Group Project

29 1 3
                                    

Angel Faith Magdalo - Taeyeon

Christian Blake Lewis - Baekhyun

---------------

Angel Faith's POV

Hi guys! Ako nga pala si Angel Faith Magdalo, 15 years old. Maganda, mabait, at higit sa lahat masayahin. Kasalukuyang nag aaral sa Greenfields Academy. Laging nasa Top 1...

So tama na yang introduction. Kasalukuyan akong nakatitig sa long time kong crush na si, Christian Blake Lewis, or shall we call him 'Blake' na lang.

Si Blake ang binangsagang 'Campus Heartthrob'. Mabait naman siya pero ubod ng pagka snob. Hindi rin siya pala ngiti. Palagi nga siyang tulog sa klase. Especially pag Math time.

"So class, may 1 week vacation naman kayo. So..." Pabitin ni ma'am while smirking. I'm pretty sure may plano siya. Mukha pa lang eh.

"Bibigyan ko kayo ng isang group project." Nakangiting sabi ni ma'am. Project?! No way! Vacation nga diba?! It means magpapahingga. Hindi magpapagod.

"So group 1 will be: Ms. Magdalo, Mr. Dela Vega, Ms. Lee, Ms. Hyun, and Mr. Lewis." Sabi ni ma'am.

OMG! Ka group ko si Blake!! Em sow hapi! Nagpatuloy lang si ma'am hanggang sa nag ring na ang bell. Hudyat na pwede na kaming umuwi

"So that's it. Class dismissed." Sabi ni ma'am at umalis.

"Angel! Sa bahay niyo na lang tayo gumawa ng project!" Masayang suggestion ni Maggie. As if I know, magpaparty yan after gawin ang project. Pero gora na lang.

"Um.. Sige.." Sabi ko sabay smile.

"Yeah!!" Sigaw nila at nag high five.

"Magdadala ako ng foods!" Sigaw ni Mark.

"Ako naman sa drinks!" Sigaw naman ni Joy.

Nagtawanan na lang kaming lahat except kay Blake. Ano naman ieexpect ko sa kanya? Hays.  Bago ako umalis, tinignan ko muna si Blake. Laking gulat ko naman kasi nakatingin din siya sa akin. Agad ko namang binawi ang tingin sa kanya at nagmamadaling umalis.

+ The Day After +

*ding dong ding dong*

Anubayan? Excited lang mga pre? 6:00 am pa nga eh. Tapos naman akong nakaligo kasi himala. Ang aga kong nagising.

"Coming!" Sigaw ko.

Agad naman akong tumakbo papunta sa pinto. At..

"It's time to parteh!!!" Sigaw nilang lahat but except kay Blake. Cuz you know. Nabigla naman ako. Eh ikaw kaya. May bibista sayo ng maaga.

"Huh?" Ako.

"Tinapos na namin ang project para makapag party na agad tayo!! Woohh!!" Sigaw ni Mark. Party animal kasi ang lolo niyo.

Group ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon