Part_23

8 3 0
                                    

***


Ian PoV *




Hindi pa man lang ako nakaka pasok sa loob sinalubong na ako ng tita ko na galit na galit. Pinag mumura nya ako dahil umalis daw akong di nag papaalam at higit sa lahat naka limutan ko daw ang damit ni Madisyn sa washing machine.

Sa lahat kasi ng kakalimutan bakit yun pa?. Yumuko na lang ako at pinakinggan ang mga litanya nito kahit pa wala akong pakialam kung ano man ang sabihin nito.

"Aba! Pinag aaral kita kaya gawin mong mabuti ang mga trabaho mo dito!" Sigaw nito sa akin na agad kung tinaas ang ulo ko upang makita mabuti ang mukha nito. Bumaba naman si Madisyn sa hagdan at naka halukipkip na sumandal sa pader at  ngumisi ito sa akin.

"Ahh...tita..hindi nyu po ako pina-paaral." Pang lilinaw ko sa mga sinabi nya dahil totoo naman. Kitang kita ko lalong nagalit ito sa sinabi ko.

"Aba! Bastos ka talagang bata ka!!!...pinapakain kita!! Kung wala ako matagal ka ng namatay sa gutom!" Gigil pa nitong sigaw na nanlalaki pa ang mga mata.

"Ang kinakain ko tita dito...pinag tatrabahunan ko kulang pa nga yun eh" Seryuso kung sabi dito.

"Nakikitira ka lang dito Kaya umayus ka!!" Sabat na ni Madisyn sa amin ng ina nito.

"Ako ba ang nakikitira o kayo?" Malumanay pero matigas kung tanong sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? "Mataas pa ring boses na tanong nito. Nanlalaki naman ang mga matang nakatitig sa akin ang tita May. Nag iintay siguro ito kung Ano ang sasabihin ko.

"Diba sa ina ko itong bahay at lupa na ito?"  Tanong ko kay tita May nakinalaki ng mata nito pati butas ng ilong nito lumaki na rin sa galit sa akin.

" at sino ang nag sabi sa ina mo ito?" Dahan-dahan ngunit madidiin nito bigkas sa salitang binibitawan nito.

"Ang ina ko...sige nga! Kung ikaw talaga ang may ari nitong bahay na ito asan ang mga papel nito? Naka pangalan ba ito sayo? Patingin?" Pang hahamon kung sabi dito. Malakas ang loob ko dahil alam kung sa ina ko naka pangalan ang titulo ng bahay at lupa kaya noon laging pumupunta si tita May sa probinsya namin para pa-pirmahin ang ina ko upang mailipat sa pangalan nya ang titulo ng lupa at bahay na to.

Pinandilatan ako ng tita ko na hindi alam kung ano ang isasagot sa akin. "Diba? Tama ako?...o sige pinag uusapan na rin ang pag kupkup nyu sa akin eh...sige para matapos na!" Sabi ko at nilapag ko ang gamit ko sa sahig saka tumingin sa dalawa na hindi ko maintindihan ang mga itsura.

"Binenta mo ang bahay at lupa namin sa probinsya...asan na ang pera? Akin yun!.."matigas kung tanong dito. " Wag nyu rin sasabihing pinapakain nyu ako! Dahil bawat butil ng kanin na sinusubo ko pinag papaguran ko dito!" Dagdag ko pa na lalong kinagalit ng mga ito.

"Ang kapal ng mukha mo!!" Mahina pero may galit na sabi sa akin ng tita May ko saka dinuro ako nito.

"Lumayas ka dito! At Wag ka nang babalik!! Naka tapak kalang sa isang  kilalang paaralan lumaki na ang Sungay mo!!" Dagdag nito

"Ako ba ang may Sungay dito?!" Tanong ko pa dito na animoy sasabunutan ako ni Madisyn agad kung dinuro si Madisyn.

"Sige lumapit ka! At gawin mo yang iniisip mo..baka nakakalimutan mo nag champion ako sa taekwondo Laban sa school nyu!" Babala ko sa kanya na agad naman kinatigil nito.

"Lumayas ka dito!!!...at Wag ka nang babalik!" Sigaw ni Madisyn saka lumapit sa ina nito at inalalayan pataas.

"Pagbaba ko dapat wala ka na dito! Wala kaming pakialam kung saan ka pupulutin! Wala kang utang na loob!" Sigaw ng tita habang inaalalayan ng anak paakyat ng hagdan.

"Nag mana lang ako sayo tita, Diba?" Nakangising Pang aasar ko pa dito at dali-daling pinulot ko ang aking bag saka tumuloy sa maliit kong silid.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon