***
"Hi Ian!" Bati ng isang lalaki sa akin may kasama itong tatlong lalaki din na lahat sila mga naka ngiti, tss mga joker nasabi ko na lang sa isip ko. Hindi ako tumugon dito tumingin lang ako.Bigla na lang kasi akong hinarangan ng mga ito ang pag kakatanda ko boyfriend ito ng klasmeyt ko, hindi ko alam ang mga pangalan nila at wala akong balak alamin pa.
"Stephen!" Sabi nito sabay lahad ng kamay nito, tiningnan ko lang naman ito. Wala akong balak na kunin ito unang tingin mo pa lang mukhang di na to pagkakatiwalaan.
Maya-maya pa biglang sumulpot yung nobya nito kasama ang dalawang kaibigan nito, "What's happening here babe!?" Mataray na tanong nito agad, hindi ko na hinintay sumagot yung Stephen umalis na ako gusto ko kasing matulog muna.
"Tss...mga istorbo!" Sabi ko sa sarili ko at tinungo na nga ang pwesto namin ni Jin. Pag dating ko pa dito may dalawang babae naka upo dito, aalis na lang sana ako at mag hahanap ng ibang pwesto ng mapansin ako ng isa sa naka upo doon.
"Ay . . . Ian ikaw pala aalis na rin kami . . ." Sabi nito na naka ngiti hindi ko to kilala kaya nag tataka ako kung bakit ako nito kilala. Ngumiti ako sa kanya Sabi ko mag hahanap na lang ako ng ibang pwesto.
Tumayo na rin ang mga ito saka parang nahihiyang kumaway sa akin at parang kinikilig na umalis, nagtatakang hinabol ko na lang silang dalawa ng tingin.
Hindi ko na pinansin at umupo na lang binaba ko ang bag ko saka nilabas ang aking baon, tinapay saka tubig lang ang pagkain ko ngayun kinuha ko pa ito sa tiyahin ko. Nilagay ko lang ito sa bilog na lamesa hihintayin ko si Jin para sabay na kaming kumain.
Nahiga muna ako at hindi ko namalayang naka tulog pala ako, Nagising ako sa mahihinang tapik sa mukha ko. Pag mulat ng mga mata ko agad akong napabangon ng makitang maraming mukha ang naka bungad sa akin.
"Ano ba yan?!" Inis kung sabi sa mga ito at nag tawanan lang sila.
" kumain na tayo Ian." Aya ni Tyree, nag tatakang nilibot ko ang aking paningin sa anim na taong nandun, sa lamesa naman marami na rin pagkain. Maang na napatingin ako kay Jin na syang katabi ko si Tyree at Wyatt ang mag katabi sa gawing kanan namin sa kaliwa naman yung tatlo.
"May ku-kwento ka daw sa amin eh, kaya sumama sila dito." Paliwanag ni Jin na kinuha ang inaabut ni Tyler na drinks.
"Asan ang pagkain mo ian? Sabi ni Zoe masarap ka mag luto?" Tanong ni Axel at inabutan din ako ng softdrinks na nasa lata din. Kinuha ko ito at muling inalagay sa Mesa saka ko kinuha ang tubig ko at ininum ito.
"Ito oh! Gusto nyu ba? Tanong ko sa kanila habang kinukuha ko ang tinapay na baon ko saka binuksan ito kumuha ako ng isa saka sumandal ako sa upuan habang kinakain ang tinapay.
"Yan lang ang kakainin mo?" May pag aalalang tanung ni Lincoln sa akin nginitian ko sya at sinabing " diet kasi ako" saka ako tumawa.
"Tss . . . Ito pagkain!" Si Jin na inaaluk sa akin yung pagkain nya tumanggi naman ako at sinabing nag da-diet nga ako.
"So. . . What happened to your forehead?" Si Tyler, nag umpisa na rin silang kumain naalala ko may bukol nga pala ako sa noo gawa sa pag kakaumpog ko, kinapa ko iyon ngunit nakapa ko may band aid na itong naka lagay.
" ako nag lagay nyan" si Jin na nahulaan ang iniisip ko.
" Ako nang hingi ng ointment sa clinic" sabad ni Tyree saka ngumiti sa akin.
"Ako nag dala ng ointment " Bulalas ni Wyatt na kina ismid ni Tyree.
" Tss. . . . . Idea ko ko ang pang hihingi ng ointment!" Di papatalong saad ni Axel.
" Ian. . . . . Nganga!" Biglang sabi ni Lincoln na kinagulat ko kung bakit ginawa ko na lang ang utos ni Lincoln na agad itong tumayo at sinubuan ako ng kapirasong fries.
"There!. . . . Ako nag subo sayo ng fries!" Anito na ngumiti ng nakakaluko sa mga kaibigan.
"Ian! . . . Tinapay gusto mo?" Alok sa akin ni Tyler sa tinapay na pagkain ko.
"Sa kanya yan Tyler!" Si Jin na kinuha ang tinapay na hawak ni Tyler saka inabut sa akin. Nag tatakang tumingin lang ako sa kanila Maya-maya pa inabutan ako ni Tyree ng isang apple.
"Kainin mo ito, maganda ito sa nag da-diet!" Ngiting Sabi nito, ang cute talaga nito kaya diko napigilan pisilin ang maumpok nitong pisngi.
"Thank you!" Ngiti ko dito saka kinagat ang apple saka ako tumingin sa iba pa namin kasama na masama ang tingin sa akin."Bakit? " takang tanong ko sa kanila, kumuha si Tyler ng isang pinggan na pinaglalagyan kanina ng fries nya na ngayun ay wala nang laman nilagyan nya ito ng isang egg pie saka inabut sa akin kaya naman maang na napatitig ako sa kanya.
"Ang unfair mo ian. . . .hindi pa man lang may favoritism kana agad!" Nakasimangut na sabi nito Pagkasabi nito agad na nilagyan ni Jin ng isang cupcake ang pinggan na hawak ni Tyler.
"Oo nga naman Ian. . . .Kung tinanggap mo yung kay Tyree dapat sa amin din" natatawang sang-ayun ni Axel sabay lagay ng isang balot ng sandwich sa pinggan na ngayun ay nasa harap ko na.
" ito maganda rin sa diet. . . Water!" Si Lincoln na kinatawa ng katabi ko, gulat naman kaming napatingin sa kanya.
"What?" Pigil na sa tawang tanong nito.
" wow! Zoe ngayun lang kita nakitang tumawa! " bulalas ni Tyler na kinayuko ni Zoe, lihim naman kaming nag katinginang lima at ngumiti ng makahulugan.
"Okay. . . .okay! Ibabalot ko na lang yan para di masira diet ko!" Sabi ko na lang hindi ko pwedeng sabihin na walang wala ako ngayun, ni wala akong matutulugan pag di ako nakahanap ng mauupahan.
Pumayag naman ang mga ito, lumipas pa ang oras masaya kaming nag kwentuhan, about sa bukol ko sinabi ko na lang na naumpog ako sa pintuan mukhang naniwala naman ang mga ito.
Lumipas pa ang mga oras, pag katapos ng klase nagyaya si Axel na tumambay Sa may field sumama kami ni Jin. Di rin nag tagal nag paalam na ako sa kanila sabi ko may pupuntahan pa ako. Nag paalam na rin si Jin kaya sabay-sabay na tinungo nung anim ang parking lot ako naman sa kabila ako dumaan para mabalikan ko ang aking maleta.
*****Long Chapter *****
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...