026

317 5 1
                                    


(Phone Call)

Thirdie:
Mesha! (Panics) Saan ka ba galing? We've been looking for you! Puta! Alalang-alala ako!

(Silence)

Thirdie:
Mesha? Hello?

Mesha:
(Cold voice) OA mo.

Thirdie:
Seriously, Mesh, saan ka ba galing?

Mesha:
Nag-unwind lang.

Thirdie:
Pwede ka naman magsabi.

Mesha:
Hindi ka nga ma-contact.

Thirdie:
Uh– nasira phone ko kaya wala akong nagamit for two days.

Mesha:
(Chuckles) Akala ko rin kung ano nang nangyari sa 'yo. . . pero nakita naman kita.

Thirdie:
Sana nagsabi ka man lang sa mga kaibigan mo para may alam din kami kung nasaan ka.

Mesha:
Masyado ka naman atang nag-aalala.

Thirdie:
Ha? Gagi, syempre! Girlfriend kita, e! Nag-alala ako sa 'yo baka napano ka na! (Sighs) But I'm just so happy you're back! Tara, kita tayo!

Mesha:
(Sarcastic) Ah. . . girlfriend mo pa pala ako.

Thirdie:
Huh? Anong sinasabi mo?

Mesha:
Hmm. . . akala ko kasi hindi na. Last time I saw you, mukhang wala kang girlfriend e. (Sarcastic) Mukhang masaya ka pa. (Scoffs) Sabi mo maglalaro lang kayo ng Valo kina Aaron tapos uuwi ka na. Hindi naman ako nainform na Dom's na pala ang uwian mo ngayon.

Thirdie:
Mesh–

Mesha:
Wala talaga akong balak tawagan ka o kausapin man lang pero gusto kong linawin 'tong issue na 'to.

Thirdie:
Ano ba 'to, Mesh? Pwede ba tayong mag-usap in person? May problema ba tayo?

Mesha:
Ang linaw naman ng sinabi ko sa 'yo noon, 'di ba? Ayoko ng ginagago ako, Thirdie. Kung ayaw mo sa 'kin, sabihin mo lang. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa 'yo. Tapos sabi mo wala ka ng babae. . . ako na lang. E, ano 'to? Bakit ganito? Bakit may kahalikan kang iba sa Dom's?

Thirdie:
Shit, Mesha. Wait– I'll explain–

Mesha:
Putangina, Thirdie! Ibang babae 'yung sumagot sa tawag ko. Pinatay mo raw phone mo dahil tawag ako nang tawag? (Scoffs) Hindi ako nagdemand sa 'yo ng kahit ano, Thirdie! You knew me very well. Hindi ako mahilig tumawag sa 'yo nang basta. I just. . . needed you that time. Pero ano 'yun? (Low voice) Bakit may babae?

Thirdie:
Mesh, kita tayo ngayon. Usap tayo, please. Wala lang 'yun!

Mesha:
Ex mo 'yun, 'di ba? Wala naman sana akong pakialam kung magkasama kayo kasi 'di naman ako selosa pero. . . para ka namang gago. Ano 'yung nakita ko sa Dom's?! Bakit naghalikan?

Thirdie:
Please, Mesha. It was nothing. Mali 'yung nakita mo.

Mesha:
Aba, putangina mo?! Nothing? Mali 'yung nakita ko? Siraulo ka bang hayop ka?! May kahalikan kang iba. Kita ng dalawang mata ko. You fucking kissed her back!

Thirdie:
Mesh, I was fucking drunk–

Mesha:
But that didn't give you the reason to kiss another girl!

Thirdie:
(Low voice) I know. Babe, can we please talk in person?

Mesha:
No. I'm breaking up with you.

Thirdie:
What?! Mesha naman, e! Huwag ka ngang magdesisyon nang galit. Napag-usapan na natin 'to.

Mesha:
I'm not angry, Thirdie. I've been away for two full days. Nag-isip-isip ako. . . about us. Alam kong lagi tayong nag-aaway pero iba na 'to. Technically, you can't leave your previous life pa. You still like to play games, to be with your girls. I totally understand you. Sino ba naman ako para pigilan ka? I was your friend even before we entered this fucking relationship. Kilala kita.

Thirdie:
Ampucha naman! Seryoso ako sa 'yo, Mesha. Hindi na ako naglalaro. Ayoko na ng iba.

Mesha:
Kung seryoso ka, bakit mo ako ginago?

Thirdie:
That kiss was nothing. I was just drunk. Wala ako sa wisyo– (Pause) Wala akong ibang babae, Mesha.

Mesha:
Hindi iyan ang nangyayari, Thirdie. Let's just break up.

Thirdie:
No– Mesh! I don't want–

Mesha ended the call.

When He LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon