Chapter 11.

80 4 0
                                    

11.

Galit kong tinignan si Drake sa screen. "Hayop ka, may pa-see you tomorrow ka pa. Wala naman pala, paasa ka ha. Alam mo ang dapat ginagawa sa mga paasa, pinapatay eh!" Galit kong saad sakanya. I'm not just mad pero disappointed din ako. Nagayos pa ako at nagbihis tas yun pala, wala.

"Gwapong lalaki ako, babe. Tsaka sayang naman tong mala-perfect kong mukha at katawan kung papatayin mo lang ako, maraming magdudusa. Isa ka na don." Aba't nakuha pa talaga niyang magloko eh no? Bwiset talaga, ugh!

"Bwiset ka talaga!" Sabi ko sabay end ng video call namin. After naman nun, tawag siya ng tawag pero hindi ko ito sinasagot. Being disappointed is worst than being mad.

Nakakainis and at the same time, hindi ako makapaniwala na talk shit lang pala yung see you tomorrow niyang sinasabi. "Hello?" Kalmado kong bungad kay Rosalie na tumawag saakin.

["yow, Maggie! Nagawa mo na project mo sa English?"] Nagulat naman ako sa sinabi ni Rosalie. Lintek na yan, sa Tuesday na pala ang deadline ng project namin na yon! Kalahati palang nagagawa ko.

Napasapo ako sa noo ko. "Ayy, hindi pa. Nakalimutan ko, ikaw? Tapos mo na ba?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang sumagot at sinabing hindi, puchang inames. Balak ko pa namang ipagawa nalang sakanya, hehe.

["Aww, tumawag ako kasi akala ko tapos mo na."] Malungot niyang saad saakin. Napailing naman ako. So plano niyang ipagawa rin saakin? Jusme, meron pang Math project! Hassle!

"Papagawa mo sakin noh? Asa ka." Sabi ko sakanya. ["Aray naman. Tsaka no, asa talaga akong gagawin mo. Tse baka bagsak pa mukha kong grade, anyways. San ba tungkol yung sayo?"] Tanong niya saakin, tumayo naman ako sa pagkakahiga at pumunta sa lamesa kung nasaan ang project ko.

Binuklat ko kita. "Tungkol sa family ko. Bakit?" Sagot ko sakanya. Narinig ko naman ang pagka-dismaya nito. Ano nanamang problema nitong babaeng to? Depressed na depressed these past few days ah.

["Penge ngang magandang topic!"] Pagmamaktol niya saakin. Napangiti naman ako ng maloko dahil sa pumasok sa utak ko. "Ah, maganda ba? Sige payag ako kahit tungkol saakin nalang." Kalmado kong sagot sakanya.

Napatawa ako ng mahina. ["Eh? Bye na nga. Wala ka kwenta kausap! Hindi ka maganda."] Sabi niya magsasalita pa sana ako kaso binabaan ako. Aba kasalanan ko bang maging proud sa kung anong meron ako? That's what you call confidence bruuh.

Napairap naman ako ng makita ko ang text ni Drake. Aba, iba talaga pag naka-plan ano? Maraming load. Puro missed call at text niya kasi ang unang makikita sa screen ng phone ko eh.

From Drake: Babe, sorry na. Grounded kasi ako bigla, pinagalitan ako ni Mommy. Nakalimutan ko kasi siyang bilhan ng pabango eh.

Ay bongga naman. Me: edi wow. Reply ko sakanya, aba dapat matuwa siya at nagreply ako. Mas masakit parin yung hindi mareplyan ano. Hindi naman ako ganon ka-bad.

From Dave: Ikaw rin daw.

Aba naman. Me: Pusa edi meow. Huh, akala mo naubusan ako ha? Bring it on! Keri kong kontrahin ang sasabihin mo. From Drake: Aso edi aw. Sabi niya, napahinto naman ako at nagisip ng sasabihin. Alam ko na!

Me: Hayop edi cow. Mwehehez, hindi ako makakapayag na mabara niya ako. Pagtritripan ko muna siya bago ko siya patawarin, It's no big deal naman naexplain na niya saakin bakit. Hindi ko lang talaga maalis sa sarili ko na nadisappoint ako, well sooner or later mawawala din to.

Natagalan bago siya mag-reply. Dave: Paano edi how. Aba matindi din tong si Drake ah! Me: Paasa edi ikaw :p  napatawa ako ng nasend ko ito sakanya. Ano kayang irereply niya?

Drake: Past tense ng see, edi saw. labyu. Ay shet, mukhang ako pa ang naubusan ah? Hindi maari! Napaka-confident ko kasi akala ko, hindi to alam ni Drake. Pucha naman!

Gumulong gulong ako sa kama. Wala akong maisip! Me: Ngayon edi now! Yes naman, tsamba lang yan. Mahirap magisip. Hindi na nakapagreply si Drake sa halip ay tumawag nalang ito. Dahil good mood na ako, sinagot ko nalang.

"Hello!" Masaya kong bati. Napatawa naman siya. ["Good mood na siya, buti naman."] Sabi niya. "Ay sige, bad na ulit." Pangaasar ko napatawa nalang kaming parehas.

Muli ay tumawag siya sa skype kaya inaccept ko na ito. Kumaway ako sa screen. Napangiti naman siya ng makita na hindi na ulit ako bad mood, maybe I overreact a little. Time of the month ko rin kasi ngayon eh, sshh lang kayo.

"Tapos mo na project sa English?" He asked me. Umiling naman ako at kinuha ang unfinished project ko, I started putting glue sa bawat pictures at dinikit iyon sa colored paper.

Cute ko naman dito sa baby picture ko. "Ikaw tapos mo na?" Tanong ko sakanya, tumingin muna ako sakanya at I saw him shrugged. Baka 50-50, mehehez. "Tungkol san ba yan?" Tanong ko sakanya habang patuloy ang pagdikit ng mga litrato.

Bigla akong napatingin sakanya dahil literal na nakita ko ang pagngiti niya. Nakakafall talaga ngiti ng isang to. "It's about us." Nanlaki ang mata ko at halos bumagsak sa kama. Jusko, ano?!

"D-drake naman! Wala pa tayong isang buwan. Grabe ka naman, nakakahiya!" I said. Tas ano? Makikita ng teacher namin, tas babasahin niya tas ano? Aasarin kami? Andsjalaisdjska ano bayan!

Tumawa siya. "Love mo talaga ako eh noh? Tungkol sa friendship nating dalawa hindi sa relationship, wag ka nga." Ay bigla naman akong napahiya nun pero at the same time nakahinga ng maluwag. Hay, bahala siya. Project naman niya yan, wapakels kung bumagsak siya :p

"Kamusta naman si Kyle?" Wala bigla ko lang naalala yung kapatid niya. Bukod kay Drake, siya yung huling taong nakita ko sa school eh. Kamusta na yon?

Waley meh balita. "Pinatay ko na." Bored na sagot ni Drake. Wala talagang kwentang kausap to, minsan nagtataka ako bakit ko naging boyfriend to eh. Hay nako.

"Matinong sagot kasi! Talk poop lagi eh." Sabi ko, wag kang slow. Talk shit yun, nakakahiyang magmura ng magmura sa harap ng boyfriend ano. Nakaka-turn off daw, nabasa ko sa net.

He shrugged. "Pinatapon sa LA ulit, nakabuntis eh." Bigla kong nabagsak ang glue stick na hawak ko. Ano? Sa lagay ni Kyle na yon, nakabuntis yon? Sabagay, playboy datingan ni Kyle eh.

Well, im in no position to judge. Girlfriend lang ako ng kapatid niya, wow proud? "Hay. Kaya ikaw Drake, malaman ko lang na makabuntis ka. Kakaladkarin talaga kita at ipapalapa sa bakla!" I warned him. Aba, subukan lang niya. Ako mismo puputol sa ano niya, pero bat kaya pinatapon sa LA? Ayaw ba panagutan ni Kyle yung nabuntis niya? Bigla kong naalala si Hazel, ayaw din siya panagutan nung nakabuntis sakanya eh. Ay, alam na naming buntis siya.

"Syempre malalaman mo, ikaw bubuntisin ko eh." Ay gag* ka.

Lost in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon