Kabanata 25: Ghost Hunt

508 49 21
                                    


Kabanata 25 : Ghost Hunt

Heather Island

Kinabukasan


"Hello Mama."nakangiting sabi ni Elle ng makita ang ina kasama si Orion, Aquila, Athena, at ang pinsan si Heaven kasama ang asawa nitong si Shimmer.

Nasa harap din ng dining table sila Hestia ang asawa nito na pamangkin niyang si Aj, at ang mga anak niya kasama nila Malic at Venus.

Napangiti si Ellie sa anak, kasunod nito si Wine pero malayo ang dalawa sa isa't isa.

"Kumain na tayo."sabi ni Ellie sa anak.

"Opo Mama."sabi ni Elle.

"Oo nga pala ang sabi ni Aira hindi ka daw kumain kaninang tanghalian, at kaninang almusalan isang slice bread lang ang kinain mo ng tanungin ko siya kanina kung kumain ka ba." sabi ni Ellie na ikinangiti ni Elle.

"Busy po kasi ako Mama. Kaya hindi ramdam ang gutom." sabi ni Elle na naupo na sa harap ng hapagkainan ng biglang mapabaling ang tingin nito kay Aira na nakatingin sa kanya.

"Magandang gabi po." sabi ni Aira ng tumingin sa kanya si Elle.

Napangiti si Elle kay Aira na ikinatitig ng lahat kay Elle. Nailang naman si Aira kaya napaiwas ito ng tingin kay Elle.

"Umupo ka na, kumain na tayo." sabi ni Elle kay Aira na ikinatingin ni Wine at Aira kay Elle.

"Po?" sabi ni Aira na tila kinabahan siya kaya napahawak siya sa mukha niya.

"My God, kakaiba pa naman ang utak ng nababaliw. Baka nakikita niya ako." sabi ni Aira sa isip habang kinakapa ang sariling mukhang pinabago niya.

"Maupo ka at kumain na tayo." sabi ni Elle kay Aira.

"Ahmmm! Salamat po. Pero mamaya na po kami kakain ng asawa ko." sabi ni Aira na ikinangiti lalo ni Elle.

"Oh my God. Kinakabahan ako sa kanya, para siya si Kuya Autumn. Mababaliw din yata ako sa mga tingin niya." sabi ni Aira ng ngitian pa siya ng kakaiba ni Elle at hindi niya mabasa ang nasa isip nito.

"Langya kayong mag-asawa, talagang pinaiinggit niyo ang ilang buwan na wala akong hada. Sandali lang kayo, babaliwin ko muna ang asawa ko para makita niyong dalawa na mas magaling kami umungol sa inyo." sabi ni Elle sa isip na napangisi pa.

Napalunok si Aira ng ngisian siya ni Elle.

"Langya , kakaiba ang pinsan ko baka may kapangyarihan itong magpeel ng mukha. Diyos ko! Baka sa paningin niya si Adira ako." sabi ni Aira sabay iwas ng tingin kay Elle.

"Umupo na tayo." sabi ni Wine kay Elle sabay usog ng upuan nito para alalayan si Elle makaupo.

"Uyyyy!" malakas na sabi ni Elle na ikinagulat ng lahat.

"Bakit?" sabi ni Heaven sa pinsan na si Elle.

"Nakita niyo? Umusog ang upuan." namimilog na mata na sabi ni Elle na ikinangisi ni Heaven at ikinatitig ni Wine sa asawa.

"Hahahaha! Si Mama talaga, si Papa ang nag-usog ng upuan mo." humahagikhik na sabi ni Iris na ikinahagikhik din ng mga kapatid nito.

"Papa? Sinong Papa?" sabi ni Elle.

Sa sinabi ni Elle natahimik ang quintuplets at nagtinginan sa bawat isa.

"Huwag kang magbibiro, baka matakot sila" bulong ni Wine kay Elle na ikinangisi ni Elle.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon