Kabanata 30 : Panaghoy
"Sana hindi ko na lang siya sinundan." sabi ni Elle.
"Kung hindi mo siya sinundan wala kang onse." sabi ni Monty habang yakap si Elle.
"Sabi ni Kuya Heaven mas maganda pang sinaktan mo ang mahal mo sa una bago mo siya nakilala bago mo sinuyo o inamo, nang sa ganoon nakilala niyo ang bawat isa." umiiyak na sabi ni Elle na tila bata.
"Hindi naman mawawala ang sakit. Nandiyan niyon, dahil parte iyon ng isang relasyon.
Mahal mo di ba?" sabi ni Monty kay Elle.
"Mahal?" sabi ni Elle.
"Kung mahal mo ang isang tao at kung may pagmamahalan na nakapaloob, mas masasabi kong tama lang ang proseso ng relasyon niyo." sabi ni Monty ng magulat ito ng tumawa si Elle ng malakas.
"Hahahaha! Mahal? Iisipin ko." malakas na tawang sabi ni Elle
"Elle!!!!" sigaw ni Wine ng makita yakap ni Monty ang asawa.
Napahinto si Elle sa pagtawa pero napangisi ito.
"Iyan na siya, magseselos iyan. Iyon ba ang prosesong sinasabi mo?" sabi ni Elle kay Monty.
"Oo." sabi ni Monty habang yakap si Elle.
"Pagod na ako." sabi ni Elle saka nito niyakap ng mahigpit si Monty na ikinalunok ng lalaki.
"Fuck! Elle!" sigaw ni Wine na mabilis na lumapit ng yumakap si Elle sa lalaki.
"Ito ang proseso na hindi kakayanin ng utak ko kapag tumagal pa. Mas mahina pa ako kay Shadow, mas matapang pa si Adira sa akin. Ayoko na, pagod na rin ako.... pero may onse ako." napaiyak na mahinang sabi ni Elle kay Monty.
"Fuck you." sabi ni Wine saka nito hinila si Elle pero mahigpit itong niyakap ni Monty na ikinatitig ni Wine sa lalaki.
Napalunok si Wine ng makita ang mga titig na iyon ni Monty dahil may naaalala siya at sa naiisip niya tila tumutugma ang nakita niya kanina sa nakikita niya ngayon.
"Huwag mong saktan, wala naman siyang ginagawa sayo." sabi ni Monty kay Wine.
"May multo." sabi ni Elle na ikinatahimik ng dalawang lalaki.
"....bitawan mo na ako." sabi ni Elle na ikinabitaw ni Monty sa pagkakayakap dito.
Napangiti si Elle ng mapatingin kay Monty saka ito muling nagsalita.
"Salamat. Sana pala...
....sana pala nakapili pa ako. Sana pala hindi ako nagpakulong. Sana pala nag-explore muna ako. Sana pala hindi ako nagmadali. Sana pala pinakinggan ko muna ang mga bully kung pinsan. Sana pala nagtiwala ako kay Kuya Autumn na mahalin ko iyong sarili ko. At sana pala...
... sana kapag nagbago iyong onse ko makita ko pa rin kahit wala na siya." sabi ni Elle saka ito lumuha na ikinalunok ni Wine at ikinatitig ni Monty kay Elle.
Napangiti si Elle saka nito pinunasan ang luha at tumalikod. Pero sa pagtalikod nito napatingin ito kay Wine."Ayoko ng umiyak pero kapag nakikita kita, ang bigat mo. Para kang bagyo na sumasalanta sa buhay ko." sabi ni Elle kay Wine.
Napalunok si Wine sa sinabi ni Elle.
Naglakad si Elle at dinaanan lang siya nito.
Nang makaalis si Elle nagsalita si Monty.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...