ko po yun"
What the-----
" is that so ms.Buenavista. then Mr.Sarmiento , you are minus 10"
What???
Eh hanggang 11 lang yung pina-assignment nya eh.
So 1/11 ako ??" since kinupya mo lahat ng answers ni Mr.matatacutin, babawiin ko yun. But still may 1 point ka kasi sayang naman yung pagsulat mo ng assignment."