Ramdam ko ang kaba at malakas na pintig ng puso ko habang tinatahak ang daan papuntang gate ng bagong school na papasukan ko.
I'm nervous and excited at the same time. It's the first day of school, I'm now in highschool. New experiences and struggles to face.
Nakapasok na ako kasabay ng iba pang mga estudyante, ang iba ay may mga kasama na sa tingin ko ay mga mag-kakaibigan, at mayroon ding iba na kasama pa ang mga magulang nila.
I'm with my brother earlier, he is three years ahead of me at dito rin siya pumapasok. He is Grade 9 turning grade 10 next school year.
Pero ang walangya kong kuya nilayasan ako kanina, nagkasalubong kasi sila ng ilan niyang mga kaibigan na kilala ko na because they're always hanging out in our house, and he just abandoned me outside earlier.
Isusumbong ko talaga siya kay kuya Ymond mamaya, kita niya lang.
Mabuti nalang at kabisado ko dito, palagi kasi kaming pumupunta dito ng mga elementary friends dito dati. When it's foundation day and intrams, outsiders are allowed to enter. Kaya pumupunta kami dito para makichismis.
Sumunod nalang ako sa mga kasabayan kong pumasok, halos lahat sila ay patungo sa gym ng school.
Marami nang mga tao ang mga nakapila sa loob nito, at may mga teachers na nakaupo sa mga monoblock sa Itaas ng stage.
" Anong grade ka?" Tanong ng isang teacher sa'kin.
"Grade 7 po."
"Sa mga grade 7 doon kayo sa harapan ng stage." Sabi niya, na kaagad kong sinunod.
Tumingin ako sa paligid, para tignan sana kung may kakilala ako o nandito ang iba kong mga kaklase ko noong elementary, pero nakailang lingon na ako sa paligid they're all strangers for me.
May iba akong namumukaan, they were my schoolmates from elementary, pero sa kabilang section kaya hindi ko rin sila magawang lapitan dahil di ko naman sila close.
"Hi!"
Napalingon ako sa kumalabit at bumati sa'kin, isang morenang babae na may sobrang maikling buhok at medyo mas maliit sa'kin.
"Hi?" Sabi ko pabalik.
"Ah baka may tubig ka? Nahihilo daw kasi itong si ate eh." Turo niya sa katabi niyang babae na may mahabang buhok, halata nga sa itsura niya ang panghihina.
Inilabas ko ang tumbler ko at agad itong iniabot sa kanya, kinuha niya ito at tinungga. Kumuha rin ako ng pamaypay, pinaypayan ko ito habang iniinom niya ang tubig na ibinigay ko. Medyo nabuwal ito, pero mabuti at nasalo kaagad namin bago pa ito bumagsak.
"Kakilala mo ba siya?" Tanong ko sa'kanya.
"Hindi, napansin ko lang din talaga siya kanina. Ang init kasi, tsaka kumpulan dito sa gym."Sagot niya habang sapo sapo pa din ang babae.
"Kailangan niya nang mapunta sa clinic, hindi na siya okay, baka kung ano pang mangyari sa'kanya."
"Oo"
"Hawakan mo muna siya, tatawag ako ng teacher." Tumango siya at pinagbuti ang paghawak sa babae. I walk out fromthe group of crowd to find some teacher to lend us some help, patakbo na ang ginawa kong paglakad nang may makita akong teacher sa gilid. Mabilis akong lumapit dito at sinabi ang kondisyon isang estudyante kanina. Nagtawag siya ng ibang estudyanteng lalaki sa daan para akayin ang hinimatay na babae.
Dinala na nila ito sa clinic, at nagtinginan pa ang mga ibang tao na madadaanan nila. Naiwan kami ng babaeng kasama ko kanina, hinayaan na namin sila dahil sabi may announcement pa daw kaya dito na muna daw kami.
BINABASA MO ANG
As I Fall Again On Rainy Days
RomanceEden Prairie Velasco, a modest and soft hearted with good personality lady from a rich family in their province, Nueva Ecija. Despite of having almost everything in her life, Eden was raised to be humble and welcoming person to everyone. Pero wala...