Prologue

10 0 0
                                    

"Scroll up"
"Scroll down"
Scroll up"
" Scroll u-

"Wait wait... ano toh? "

Sabay click sa link na nakita ko mula sa isang social media app

"Parang maganda toh ah!"

may nakita kasi akong isang bagong application na parang videoke sa cellphone ,oh diba bongga?! Di mo na need mag arkila ng videoke kase meron na pala ganito sa cellphone lng , ang galing hehe yehey !charot bata yarn? Hahaha.

Nakakatuwa dahil bagay na bagay to sakin lalo na at mahilig ako kumanta hahaha, well FYI di naman sa pag mamayabang eh magaling ako kumanta haha charot ! Baka may kumontra nanaman dyan lalo na yung mga kamag anak ko mga basher yon eh !

Anyways! Highways ! Mai-install na nga itong app na to para matry ko na at excited na meeeee.....!! 🤭🤭
Pag ka click ko ng install ay may narinig akong sumigaw sa tabi ko

"Hoy shion  mag saing kana daw!"

Sigaw ng kapatid kong may something sa utak., Matanda ako dito ng dalawang taon pero kung makatawag sa pangalan ko ay ganon ganon na lang ,ni hindi ako tinatawag na "ate" ng bwiset na toh.

"Bat hindi ikaw ?! Ikaw nakaisip diba?!"

Huh!akala mo papatalo ko sayo ah! Mayamaya sumigaw ulit akala ko ay sasagot pa sakin pero laking gulat ko ng si mama ang tinawag nya !

"Mama! Ayaw nya daw! Bat di daw ikaw mag saing ikaw naman daw naka isip sabi nya! "

Sabay takbo palayo sakin dahil alam nya na ang susunod na mangyayare dahil nakaready na yung tsinelas kong ibabato ko sa kanya kaya lng di umabot dahil may lahing kabayo yon mabilis tumakbo , napaka bwiset talaga ng kapatid ko na yon! Funny pa naman ang inay namin funnywalain hahaha makapagsaing na nga bago pa maaward!

"Bwiset! Bwiset ka talaga! Makita lng kita mamaya! " Yan ang paulit ulit kong binubulong habang hinuhugasan ko yung bigas ,dahil sino ba naman ang hindi mabibwisit katulad ng sinabe ko kanina funny ang inay namin !naniwala dun sa kapatid kong may something sa utak at naaward ako! Wag daw kami kumain kung ayaw ko daw mag saing ! Hahaha. Humanda lng tlaga sakin yon mamaya!
Pag katapos ko mag saing ay dinampot ko na ulit yung cellphone kong mahal, wow sana all mahal haha

Pagkakita ko okay na pala nainstall na  so click open ko na agad kase excited na me talaga at mukhang mag eenjoy ako sa app na ito.....

Fall In Love Until You Forget How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon