Kabanata 28 : Isang Biro

477 47 9
                                    


Kabanata 28 : Isang Biro

Heather Island


"Okay lang?"
sabi ni Malic na nagtataka sa desisyon ni Wine dahil alam niya matipid ito at natuto itong naging matipid lalo mula ng sabay sila magkasakit ni Chhaya kung saan si Wine ang naging padre de familia nila.

"Naisip ko kasi bigyan na ng katulong si Elle so siguro naman makakapagluto si Aira at mababawasan na ang trabaho ni Elle. Kasi may online selling pa siya." sabi ni Wine.

"Wow! Bumait." mahinang mapanuyang sai ni Elle na ikinatingin ni Wine sa asawa.

"Si Monty, gagawin ko munang driver ng mga bata kung okay lang para hindi na mag-commute ang mga anak ko." sabi ni Wine.

"Nice, may driver na tayo. Magkokotse na tayo papunta sa school at pauwi." Sabi ni Laszlo na ikinatingin ni Elle sa mga anak dahil mula ng nagsolo sila ni Wine pati mga anak nila naapektuhan. Wala kasi naghahatid sundo sa mga ito kaya ang sistema sumasakay ang mga ito sa tricycle na ikinatatakot niya na baka madisgrasya ang mga anak niya.

Ang quintuplets naman nila ni Wine ay ganoon din na may nirerentahan silang tricycle para hatid sundo ang quintuplets sa school ng mga ito na para sa kanya ay delikado sa mga anak na babae.

Napatingin si Wine kay Elle habang nakatitig ito sa mga anak nila.

"Kukuha na rin kasi ako ng driver para hindi na kabahan si Elle na baka madisgrasya ang mga anak namin." sabi ni Wine na tila ngayon lang niya nahinuha ang ginawa niyang pagbabago simula ng nagsolo sila ni Elle.

Hindi nagsalita si Elle dahil ilang buwan din niyang sinolo ang pag-aalala kung uuwi ba ng ligtas ang mga anak nila ni Wine. Hindi rin naman kasi siya ganoon kagaling magmaneho na ikinatatakot din niya na baka madisgrasya niya sa mga kamay ang mga anak nila ni Wine.

"Papa, may kotse na maghahatid sundo sa amin?" tanong ni Peony kay Wine.


"Oo."
sabi ni Wine.

"Yes, may kotse na tayo." sabi ni Iris sa sinabi ng ama na ikinatuwa ng quintuplets.

Napatingin lang si Orion kay Wine, alam niyang isang bantay lang ang iniwan ni Wine sa mga katulong nito. Kahit driver pinaalis nito na hindi naman niya kinuwestiyon dati dahil pamilyado na ang bunsong anak niya at hindi na siya puwedeng makialam sa pamamahala ng padre de pamilya.

Hindi rin umimik si Malic, sa usaping pamilya ni Wine labas siya doon at hindi sila nakikialam ni Venus. Na kahit minsan salungat siya sa desisyon ni Wine at isa doon ang pagtatanggal ng mga katulong sa bahay nito na sumabay pa ng mapagdesisyunan nila ni Venus ang pagbubukod sa mag-asawa.

"Mama, hindi ka na mag-aalala." sabi ni Otto kay Elle na tahimik lang.

"Mama, makakauwi na kami ng maaga." sabi ni Viggo kay Elle.

Hindi pa rin umimik si Elle.

"Yes, iyong pipti natin buo na." sabi ni Rollo na ikinayuko ni Elle.

Napatingin si Wine sa mga anak, hindi niya binabago ang baon ng mga ito dahil gusto niya malaman ng mga anak kung paano magtipid at magbudget.

Nanatiling hindi nagsasalita si Elle, alam niya ang hirap ng mga anak niyang lalaki kaya nga hanggat maaari nagtitipid siya at siya ang gumagastos ng mga proyekto nito. Ang baon kasi ng anim na anak ay kasama na ang pamasahe kaya minsan alam niyang naglalakad ang mga ito pauwi para makatipid.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon