Typo's and Grammatical Error's ahead! You have been warned!
Kindly Do Votes and Comments <3
Summer's POV
Alas sinko pa lamang ng magising ako. Pero dahil medyo may kalayuan ang university dito ay maaga akong handa.
Matapos kong maligo ay nag bihis na ako ng aking uniform. White long sleeve ito, at black fitted skirt naman ang pang ibaba. Mayroon rin akong suot na black na coat na may school logo sa kaliwang part ng coat. Nag suot din ako ng white long sock. Gumamit muna ako ng tsinelas dahil ba-baba muna ako papunta sa kusina.
Tulog pa si Trevan. Maaga pa naman kaya hindi ko s'ya ginising.
Dahan-dahan lang akong nag lalakad sa hallway dahil ipina-palibot ko pa ang aking paningin sa mansyon. Mayaman rin kami pero mas simple ang bahay namin. Dalawang palapag lang iyon pero sobrang laki.
Tumigil ako sa second floor para mag tingin-tingin. Mayroong sala,
tapos may hallway ulit. Tinignan ko kung ano ang nasa hallway, may pinto para sa gym, para sa entertainment room, para sa library ay may board room rin, sa dulo naman ay office ni Trevan. Sinilip ko lang ang kanyang opisina at umalis na. Baka kasi magalit s'ya kapag nalaman n'yang pumunta ako roon. Although wala naman s'yang sinabing bawal ako doon.Pagkatapos ay sa first floor naman ako nag libot. Nandito pala ang maid's quarter at iba pang trabahante na stay-in. May music room, kapag nag lakad ka patungo sa kanan ay naroon ang glass door. Pag tingin ko ay swimming pool pala ang naroon. Sa pag kaka alam ko mayroon ring basketball court sa likod ng bahay. Bali yung swimming pool is nasa gilid.
Ng matapos akong mag libot ay nag tungo na ako sa kusina. Pero napa tigil ako sa pag lalakad ng may kumuha ng atensyon ko sa may sala.
Mayroong malaking frame. Picture nung kasal namin nung isang araw. Pero paano? Kahapon ay wala pa naman ito? At bakit ang bilis naman?
"You like it?"
Napalingon ako sa hagdan ng may mag salita.
Tumango ako at ngumiti.
"But how? Ang bilis naman matapos."
"I doubled the payment to rush it. And I'm glad you like it."
Nakangiti pa rin ako habang naka tingin sa picture frame.
Noong sinabi n'ya sa akin na gusto n'yang mag work ang marriage namin sinabi ko na sa sarili ko na dapat masanay na ako sa kanya. Hindi na dapat ako makaka ramdam ng hiya dahil asawa ko naman s'ya.
Kaya ng inakbayan n'ya ako ay hinayaan ko lang s'ya at isinandal ko pa ang aking ulo sa kanyang balikat.
Marami pang picture frames doon na hindi ko naman nakita kahapon. Mayroong picture kasama n'ya ang pamilya ko at pamilya n'ya, mayroon ring pictures sa aming mga kaibigan, sa mga ibang parte pa mg aming kasal ay mayroon din. Pero masarami ang solo pictures namin.
"Let's eat. Baka malate kapa."
Sinulyapan ko pa ng isang beses ang mga picture bago naglakad patungo sa kusina.
May bagong saing na kanin, fried rice, ham, bacon, sunny side up egg, bread at may fresh fruits and milk pa.
"Milk?" I looked at him with full of curiosity.
"It's for you."
"How did you know?"
Pag tatanong ko. Paano n'ya kaya nalaman na gusto ko ng gatas bago pumasok ng university."It's your Mom. Iyon ang palagi n'yang bilin sa'kin through phone calls"
"Si Mommy talaga"
BINABASA MO ANG
Marrying You Before Summer
General FictionSummer Jill Buenaventura -Madriagga and Trevan Louise Madriagga's story. SEASON SERIES #1: Marrying You Before Summer STARTED: 06/04/22 ENDED: 08/16/22 STATUS: COMPLETED