053

251 3 0
                                    

(Phone Call)

Vance:
Okay ka na?

Mesha:
Medyo (Coughs)

Vance:
Inuubo ka.

Mesha:
Obvious ba?

Vance:
Kasama 'yang attitude sa lagnat?

Mesha:
Oo, bonus package. (Pause) Teka— hoy, Vance! Sa 'yo ba galing 'yung mga gamot na nandito sa lamesa? Sabi ni mama hindi naman daw siya nakabili kasi nakalimutan niya.

Vance:
Hindi.

Mesha:
Eh? (Whispers) Saan galing 'to?

Vance:
Malay ko. Bakit mo iisipin na sa 'kin galing?

Mesha:
Oo nga. Paki mo naman sa akin.

Vance:
Buti alam mo.

Mesha:
Bakit ka tumawag pala? May problema sa evaluation ko?

Vance:
Wala. Nangangamusta lang.

Mesha:
Ah. Buhay pa naman ako. Medyo ayos na rin ang pakiramdam kumpara kanina. 'Wag ka nang mag-alala.

Vance:
Tingin mo nag-aalala ako?

Mesha:
Tanga, malamang! Tumawag ka pa sa 'kin para mangamusta, e. (Grunts) Ay puta! Bakit kita natanga?

Vance:
(Chuckles) Ayos lang. Sige, ibaba ko na. Buhay ka pa naman pala.

Mesha:
(Chuckles) Baliw. Salamat sa pangangamusta.

Call ended.

When He LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon