Tatlong beses kong pinindot ang doorbell. At panay ang ginagawa kong pagtingin sa hallway para tignan kong may tao. Sana lang talaga nasa condo niya ito ngayon. Wala talaga akong mapag-iwanan kay baby ngayon.
Nanlalaki ang mga mata ni Vince nang makita ako nito at makita nito na dala-dala ko ang sanggol. Nilakihan nito ang pagkakabukas ng pinto. Naka-awang pa rin ang labi na nakatingin ito.
“Bakit nandito ka Wilona?” umismid ako ni hindi man lang ako nito binati o kaya hinalikan ang Anak namin.
“Nag-text ako sa'yo Vince kagabi huwag mong sabihin na hindi mo nabasa?” napakunot ang noo nito.
Ibig sabihin na hindi nito nabasa ang text ko. Kaya siguro hindi nito hinalikan ang si Griffey dahil basa pa ang buhok nito. Halatang kakagaling lang sa loob ng shower. Nakatapis pa ang pang-ibabang bahagi na katawan nito ng white towel.
Ang mga tubig na galing sa buhok nito ay dahan-dahan na naglandas sa malapad nitong dibdib patungo sa abs nito hanggang sa may towel nito. Napalunok ako nang makita ko ang v-line nito sa ibaba.
Nag-angat ako ng tingin at nagulat ng sinusundan nito ang aking mata.
“Anong sadya mo Willona?” bumuntong hininga na muna ako.
“Kung tinignan mo sana ang cellphone mo sana alam mo di'ba. Ayon na nga may outing kami ng mga kaibigan natin ngayon. Walang magbabantay kay baby Vince wala ang parents ko rito. Wala naman akong pweding pag-iwanan kay baby kung hindi ikaw. Bantayan mo muna si baby Vince. Hanggang tom sana? Overnight kasi kami roon,” mataman na nakinig ito sa'kin.
“Na ganyan ang suot Wilona? Bakit hindi mo na lang isama si Baby?” inirapan ko ito.
“Kasi nga... bakit ba ang dami mong tanong? Isang linggo ka rin na hindi nakabisita kay Baby huh? May narinig ka bang reklamo? Ngayon ko lang pababantayan si Baby sa'yo Vince.” Muntikan ko pa itong masigawan buti naalala ko na buhat buhat ko si Baby.
“Bakit ganyan nga kasi ang suot mo?”
“Ano bang problema sa suot ko Vince at tanong ka nang tanong? Sa resort ako pupunta bakit may problema ba?” umigting ang panga nito hinawakan nito ang kanyang panga hakbang nakatingin sa'kin.
“Sasama ako.”
“Bakit ba? Huwag kang sumama Vince paano ako makakahanap ng boylet ni'yan?” napatakip ako bigla sa aking bibig.“For girls only nga kasi ang lakad namin,” mabilis na bawi ko ngunit huli na ang lahat ng dumilim ang awra ng mukha nito.
“Mas lalong sasama ako Wilona.” Akmang lalayo na ito ng hawakan ko ang kamay nito.
“Hindi mo ba naiintindihan ang girls only? Kunin mo na si Baby at nang makalakad na ako.” kinuha nito ang kamay na nakahawak at naglakad na ito patungo sa hagdan.
Napahilot ako sa aking sentido. Sinadya nga na para sa aming babae lang dahil tutulongan daw ako ng mga ito na makahanap ng boylet. Hindi ko alam kung anong pumasok na masamang hangin sa utak ng mga ito.
Finding possible boyfriend sa isang resort? Hindi ko alam kung anong eksplenasyon ang sasabihin ko sa mga ito mamaya. At kung anong iisipin ng mga ito kapag nakita na kasama ko si Vince.
Nakakainis gusto kong manuntok ng gwapong mukha ngayon. Minsan nga lang ako makagala. Ayos na ayos na si Vince nang lumabas ito nang bumaba ito. Umirap ako rito.
“Magpakatatay ka naman minsan Vince. O ikaw na muna ang magbuhat kay Baby.” Ibinigay ko kay Vince Griffey nang dahan-dahan.
Magkasalubong pa rin ang kilay ko hanggang sa makababa kami sa sasakyan ng mga ito. Ang ending ako pa rin ang may hawak nang makarating na kami ng sasakyan. Ito kasi ang magmamaneho ng sasakyan.
Sinabi ko ang resort na tinutukoy ng mga kaibigan ko. Nangangailati ako habang nakatingin sa labas. Hindi ko ito kinikibo kahit pa ang tanong at gusto nitong pag-usapan ay tungkol sa Baby.
Isang oras at kalahati lang ang naging byahe patungo sa resort. Pinagbuksan ako nito ng pinto. Tinignan ko si Vince na nakatayo pa rin hanggang ngayon.
“Walang common sense Vince? Kunin mo si baby at ikaw naman ang magbuhat.” Kung hindi pa pinapagalitan hindi pa ito kikilos.
Bumaba ako ng sasakyan at naglagay na ako ng sunglasses. Mas nauna pa akong naglakad dito. Habang naglalakad kami tinawagan ko ang mga kasama ko.
“Buti tumawa ka Wilona. Akala namin hindi ka na pupunta rito.”
“Saan kayo banda Natalie?” tanong ko rito habang nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
“Nasa cottage na kami Wilona. Huwag ka munang pumunta rito. Magbibihis ka muna.” Tumango ako at pinatay ang tawag.
Nakasunod pa rin si Vince at tahimik itong nakasunod sa'kin. Kinuha ko ang susi sa receptionist mayroon na akong reservation kaya hindi na ako nagtagal sa baba.
Walang imik na nakasunod ito. Kung magsasalita ito tiyak na mabubulyawan ko ito. Dapat masaya ako ngayon dahil finally nakapunta na ulit ako sa beach pagkapos ng limang buwan.
Ibinaba ni Vince ang baby sa kama. Tulog na tulog pa rin ito. Nang maibaba ko na ang gamit ko nagsimula na ako sa paghubad ng damit. Revealing my maroon strings bikini. Ramdam na ramdam ko ang tingin na ginagawa ni Vince sa aking katawan.
Kumuha ako ng sunblock at umupo sa edge ng kama at nag-apply ng lotion sa katawan.
“Huwag mong sasabihin na sasama ka sa baba Vince?” malakas ang kalabog ng aking dibdib habang naghihintay sa sagot nito.
“Oo. Sasama kami ni Baby. May anak ka na Wilona! Huwag mong sabihin iyan ang susuotin mo sa labas?” nagtaas baba ang aking dibdib at gusto ko itapon ang hawak kong lotion dito.
“Ano naman kung may Anak na ako Vince? Bawal ba mag-bikini kapag may Anak na? Huh? Huwag kang sumama sa baba. Paano ako mag-eenjoy kung pati sa baba sasama ka?”
Hindi ito sumagot at binuhat ulit si baby. Nauna na itong naglakad papunta sa pinto at lumabas. Napapadyak ako. Mabilis kung sinundan si Vince na ngayon ay naglalakad na patungo sa may hallway.
Pinagsusuntok ko ang elevator nang sumara ito. Malas malas ko ngayon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana sinabihan ko ang mga kaibigan ko na sa susunod na kami gagala. Naghintay ako na bumukas ulit ang elevator.
Hindi ko na naabutan pa si Vince sa lobby ng hotel. Wala akong nagawa kundi hanapin ang cottage ang mga kaibigan ko sa mga cottage.
“Bakit nandito iyang si Vince, Wilona? Di'ba nga girls only. Bakit sinama mo si Vince at si baby?” hinanap ko si Vince at nagtama ang aming paningin.
Matatalim na tingin ang ginagawad nito sa'kin. Wow! Bakit parang ito pa ang may ganang magalit?
“Pasensya na wala talaga akong plano na isama si baby at lalo na si Vince pero wala kasi ang parents ko rito sa Pilipinas kaya kay Vince ko sana pabantayan ang baby pero imbes na bantayan niya sa condo sumama ito.” Umiling ito at bumalik na sa mga kaibigan.
Naglakad ako sa direction ni Vince at inilapit ko ang bibig ko sa tainga nito.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Bakit ka pala nandito Vince? Huwag mo ngang hawakan ang baywang ni Wilona. Paano makakahahap ng boyfriend si Wilona kung nakahawak ang kamay mo.” Mabilis na kinuha ko ang kamay nito na nakahawak pala sa aking baywang.
“May anak na si Wilona Kaye.” Seryoso na saad nito at mukhang may balak pa nitong hawakan ako sa baywang buti at natampal ko agad.
“Ano naman Vince? Single si Wilona no! Isa pa kailangan na rin madiligan ni Wilona. Ilang buwan na rin walang dilig ang kaibigan natin Vince. Kailangan niya rin 'yon dry na dry at ilang buwan ng hindi nakatikim ng hotdog si Wilona.” Nanlalaki ang mga ko sa pinagsasabi ni Kaye.
_____
Soon......
BINABASA MO ANG
GRIPPED (Gaisano Series #3)
Storie d'amoreThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...