Chapter 1: Malabong Ala-ala

53 3 0
                                    

Excited na pumasok sa 1st day of school si Emerald bilang 4th year student.

Pagpasok niya ng University ay agad niyang nakita ang dami ng mga estudyante, kaniya-kaniyang grupo, kuwentuhan at kamustahan tungkol sa naganap na bakasyon. hinanap niya ang kaniyang best friend na si Chloe, nang hinde niya ito makita ay agad niya itong tinawagan sa kaniyang cellphone.

"Hello Best, asan ka ba?"
Tanong nito sa kaibigan.

"Hello, uy, nandiyan ka na pala... nandito na ako sa new room natin, section 4-A1 punta ka na dito. Hinila na kasi ako ni Marrie na umakyat na."
Sagot nito.

"Ah, ok... sige punta na ako"
Sagot ng dalaga.

Nang marating nya ang Scenior Building ay agad niyang hinanap ang elevator na malapit ng mag-sara lulan ang ilang estudyante.

"Wait lang!"
Sigaw niya.

pag-pasok niya ay agad niyang pinindot ang 4th floor, paghinto ng elevator ay agad siyang lumabas at nabunggo siya ng lalaking nakasalamin na ngayon lang din niya nakita, at agad naman sa kaniyang humingi ng paumanhin ang binata.

"Ni-ar, ano ka ba naman, bat mo binabangga ang isang napakagandang binibini?
Sambit ng isa pang lalaki na may pagka-mapresko na kasama ng nakabangga sa kanya.

"Hinde, ok lang yun."
Pag-ngiting sambit ni Emerald sa binata, dumeretcho siya ng lakad papunta sa kaniyang classroom at isip niyang parehas na ngayon lang niya nakita ang dalawang lalaking iyon sa kanilang university.

Pagpasok niya sa kaniyang bagong classroom ay agad niyang narinig si Chloe na tinatawag ang kaniyang pangalan, at agad naman niyang nilapitan at umupo sa tabi nito.

"Mukhang madaming bagong estudyante ngayon no?"
Tanong ni Emerald sa kaibigan na kakwentuhan ang isang babae sa harapan ng kinauupuan nito.

"Meron ba ? May nakita ka bang bago Marrie?"
Tanong ni Chloe.

"Wala pa naman akong nakikita, at mukhang tayo-tayo pa rin naman ang magkaklase, tingnan mo...sila pa rin yung mga kaklase natin last year."
Sagot ni Marrie sabay turo sa mga kaklalse nito.

Habang nag-kukwentuhan ang tatlong magkaibigan ay napatingin si Emerald sa limang lalaking papasok ng kanilang classroom.

"Ayan oh, sabi ko sa inyo may mga bago tayong kaklase."
Biglang turo ni Emerald sa mga lalaki, at napatingin siya sa lalaking nakasalamin na kaninay nakabang-gaan niya sa daan, hanggang sa masilayan niyang nakangiting nakatingin sa kaniya ang lalaking may pagka- mapresko ang hitsura.

At nagulat din siya ng mapansin niyang ang limang lalaki ay nakatingin sa kaniya na tila ba kilala siya.

"Ano ba sinasabi mo Emerald, last year pa natin kaklase sila."
Sagot ni Marrie.

"Ok ka lang ba best?"
Tanong ni Chloe sa kaibigan.

"Ok lang, pero..."
Patigil na sagot ni Emerald nang makita niyang umupo sa tabi ng upuan niya ang isa sa limang bagong estudyante.

Ni hindi ito kumikibong umupo.

"Good morning Maroc."
Pagbati ni Marrie sa lalaki na agad namang sumagot ng tipid na ngiti.

"Kilala mo siya Marrie?"
Pabulong na tanong nito sa kaibigan.

"Ang weird mo Emerald."
Sagot naman nito.

"Best, wierd ka ngayon."
Singit din ni Chloe.

Natahimik na lang si Emerald at palihim na tiningnan ang lalaking kanina pa walang imik na kasalukuyang nakatingin lang sa blackboard, nilingon din nya ang iba, nakita niyang naka-upo malapit sa pintuan ang lalaking nakasalamin, sa dulong kanan naman yung ma-presko na katabi din yung isa nitong kasama at nagulat na lang siya nang makita niyang nasa likuran pala niya yung isa at ito ay seryosong nakatingin sa kaniya, sa matinding pag-kahiya ay agad siyang lumingon sa kaibigan niyang si Chloe na agad siyang tiningnan na may pagtataka.

The Guardians and The Gate KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon