"Mag pa kasal na tayo?"
Para akong nabingi sa narinig ko, si noah? nag pro-propose?
But he promised to me. eme
"Pakasal? wait noah masiyado ka atang nag mamadali, marriage is not a joke" sagot naman nung babaeng kanina niya pang kasama
"I agree, marriage is something we should take seriously kaya nga ikaw ang yinayaya ko dahil alam kong this days makikilala ko na ang babaeng sinasabi nila daddy na ipapakasal sakin" may halong lungkot ang boses ni noah habang binabanggit ito
"I would rather marry someone i love than marry a stranger" dagdag pa niya
mula sa awang ng pintuan ay kita ko ang takot na nakapinta sa mukha ng babae.
"I love you noah but I'm not yet ready for that, I'm sorry"
"But–
sasagot pa sana si noah pero sh!t kung minamalas nga naman at nag ring ang aking phone
clinTANGA calling.......
Agad naman akong tumalikod at pinatay ang tawag ni kuya pero huli na dahil ramdam kong pumunta agad sa dereksyon ko si noah.
🎵I'm a barbie girl, in a barbie worl–
Naknampucha inulit pa talagang tumawag!
"Hey! Show your face! what did you heard?!"
Napapikit ako sa kaba habang nanatiling nakatalikod sa kanya at patuloy parin sa pag ring ang phone ko. Hindi ko na alam ang gagawin kaya naisip kong tumakbo na lang papalayo habang hindi lumilingon kahit isang beses, hindi naman niya ata ako makikilala diba?
Hingal na hingal ako nang makita ko ang dalawa kong kaibigan sa cafeteria. Thanks god hindi na ako hinabol ni noah
"Hey cali what's wrong? para kang hinahabol ng tanod jan" Aella joked.
"Hinahabol ako ng soulmate ko" sagot ko habang hingal na hingal
"Ha? si noah? oh sana grinab mo na ang opportunity siya na mismo lumalapit oh" sabat naman ni Camie
"How I wish habulin niya ko in a good way pero iba ngayon e" i told them nervously
"WHAT?!?!" that's what their reaction when i told them what happened earlier.
"Please just don't tell anyone about this, baka malaman niya na ako yung nag eavesdrop sakanila, baka maturn-off sabihing chismosa ako" pabiro ko pang sinabi yung panghuli para mabawasan ang pag-ooverthink ko.
"Hindi ka ba talaga chismosa?" i just glared at them, sila naman ay todo sa katatawa.
"Okay tutal vacant na natin let's just go to our café, my treat. Besides i can't take what just i found out today, i need to relax" I said and they agreed.
"Good morning ma'am cali" bati ng mga crew sa akin pagkarating namin sa shop, i just give them a warm smile in response at naupo na kaming tatlo sa usual spot namin.
"So paano na nga kung magpapakasal na sa iba si noah?" tanong ni camie
"I don't know, but now i just can't take what i have heard a while ago" diko mapigilang malungkot.
"Buti na lang talaga at tumalikod ako agad kanina dahil kung hindi ay nakilala niya ako at tiyak na baka patatahimikin niya ko dahil paniguradong kapag may nakaalam ng narinig ko kanina ay baka malagay sa alanganin ang-" i paused a bit trying to prevent myself from saying the word I surely know that will hurt me, but i continued. "Ang taong mahal niya"
Nang balingan ko ang dalawa kong kaibigan ay tila ba naihi sila pareho sa kanilang upuan dahil nanlalamig ang kanilang mukha na parang nagulat habang nakatingin sa....likod ko?
Hindi ko muna sila pinansin dahil ganyan naman talaga sila, baka nakakita sila ng gwapo kaya ganyan nanaman ang reaksyon nila at hulaan ko baka nagpipigil lang silang tumili. Psh, pogi hunters! (2)
Instead of minding them, i drink my cofee and eat my cake because i'm starting to smell familiar fragrance. The fudge! siguro gutom lang ako dahil napaka imposibleng maamoy ko 'yon dito, his smell is too unique.
Pilit kong inaalis ang posibilidad na narito siya because I'm too afraid to face him right now lalo pa't may nalaman ako na hindi dapat.
"Cali!" napatigil ako sa pagkain nang biglang kinuha ni aella ang atensyon ko na nakatitig sa likuran ko na parang nakakita ng halimaw.
"What aella? kanina pa kayong parang iihi na riyan sa inuupuan niyo habang tingin ng tingin sa likod ko, don't tell me may halimaw-" hindi ko na napigilan at liningon na ang kanina pa nilang tinitignan sa likod ko and it was the worst decision i've made "halimaw sa gwapo" pagtuloy ko sa sinasabi ko na may halong kaba na sa boses ko dahil paglingon ko ay saktong nag tama ang mata namin mula sa kabilang table sa likod ko dahilan ng pagka tameme ko, kitang kita ko sa mata niya ang....pagdududa?
"Why didn't you guys tell me immediately na narito si noah?!" muli kong pagbaling sa dalawa.
"You're too busy with your food and kanina ka pa namin tinatawag pabulong pero mukhang malayo ang iniisip mo" pagpapaliwanag ni camie
napapikit na lamang ako dahil sa kaba at takot na baka malaman niya na ako yung babaeng tinakbuhan siya kanina.
"Let's just go, wag tayong papahalata okay?" pabulong kong sabi na tinanguan naman nila.
Tumayo na kami at sa kinamalas malasan ay sa pagmamadali at kaba ay natapilok ako mabuti na lang ay nakakapit ako sa isang bagay, gusto kong isipin na bagay iyon pero hindi e, biceps ni noah na nakaharap sa akin pagkatayo ko!
okay na sana e! okay na sana pero
"I'm a barbie girl, in a barbie world-" bago pa man tumagal ang pagtunog ng ringtone ko ay agad ko iyong linublob sa mainit kong kape dahilan para tumigil ang pag ring nito.
"Girls run!" i swear this was the most embarrassing experience i've ever had.
"Kuya! this was all your fault!" paninisi ko kay kuya pagkatapos niya kong tawanan dahil sa ikinwento kong pangyayari kanina, after all he's not just my twin but he's also my bestfriend.
"What? malay ko bang mapapahamak ka ng pagka chismosa mo HAHAHA!"
"Hindi sana ako mahuhuli kung hindi ka ilang beses tumawag!" sabay bato ko sa mukha niya ng unan sa couch.
"Ang sabihin mo, hindi ka mabubuko kung hindi barbie ang ringtone mo. Look ikaw lang naman ata ang childish na may ringtone na ganyan sa university" inirapan ko nalang siya at hindi na nakipagtalo pa, tsaka anong problema niya sa ringtone ko? ganda kaya! palibhasa pang genggeng ang music taste niya!
"Ahm Cali pwede ka nang lumabas sa likod ko, I think malabo naman ang chance na makita natin si noah dito sa department natin, hello! nasa kabilang building kaya sila" Luminga linga muna ako sa paligid bago ako umalis sa pagkakatago ko sa likod ni aella, mahirap na baka makasalubong ko si noah no!
"Class Dismissed!" kinabahan ako bigla nang sabihin ng prof namin ang katagang maaaring makapagtagpo samin ng pinakaiwas-iwasan kong tao, pero sa lawak ng university maliit lang naman ang chance na makita ko siya diba?
"Ahm girls mauna na muna kayo pumunta sa café, dadaan muna ako sa library" palusot ko sa dalawa na agad naman nilang pinaniwalaan pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang dumaan sa engineering department dahil baka makita ko siya.
Bago sana ako pumunta sa loob ng library ay dadaan muna ako sa powder room na katabi nito pero
"Hey! Gossip girl!"
I don't know but hearing that voice was enough to freeze my body, hirap mang gumalaw dahil sa gulat ay sinikap kong tumakbo papunta sa loob ng library.
Paglingon ko ay naabutan ko pang bumilis ang paglakad niya papunta sa dereksyon ko, oh my god! kailan ba matatapos ang paghahabulang to?!
PENCHANT
BINABASA MO ANG
A Twist Of Fate
RomanceCali is marrying her love of her life. She's supposed to be happy, why isn't she?