Kabanata 27 : Ungol

436 38 4
                                    


Kabanata 27 : Ungol

Kinabukasan


Tahimik lang habang nag-aalmusal ang lahat ng umagang iyon. Nagmamasid lang ang lahat sa bawat isa maliban sa anim na batang lalaking nagbubulungan kanina pa na ikinatingin ni Orion sa mga apo.

"May problema ba?" tanong ni Orion sa sixtuplets na tila mga bubuyog na hindi paawat sa bulungan.

Nagkatinginan ang anim na batang lalaki na ikinatitig ng mga lolo at lola ng mga ito sa anim.

"May sasabihin kayo?" sabi ni Malic sa anim na apo.

"Ahhhmm! Lolo, may multo sa bahay na ito." mahinang sabi ni Laszlo sa lahat na ikinangisi ni AJ habang sinusubuan nito si Hestia.

Samantalang pasimpleng nagkatinginan sila Wine at Elle at sabay din umiwas ng mga tingin sa isa't isa ng magkasalubong ang mga mata ng mga ito.

"Multo?" nagtatakang sabi ni Malic.


"Opo lolo, narinig namin iyong mga ungol nila kaninang madaling araw."
sabi ni Ezio.

"Ungol?" kunot noo na tanong ni Orion.

"Opo lolo. Grabe lolo, nakakatakot." sabi ni Otto na nanginig pa sa takot sa panghihilakbot ng maalala ang mga ungol.

"Iyong mga ungol parang nagtatawag ng kakaibang espiritu." sabi pa ni Viggo.

Napakunot ng noo ang lahat sa kuryusidad at pagtataka maliban kay Hestia, sa quintuplets at kay Aj na tila alam nito ang nangyayari na ikinabaling ng tingin ni Orion sa panganay na apo.

Tahimik lang si Hestia habang sinusubuan nito ng hotdog si Aj, at ganoon din si Aj na sinusubuan ng hotdog si Hestia.

"Ungol na parang galing sa lupa, pero ungol na parang kumakanta na may sinasabi." sabi ni Laszlo.

Nang biglang mapatingin ang lahat kay Aj, na ikinanlaki ng mga mata ni Aj dahil sa kanya talaga tumingin ang lahat na may pagdududa.

Nasa mesa ng umagang iyon ng hapagkainan sila Orion, Ellie, Venus, Malic, ang mga magulang at kapatid ni Hestia, at ang sixtuplets at quintuplets kung saan naroroon din si Aj at Hestia.

"Anong sabi ng multo? Paanong ungol?" seryosong sabi ni Heaven sa sixtuplets habang nakatitig si Heaven kay Aj

"Ang sabi tito, ohhhhh. Ohhhhh." sabi ni Viggo na may feelings pa ng sabihin iyon na ikinanlaki ng mga mata nila Ellie, Venus at Shimmer ng pumikit pa si Viggo pero hindi nila alam kung dahil nasasaktan ito.

"Tapos?" sabi ni Malic na natatawa sa anim na apo na hindi alam kung paano nga ba ang ungol na narinig ng mga ito kaninang madaling araw, dahil nagtatapikan pa ang mga ito para isadula ang narinig na ungol na halatang hindi sigurado ng anim kung ano nga bang klaseng ungol ang narinig ng mga ito.

"Sabi pa lolo, uggghh! Ahhhhh!!!" madamdaming sabi ni Ezio na ikinaubo nila Ellie, Venus at Shimmer habang nakatingin sa anim na batang lalaki na halatang wala pang alam ang mga ito.

Napangisi naman si Wine ng lihim dahil kahit pilyo ang mga anak alam naman niyang hindi pa nakakapanood ng porn movies ang mga ito o nakakapagbasa ng malalaswang babasahin dahil bawal sa bahay nila magdala o magtago ng mga porno.

Bukod doon arawan at biglaang oras ang pag-iinspeksyon ni Wine sa kuwarto ng mga ito para i-tsek ang mga bagay na bawal sa bahay nila at kapag may nagpuslit may kaparusahan at iyon ay walang baon na pipti ang lahat sa anim na bata sa loob ng isang taon, na alam ni Wine malaking halaga na sa mga anak ang fifty pesos na baon ng mga ito.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon