Chapter 18

325 10 0
                                        

MADILIM ang paligid, hindi alam ni Destiny kung ilang araw na siyang naroon sa madilim na kuwartong iyon. Namamalat na ang boses niya kasisigaw para humingi ng tulong pero walang dumadating. It's her fifteenth birthday soon, kailangan niyang umuwi dahil magpa-party pa sila kasama ang mga kaibigan at magulang niya. Her parents promised her a trip to Disneyland in Japan too!

Napaiktad siya nang may marinig na tunog mula sa labas, she can hear the door creaking. Someone is going to save her! Hinila niya ang mga kamay na nakaposas sa kama, she saw a silhoutte of man. Her superhero but then... he's not the hero she's expecting...

Destiny almost jumped out from the bed, sweat streaming down from her forehead and she was shaking. Fragments of memories slowly creeping to her mind every night, dala na rin siguro ng stress kaya lumalabas na naman ang mga iyon na pilit niyang ibinaon sa kasuluk-sulukan ng utak niya. Tiningnan niya ang cellphone at may mensahe roon si Adison, gusto nitong makipagkita.

Ilang minuto muna siyang nag-isip bago ito reply-an. She asked him to come over for breakfast at wala pang ilang segundo na sumagot ito at magdadala raw ng agahan.

Tuluyan siyang bumangon sa kama at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape, naabutan niya si Siggy na nasa kitchen counter, umiinom ng sariling kape. Base sa cellphone ay ala-singko ng umaga. Hindi niya binati si Siggy ng good morning, she has to show no remorse when it comes to him dahil hindi ito lalayo sa kanya kapag nagpakita siya ng anumang emosyon.

Kumuha siya ng coffee pod sa lalagyan at inilagay sa Nespresso machine, she put a cup under the dispenser and turned it on. Pasimple niyang pinaraanan ng tingin ang binata, haggard ito at maga pa ang mga mata, he still looked handsome, though.

"Did you sleep well?" tanong nito sa malat na boses.

"Yes," she answered coldly kahit hindi naman totoo na nakatulog siya ng mahimbing. Nang matapos ma-brew ang kape ay kinuha niya ang tasa at iniwan si Siggy sa kusina. Sa living room siya pumwesto at nanood ng business news. Kagabi ay nakatulugan na niya ang pag-iisip kung paano itutulak palayo si Siggy at nang makita ang message ni Adison ay may ideyang pumasok sa isip niya.

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya napansin na kanina pa tumutunog ang doorbell, naunahan siya ni Siggy sa pagbukas ng pinto.

"Uncle..." Siggy was surprised upon seeing his godfather. Ubod lawak naman ng ngiti ni Adison na may dalang tatlong paperbag, naka-pink long-sleeved polo ito na tinupo hanggang siko ang manggas, naka-slacks ito at chelsea boots.

"Hi Siggy," nilingon siya ni Adison at nagdire-diretso sa kanya. Dahil nakatingala siya rito ay madali nitong na-access ang mga labi niya. Muntik pa siya mapaungol dahil sa halik nito! Sa kanyang peripheral vision ay nakita niya kung paano nag-iwas ng tingin si Siggy.

"Nandito ka na agad?" pinagsigla niya ang boses.

"I took the helicopter because the traffic in New York is such a joke! Let's have a breakfast! Siggy, care to show me the dining area and help me out?" Itinaas ni Adison ang mga dala. Bakas sa mga mata ni Siggy na ayaw nitong sundin ang bisita pero nagpatiuna pa rin ito sa kusina, sumunod sila ni Adison. "Just sit down my lady, and we the gents will plate these up." Umupo nga siya sa dining chair. Four-seater dining table ang tanging meron sa apartment dahil hindi naman sila doon kumakain sa tuwing may business trip, they opt to eat outside. Clearly, masikip para sa kanilang tatlo ang lamesa lalo na't parehong malaking tao ang mga kasama niya.

"What brought you here, Uncle?" Maging siya ay nagulat sa rebellious tone ng boses ni Siggy habang naglalagay ng mga plato sa lamesa. Well, she wanted this to happen, kailangang lumayo sa kanya si Siggy. And you are using Adison? Have you not learned your lesson, Destiny? She ignored that tiny voice on her head by sipping her coffee.

"Destiny asked for some pancakes and breakfast, so here I am," sagot nito nang hindi man lang nilingon si Siggy. Natapos ang paghahain ng dalawa. Itinulak ni Adison ang plato ng stacked pancakes sa harap niya. "Do you want anything else?" Pinahiran rin nito ng butter ang ibabaw ng pancake at binuhusan ang maple syrup.

"This is good for now, thank you." Dama niya ang namumuong tensyon sa pagitan nilang tatlo.

"I'm really glad to see you, Destiny." Napaka-genuine ng ngiti ni Adison. "Can I use the loo real quick?"

"To the corner," itinuro ni Siggy ang banyo, agad namang pumunta roon si Adison. "What are you doing, Destiny?" Now, he's asking her like she committed a crime. Lumalabas na ang ibang side ng Siggy dahil sa kanya. "You want pancake, I can make some for you?"

"As far as I know, I can invite anyone in this house whether you like it or not." Humiwa siya ng pancake at isinubo iyon. "Kung ayaw mong narito si Adison, the door is open."

"Are you doing this to spite me?" His voice broke off. "I want to be here for you."

"I don't need anybody, including you and Adison. Remember who I am. Hindi por que nalaman mo na ang nakaraan ko, may karapatan ka nang manghimasok. Did it not occur to you that I am only playing when I started fucking you? O dapat bang in-explain ko muna lahat sa'yo ang rules?"

"You're heartless," may diing bulong dito. Nakabalik na si Adison mula sa banyo at sinamahan na sila sa agahan.

It is better for Siggy to hate her than coddle the 'love' that he's been feeling, madali lang namang i-convert ang pagmamahal sa galit. All she have to do is to push him to his limits, kahit gaano kabait si Siggy ay tiyak na may hangganan ito. She's willing to burn down bridges kapalit ng pagkakaroon ng binata ng masayang future kasama ang babaeng magmamahal rito ng lubos. Alam niya sa sarili niya na hinding-hindi siya magkakaroon ng sariling pamilya, kahit na mayroong tulad ni Siggy na kaya siyang tanggapin, ay hindi naman niya kayang tanggapin ang sarili ng buo. She's broken and a part of her was already damaged cannot be repaired.

Kung anu-anong kwento ang hatid ni Adison pero wala naman siyang naintidihan sa mga iyon, ngumingiti na lang siya bilang tugon sa binata. Tahimik namang kumakain si Siggy sa tapat niya.

"Babe, I really want to be with you until the rest of the day but I need to go." Kinuha ni Adison ang kamay niya at pinisil iyon. "Damn that business meeting." He's cursing under his breath.

"Thank you for bringing me breakfast." Hinatid niya si Adison sa pinto. Bago ito tuluyang lumabas ay binigyan na naman siya nito ng halik, those mind-blowing kisses made her knees weak. He nipped her lower lip and sucked it like a hungry animal. Kung hindi pa tumunog ang cellphone nito ay hindi pa sila titigil. "I need to go. I will ring you later." Ito na ang nagsara ng pinto. Hindi niya binalikan si Siggy sa dining area, pumasok siya sa kuwarto, naghanap ng isusuot niya at naligo.

After the shower, umupo si Destiny sa harap ng vanity dresser, she's waiting for Siggy to dry her hair with the blower then she realized that he not in the room. Kinuha niya ang dryer sa drawer at sinimulang tuyuin ang basang buhok. Naalala niya noong sinabi ni Siggy na gustong-gusto raw nito ang mahaba niyang buhok. When her hair was done drying, she put on a light make-up, isinuot ang baby blue lacy tank top, she just patch a nipple tape on her breast for comfort. High waist pants na kulay krema ang pang-ibaba niya at pointed white pumps ang sapin niya sa paa. Kakulay ng pants niya ang open front trench coat pati na rin ang purse na gagamitin. Umalis siya ng hindi nagpapaalam kay Siggy. 

Chained Destiny COMPLETE (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now