Ara's POV
"Ara!!! Gising na!! First day mo ngayon sa bago mong school at malelate ka na!" Naramdaman ko na niyuyugyog ako at pagbukas ko ng mata ko nakita ko si yaya Tess. "Ugh ano ba yaya five more minutes!!" Sabay talukbong ko ulit ng kumot sa muka ko. Napansin ko nalang na naging tahimik yung kwarto ko. Hahaha siguro napagod si yaya gisingin ako. Buti nga hihihi. Pero mukhang napaaga ata yung celebration ko ng maramdaman ko na basa na ako at yung buong kama ko. Huhuhu pagtingin ko, may hawak si yaya Tess ng isang pitsel na wala ng laman. Grabe ang lamig bruh. "YAYA TESS ANG LAMIG!!" "Maligo ka na 7:00 na! 7:30 pasok mo tas hindi mo pa alam
section mo!" "ANO?!! OK OK MALILIGO NA AKO YA PAKISABI NALANG SA DRIVER NA IHANDA NA YUNG KOTSE! Thanks ya!!" Hay ano ba naman yan first day palang sa bago kong school late na agad. Agad akong naligo at sinuot na yung school uni ko. Sumakay na ako sa kotse at nakahinga na ng malalim. Hay salamat 15 minutes lang preparation ko. New record ata to. Nakarating na rin ako sa school at nagpasalamat kay Kuya Nong, yung driver namin. Pagtingin ko sa watch ko 5 minutes nalang natitira bago mag start ang class. Wala na akong ibang choice at tumakbo agad ako sa high school office. Buti nalang alam ko yung daan since sinamahan ko na si mama nung enrollment. Malapit na ako sa high school office ng makabangga ako ng isang tao. "Wtf bro watch where you're going!" Huh akala ko ba all girls to eh bat parang ang baba ng boses nito. Paglingon ko sa nakabangga ko.... Ay grabe bat ang gwapa woah der huhu holy shit i think this is love at first sight <3 "Helloo??? Aren't you going to apologize?" Ay nakatitig na pala ako. Oops pero siya rin naman kasi may kasalanan nakahambalang sa gitna ng corridor. Ugh think of a good come back Ara. Bago pa man ako makasagot nag ring na yung second bell. Hala late na ako. I have to go to the office right away. "Umm sorry i have to go!!!" Sabay tulak ko sakanya at takbo papunta sa high school office. Pagdating ko sa office sobrang saya ko kasi section 7C ako which means kaklase ko yung best friend ko na lumipat rin dito, si Kimmy. Hehe hay pumunta na rin ako sa assigned homeroom classroom ko at naupo sa last vacant seat na nasa second row. Nakita ko naman si Kim na nasa fourth row at kumaway. Buti nalang kakarating lang ng teacher namin. "Good morning 7C! I am Mrs. Prado, your class adviser. Since it is your first day, I will be allowing you to talk to your classmates to help you get to know each other better." Tatayo na sana ako sa upuan ko at pupuntahan si kimmy ng biglang nagsalita yung katabi ko. "Hello I'm Cienne! New student ka diba?" "Ahh umm oo I'm Ara :) and yung nasa likod si kimmy, my best friend" "Ahh I see. Mukang kilala na niya si Camille, yung kambal ko hahaha" Pagtingin ko kay kim mukang may kausap nga siyang kamuka ni Cienne. Hmm mamaya ko na siguro kikilananin. Magwawashroom muna ako sobrang naiihi na ako huhu. I raised my hand to call Ms. Prado's attention. "Umm Ms. Prado may I go to the washroom?" "Yes, you may." Tumungo agad ako sa washroom kung saan nakita ko yung yung yung omg!!!! Yung gwapa kanina huhuhu pero patay pa rin ako sakanya. Tinakbuhan ko siya kanina. Ay grabe deadbol talaga. Hanap nalang kaya ako ng ibang washroom. "Hey!! You're the girl who I bumped into this morning! Di ka pa rin nag aapologize ng maayos ah" Uh oh mabagal akong humarap sakanya.... "Umm yeah about that... Sorry I was in a hurry. Kaw kasi eh nasa gitna ka ng daan!!" "Apology accepted hahaha sorry din. Btw I'm Mika and you are?" Mika pala pangalan niya hihihi. "Ahh eh I'm Ara." "Ohh ok nice to meet you Ara. Sige umm balik na ako sa class!" "Okay see you around!" Wow gwapa niya. I kenat. First day ko palang sa school natitibo na ako grabe huhu.
BINABASA MO ANG
She's the One (Kara)
Teen FictionShe was certain she didn't play for the other team until she met her.