Kakababa ko lang sa sasakyan ng nakita ko si Vince na may abot hanggang tainga na ngiti. Fresh na fresh pa ito sa school uniform na suot. Si Vince naging kaibigan ko dahil ang isa kong naging kaibigan ay kaibigan niya si Vince at ang group of friends nito. Nadagdag lang ako sa mga ito dahil ang mga ito ay magkakaibigan na nang isang taon bago ako dumating sa group of friends nila.
Bale isang taon na ang mga itong magkakaibigan bago ako dumating ngayon four years na silang magkakaibigan while kaming lahat ay four years na. Si Reimer or si Vince ang pinakaclose ko sa mga ito na napagkakamalan na kami ng iba na magjowa. How I wish na magjowa na lang kami pero si Reimer kasi may gusto siyang iba o mahal siyang iba.
Four years na niyang nililigawan ang babae tapos first year high school pa niya crush ang babae. Engineering students ang nililigawan niya last year na rin ito sa course niya. Reimer is wearing the school prescribe uniform he looks handsome when he is wearing those. Kapag nasa malapit talaga ako kay Reimer my heart beats loudly.
“Good morning, Wilona Charity Gaisano?” umakbay pa ito sa may balikat ko.
Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko kasama ang apelyido niya. At the same time nararamdaman ko rin ang kilig s'ympre crush ko itong si Reimer kaya ganoon na lang din ang kilig ko ngayon.
“Gaisano ka di'yan. Gumawa ka na ba ng assignment? I have my answers here baka want mo mag-copy ng answer?” mabilis na umiling ito pagkasubok ko pagharap dito naamoy ko agad ang mamahaling pabango nito.
“Nag-send kagabi si Kaye ng answer nanghingi ako,” bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. “Mauna ka na Wilona.” Hindi na ako nito hinintay pa na sumagot dahil mabilis na itong naglakad papalayo sa akin.
Sinundan ko kung saan ito papunta napabuntong hininga na lang ako nang makita na papunta ito sa direksyon ni Irishlyn, ang babaeng matagal na niyang nililigawan. Hindi sa gusto ko magkasila na pero kasi bakit antagal naman yata nito magpaligaw? Naglakad na lang ako na mag-isa papunta sa room.
Agang-aga pa sira na naman ang araw ko. Bakit ba kasi kay Reimer pa ako nahulog pwede namang hindi ako nahulog dito. Ang sakit lang kasi sa part na nag-aasume ako na magkakagusto ito sa akin kahit alam kong mayroon na itong gustong-gusto na babae na handa na willing agad nitong pakasalan.
Umupo agad ako habang nakakuyom ang kamay ko. Kainis lang kasi hindi kasi marunong makiramdam. Isa pa naiinis din ako sa sarili ko. Kagabi nag-chat siya sa akin tapos gusto njya na mag-try daw kami mag-kiss para maalam na siya at hindi mapahiya sa first kiss nila kung sakali. Ano siya gold? Magiging first kiss ko siya at magiging first kiss niya ako.
Wala pa kaming prof nang umupo ito sa tabi ko may pahalik pa ito sa pisngi ko.
“Sige na kasi Willona try lang natin ng ilang beses tayo lang naman makaka-alam. Ang alam pa rin ng iba wala ka pang first kiss at tayo lang kasi ang makaka-alam if ever gusto ko lang talaga matuto ngayon kung paano humalik,” hinampas ko agad ito dahil sa inis.
“Gago ka ba? Ayoko nga gusto ko nga kasi ibigay first kiss ko sa first boyfriend tsaka sa isat-isa na kami matuto kung paano ang tamang paghalik,” sa sobrang dikit nito sa akin bigla na lang itong lumayo at sumandal sa backrest.
Parang bigla na lang nawala sa mood nito. Hindi ko na lang pinansin ang paglayo nito.
“Bakit ba kasi walang nanliligaw sa akin? Sana ngayon may boyfriend na ako tsaka first kiss. Kung may manligaw talaga sa akin ngayon kahit di pasok sa standard ko sasagotin ko. Reto mo naman ako sa mga basketball teammates mo Reimer huwag mo kasing ipagkalat na girlfriend mo ako. Akala tuloy ng iba na tayo kaya siguro walang nanliligaw,” tinignan ko ito after ko magsalita tulala lang naman ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/262260069-288-k477293.jpg)
BINABASA MO ANG
GRIPPED (Gaisano Series #3)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...