Take a Breath

76 4 0
                                    

Caprice Terra

Hinayaan ako ni Zion na huminga. 

Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. 

He didn't do anything while I was collecting my thoughts. And I was very much thankful for that.

Hindi ito ang panahon para magluksa ako sa kapangyarihan ko. May misyon akong dapat gampanan.

"Sabay natin silang labanan." Sabi ko nang tuluyan kong naayos ang sarili ko.

Kumunot ang kaniyang noo na napatingin sa akin, kaya sinagot ko ang tanong sa mga mata niya, "Kaya natin silang labanan ng magkasama. We'll both take down some of them while you do your appraisal. Pagkatapos, senyasan mo ako kapag nakuha mo na at gawin mo agad ang dapat mong gawin."

"Okay." Tango niya, "Let's do that."

Hinawakan ko ulit ang espada at naghanda sa pagsugod namin sa mga nilalang sa kabilang parte ng kuweba. Hindi ko hahayaang may mangyari sa aming dalawa dito. We will reach the end of this cave and we will get that gem. 

Napatingin ako kay Zion at nakitang handa na rin siya kaya tinanguan namin ang isa't-isa bago dahan-dahang naglakad paliko.

"Putangina." Mura niya nang nakita ang naglalakihang nilalang na nakabantay sa parang arko na pasukan sa labyrinth.

They're fucking orcs!

Shit! Puwedeng mag backout muna?!

Sinabi sa amin ni mom ang tungkol sa kanila, pero hindi sapat para talagang ihanda kami kung sakaling makasalubong namin sila! Ni hindi nga pumasok sa isip namin na umasang may pagkakataon talaga na makaharap sila!

Puwede ko pa sanang mapatumba ang isa kung nasa akin pa ang kapangyarihan ko, pero wala! Wala kaming laban sa kanila!

Tama nga si Zion na hindi niya ako pinasugod ng mag-isa. I would die in an instant.

Bago ko pa man mahila si Zion paalis, nakita na kami ng isa sa kanila at napuno ng dumadagundong na ungol ng halimaw ang kuweba.

Hinagis ng isa sa kanila na malapit sa amin ang kanyang hubog na espada! Kung hindi lang kami yumuko agad, baka nahati na sa dalawa ang mga katawan namin!

"Bad idea?" Tanong ko sa kaniya nang umayos kami ng tayo at hinanda ang sarili sa susunod na atake.

"Very ba--" Hindi na niya natapos ang sinabi niya dahil hinarangan niya ang atakeng paparating sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang may susugod sa likod niya kaya tumakbo ako at sinangga ang espadang humahampas patungo sa amin.

"Baka naman puwede mong bilisan ang pagtatasa mo."

"I'm kinda busy here, princess." Nahihirapan niyang wika habang tinutulak palayo sa kaniya ang espadang lumalapit sa kaniyang leeg. 

Nilagyan ko ng kaunting bigat ang sarili kong espada at itinulak palayo ang hinaharangan ko. Saan ako nakakuha ng lakas para gawin iyon? Hindi ko alam. The creature is like two times our size!

Ang alam ko lang ay lima sila at dalawa lang kami. Nahihirapan na kaming sanggain ang mga atake ng dalawa, at ang iba pang tatlo ay maaari sumugod sa anumang oras.

"Shit!" I just had to jinx myself! 

Dalawa sa kanila ang sumugod sa akin kasama ang isang hinarangan ko kanina! How the fuck is that fair! Buti nalang at sa liit ko ay nagawa kong lumusot sa pagitan nila.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon