SIMULA

47 2 0
                                    

"Naniniwala ka ba sa FOREVER?"


Oo, Forever love ni God sa'tin.


"Yes! May forever 'no!"


I guess sagot 'yan ng mga taong may lovelife. Ganon naman diba? Kung may lovelife ka, syempre ang isasagot mo, Oo! May nagpapasaya at nagpapakilig kasi sa'yo. Kaya nasasabi mong may FOREVER talaga.


"No! Forever? Duh.. Wala!"


Mga bitter na tao! Mga broken hearted! O di kaya mga taong panandaliang may problema sa lovelife nila. Babawiin rin naman pag ayos na o may lovelife na.


Ang gulo 'no? May cycle na nangyayari.


Pero ako?


Meron talaga. Sa pagmamahal nga lang ni God e. Pero in terms of lovelife. OO! YES! MERON!


"Forever tayo, huh?"


"Opo naman. FOREVER!!"


Natutuwa ako at nararamdaman kong gusto talaga n'ya akong makasama FOREVER!


Hindi ko naman 'to nasasabi kasi may lovelife ako.


"Mahal ko, sorry na!"


"Oo na po."


Kahit nag-aaway kami, but still naniniwala pa rin ako sa forever. Ewan ko ba!


Forever ba talaga kami?

Hindi na ba 'to masisira pa?


"Pagsubok lang sa 'tin 'to ni God, mahal ko."


"Alam ko naman po 'yun e. Kaya, wag mo akong iiwanan ha?"


Napakaikli ng buhay. Napakaikli rin ng oras.


"Time of the death, 12:30 A.M.."


Hindi! Hindi!


Forever tayo, diba? Bakit mo ako iniwanan!?


"Bakit? Bakit?"


"Mahal ko, na nanaginip ka."


Napabangon ako. Nanginginig. Balisa. Tuliro. Pero s'ya ang inaalala ko.


"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Gusto mo dalhin kita sa hospital?"


"Mahal ko, ayos lang ako. Wala ka dapat problemahin. Matulog ka na lang, okay?" Kiniss niya ako sa may noo. "Nandito lang ako. Babantayan kita."


Nakahinga ako ng maluwag. Nafefeel ko talagang walang forever sa'min. Pero bakit nabuo pa 'yang word na 'yan kung wala rin naman pala.


Pumikit ako ulit. Niyakap ko s'ya ng mahigpit. Pleaseeee. Wag na wag kang mawawala sa'kin. Ayoko! Ikaw ang dahilan kung bakit nabubuhay pa rin ako rito sa mundong 'to. Binigay ka ni God para sa'kin para mabuhay pa.


"Mahal ko, kung wala talagang FOREVER, magsasama pa rin tayo 'till the end."


Dinampi n'ya ang kanyang labi sa noo ko at niyakap ako ng mahigpit.


"Time of the death, 12:30 A.M.."


Namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ikaw ang kailangan ko.


"Mahal, sa wakas, nagkita ulit tayo."


"Sabi ko naman sa'yo, forever tayo e."


Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon