CHAPTER 1

4 0 0
                                    

Gabi na pero napakaingay pa din sa labas

"Haysstt! Anong oras na di pa din sila tapos kumanta?! As if naman kegaganda ng mga boses nila! Duh?! Eh walang wala yan sa boses ko "

Inis na bulong ko habang sinisilip ko mula sa terrace ng aming bahay, nasa labas lang kasi ng bahay namin ang mga nagkakantahan na yon dahil birthday ng Itay / Papa (a.k.a boss ronnie) hahaha , kaya may Okasyon May handaan ,may inuman at kantahan pero sana naman gandahan nila kung mga boses nila hindi yung akala mo inipit na pusa ang mga boses?! Hahaha ang maldita ko ba?! I know right! Hahaha kung pwede ko lng sigawan at sabihin sa kanila na itigil na nila yung pag iiyak nila pero dahil mahal ko pa ang buhay ko at ayoko maaward sa aking Itay ay tamang silip na lng ako dito sa terrace at iniisip ko kung may balak pa ba sila matapos magkantahan dahil sa totoo lng ay kanina pa ko inaantok At hindi ako makatulog dahil sa mga naririnig ko na boses hayssss... Maya maya ay naisip ko muna mag selpon dahil nga sa ingay hindi makatulog ang katawang lupa ,puso at isip ko hahaha

"Makapag FB nga muna"

Tamang nood lng ako ng mga memes hanggang sa na boring nanaman ako at naisip ko na pilitin na lang na makatulog kahit may mga nagwawalang kumakanta sa labas , pero na pagilan ko yung kamay ko ng may nakita akong pamilyar na app tsaka ko naalala na nainstall ko pala to nung nakaraang araw yung "Shining Star Maker App" or SSM ,
Oh diba sosyal pwede ka pala dito magnining pangarap na bituin hahaha ano daw 🤦🏻‍♀️ so Anyways highways expressways! In-open ko nang masimulan na ang aking pagningning , At dahil di ko alam kung pano yon gamitin kung ano ano yung pinag pipindot ko may mga nakalagay kasing

"Party Rooms"
"Sing"
"Me"
"Discover"

Una kong pinindot yung party room at napunta ko sa isang room , malamang party room nga eh haha so anyway pag pasok ko dun ay may kumakanta na para bang katulad ng mga nagkakantahan sa labas ng bahay namin as in parehong pareho i mean wala sa tono hahaha sorry po Lord napaka sama ko na po sa kapwa ko  huhuhu char! True naman! Mayghaddddd ?!!!!ano ba namang app to akala ko Shining Star mukhang tambayan ng mga sintunado eh !hahaha super sama ko ba?? Sorry pero true naman ! Duh! Pero infairness maganda talaga itong app na ito kase habang kumakanta sya ay pwede ka mag comment ang hindi lang maganda eh puro ka plastikan ang nakikita ko ....

"Wow Galing mo po ate 👏"

"Sana all magaling kumanta 😭👏"

"Durog na ang kasunod ni ate haha galing eh👏👏"

" How To be you po grabe galing ni ate"

Oh diba ?! Kung hindi ba naman kaplastikan ang tawag dyan! Nangangati na nga yung mga darili kong mag comment at sabhin sa kanila na napakaplastic nila! At si ate naman feel na feel nya ang kanta nya! Duh?! Para kaya syang tumutula! Kairita kepaplastic! Makalayas na nga! Pag ka labas ko sa room na yon eh sunod ko naman pinindot yung "sing" at may lumabas sa taas na "search a song" so gets ko agad kung para saan yon noh ,hindi naman ako masyadong shoe nga medyo lang hahaha so eto na nga nag search ako ng kanta syempre at lumabas yung kanta  malamang sinearch mo diba?! Shoe nga lang? Haha oh diba kahit sarili ko inaaway ko na hahaha
So ayun na nga Pinindot ko yung "sing" sa gilid ng song then may lumabas na lyrics at may bilog sa bandang baba sa ipaka gitna percent pala parang nag iinstall lng may % ganern pero saglit lng naman kase malakas ang internet ko dont touch me haha then nag "start" na yung bilog sa baba kaya i make pindot na, arte yarn? 🤣😂 At syemre Kumanta na mee ng Tagpuan by Moira

"Di di ko inakalang darating din sa akin nung ako'y nanalangin kay Bathala naubusan ng bakit
Bakit umalis nang walang sabi bakit 'di siya lumaban kahit konti bakit 'di maitama ang tadhana

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala may kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo siya ang panalangin ko

At hindi di mapaliwanag ang nangyari sa akin saksi ang lahat ng tala sa iyong panalangin
Pano nasagot lahat ng bakit di makapaniwala sa nangyari pano mo naitama ang tadhana

Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala may kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo nung ako'y ituro mo
At hindi ka lumayo nung ako yung sumusuko at nagbago ang mundo
Nung ako'y pinaglaban mo at tumigil ang mundo nung ako'y pinili mo siya ang panalangin ko"

" And stop!"

So ayun na nga pinindot ko yung (☑️) sa gilid then pinakinggan ko ang aking napakagandang boses (isipin nyo na boses ni moira) ang naririnig nyo habang kinakanta ko yan hahaha char lang medyo hawig lang ganern hihihi oh!wag na kumontra nakikimarites ka lang sa story ng life ko! Hmmp!🥴

Infairness pwede mo i-adjust yung boses mo may pa effects pa ...

"Studio" na may pa echo at maganda ang tunog medyo malakas nga lang sya pero keri lang. Parang 60% voice then 40% echo

"Party" na meron din echo pero hindi kasing lakas ng sa studio parang normal lng na boses mo pero may konting echo ganern.. 70% voice / 30% echo

"Pop" eto pinahina ang boses mo pero may konting echo sa party kasi at studio normal yung lakas ng boses mo

"None" eto naman walang effect malamang none nga eh haha pero mas maganda pag may effect lakas maka singer talaga, kaya ikaw kung hindi maganda ang boses mo may pag asa ka pa dto bess  baka madala mo sa effects ng SSM so download na haha

Nagegets nyo ba? Kung hindi haayaan nyo na yon ,delete nyo na sa mind nyo 😂😂😂 . Pinindot ko na yung "post" then uploading na at na upload na agad kase nga malakas ang internet ko. Basic 🤷🏻‍♀️👌  may mgascore din pala toh para talaga syang videoke kaya lang Letters ang naka  scoring nya katulad na lang ng D,C,B,A,A+,A++ , lowest ang D,C,B ,A the rest mataas na BTW (by the way)  naka A+ ako  meaning ang galing ko haysss pero sayang A++ sana para super galing ko na talaga para tuluyan na kong magningning pangarap na bituin ,😂pero okay lang may nextime pa naman aaraw arawin ko to tingnan ko lang kung hindi ako maka A++ haha ,Pero sa ngayon inaantok na talaga ako matutulog na talaga ako kahit pa may mga nag papasyon doon sa labas wapakels na ang tenga ko sa kanila kase di na keri ng eyes ko pipikit na talaga,Balakayodyan 😴😪🛌

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall In Love Until You Forget How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon