Ako si Elly, tagabigay ng advice sa mga sawi, mga naiwan, mga nasaktan, mga naloko at sa mga may pinagdadaanan sa buhay, lalo na sa larangan ng pag-ibig. I'm not a radio Dj na hinihigan ng advice ng mga may problema, like Papa Jack nor Like Madam Bertud (Vice Ganda) na napapanood ko sa Showtime na nagbibifay din ng advice. (Pero ang galing nila huh, idooool!) I'm just an ordinary student.
Di ko naman talaga gawain magbigay ng advice pero parang nakasanayan na rin, may mga kakilala o kaibigan kasi akong may mga problema na sa akin lagi lumalapit, so syempre ano pa nga bang gagawin ko, edi magbigay ng advice. Diba?
Kung may sweldo lang siguro ako dito, malamang marami na kong pera. Hahaha. Pero okay lang, masaya naman ako sa ginagawa kong ito, at least nakakatulong ako sa kanila kahit konti, napapagaan ko loob nila. :)
Kaya lagi kong tinatanong, ganon ba talaga sa pagmamahal? Maraming sawi. Kaya ako ayokong maranasan ang mga ganun ganun, yung nagmahal ka nga, naging masaya ka nga pero sa huli iiwan ka rin naman palang lumuluha.
Ayoko na ng ganun, ayoko nang maranasan ulit yun.
Pero what if may dumating? Handa ba kong isugal ang kinakatakutan ko para maranasan ulit ang magmahal at mahalin? Handa ba ko sa mga pagsubok na haharapin? Pano pag nasaktan nanaman ako? Sinong lalapitan ko? Sinong magpapagaan ng loob ko? Sinong makakapagbigay ng payo sakin?
Magamit ko kaya ang mga naibigay kong mga payo noon kung sakaling ako naman ang nasa posisyon nila?
------------ -------------- --------------- ---------------- ----------------
4/25/15
Twitter : @jadenic_emShould I continue the story? :)
BINABASA MO ANG
Love Advice (KN)
Short Story----------------------------- sabi nila "LOVE is the greatest thing in the world" pero bakit madaming umiiyak dahil dun? ganon ba talaga sa pag-ibig? laging may nasasaktan at nananakit. yung iba, di sinasasyang makasakit, yung iba naman walang pakia...