CHAPTER 39

17.5K 608 67
                                    


Blaire's pov

" okay ka napo?" Tanong ko kay ms.laurent,  yakap yakap ko parin sya. Ayaw nya pang kumalas, kaya hinayaan ko nalang.

Naabutan ko kase sya dito na nakaupo at seryosong nakatingin sa kawalan, dinner na kase kaya pinapatawag na sya nila tita.

Medyo nagulat pa ako ng makitang may mga luhang walang tigil na lumalabas sa mata nya, pero parang hindi nya pansin. hindi ko alam kung anong iniisip nya, pero nasasaktan din ako ng makita kong umiiyak sya.

" just a little longer." Parang bata nyang sabi, kaya nawala ako sa mga iniisip ko. Lalo pa syang sumiksik sa leeg ko. Ano't!

" ms. Chansing kana ah!" Pagbibiro ko, narinig ko nalang ang mahina nyang pagtawa sa leeg ko, yan na naman ang puso ko, nag p-party na naman.

" ikaw ang unang yumakap, kaya dapat matagal." Inarte nya pa, napairap nalang ako. Abuso eh!

" mag d-dinner napo kaya, labas na tayo! Dali na!" Pag aaya ko, mabuti naman at kumalas na sya.

Nilayo nya ng kaunti ang katawan, at tinitigan ako. Problema nya? Nagkatitigan lang kami,pansin kong namumula ang mata nya.
Gusto kong itanong kung baket sya umiyak kanina, pero wag nalang muna siguro.

Tsup!

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya ako nakawan ng halik.

Sa labi?!

Mabilis lang yon, agad syang lumabas ng study room.

Chansing talaga!

" iha, let's eat na." Pagaaya ni tita isabel,  pagka dating ko palang ng dining area. Nginitian kolang si tita isabel at naupo na sa tabi ng magnanakaw.

Nakaupo na si ms.laurent, at nanay stella. Magkatabi naman si tita at tito. Wala si kuya cole, baka nasa business meeting.

Palihim kong sinamaan ng tingin si ms. At inirapan, nginisian nya lang ako at kumindat. Aba't!

Kumuha nalang ako ng pagkain at nagsimula nang sumubo. Bahala sya magnanakaw!

Tahimik lang ang pagkain, pero comfortable silence ang meron. Buti at hindi na ako awkward, hindi naman nag bibigay ng dahilan sila tito at tita na maging awkward ako. Galit ba sila sakin? Okay lang kaya sa kanila na may gusto si ms. Sakin?
The feeling is mutual naman, pero ang gulo basta!

Habang kumakain ay napansin kong walang laman tubig ang baso ni ms, kaya nilagyan ko nalang ito. Napatingin din sya sakin, pero kumain na uli.

Nakita kong marami na namang nakatabi na carrots sa plato nya, ayaw nya ba talaga nyan? Masarap naman eh.

Hindi na ako nag dalawang isip, at kinuha ko ang carrots na naka tabi sa plato nya. Tini-nidor ko ito at sinubo.

Napansin kong natigilan sya sa pagkain, kaya napatingin ako sa kanya.  tumingin lang din ako. Baket?

Dati nag rereklamo sya, na hindi ko kinukuha yung carrots nya sa plato nya. Sayang kase eh, kaya kinuha kona.

Namumula na ang muka nya ngayon, ano bang problema nito si ms?

" baket po?" Tanong ko, at sinubo ang huling carrots, agad itong umiling at nag iwas ng tingin. Kumain na ulit sya.

" ehem!"

Napatingin ako kina tita isabe at tito joseph, na nag pipigil na ng tawa. Pero ngumiti nalang sila.

Agad akong namula ng matauhan sa ginawa ko, nandito nga pala sila!
Pero ano bang masama? Kinuha ko lang naman yung carrots eh.

" hon." Tawag ni tito kay tita isabel, lumingon naman ang asawa nya habang nakangiti.

" dito nalang kaya tayo, kumain lagi.
Kaso lang masyado maraming langgam." May tono ng pangaasar sa boses ni tito Joseph,  natawa lang si tita at umiling iling.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon