Kabanata 31 : Bawal

447 41 5
                                    


Kabanata 31 : Bawal

Heather Island


"Wine." masuyong sabi ni Elle ng makapasok sila ni Wine sa loob ng kuwarto niya habang karga siya nito.

Inilapag ni Wine sa kama si Elle at tinabihan ito sa kama sa paghiga.

"Wine." muling ulit na sabi ni Elle.

Nakatitig lang si Wine saka ito napangiti.

"Gusto mo ba?" sabi ni Wine na ikinatitig ni Elle sa kanya.

"Galit ka ba?" sabi muli ni Wine

Hindi muli nagsalita si Elle kaya muling nagsalita si Wine.

"Paano ba maaalis ang galit mo sa akin?" sabi ni Wine kay Elle.

"Aisssst! Ang tagal mo talaga." sabi ni Elle at nagulat si Wine ng umibabaw si Elle sa kanya at mabilis ito nakapaghubad ng damit na ikinalunok ni Wine.


"Bakit ba ang tagal mo mag-isip? Bakit ba ang tagal mo kumilos? Bakit ba pagdating sa akin.... ang tagal mo sumuyo? Hindi tulad ng dati, nandiyan agad ang suyo mo."
sabi ni Elle habang nasa ibabaw ito ni Wine nakaupo

Napalunok si Wine dahil nagreact siya agad at tila hindi iyon namamalayan ni Elle.

"Nakakainis, ilang buwan na akong naghihintay. Dati minuto lang manunuyo ka na." sabi ni Elle na may pagpadyak na ikinaalog ng dibdib nito.

Napatitig si Wine sa dibdib ni Elle wala na ito pang itaas na tila wala lang sa asawa ang ginagawa nito sa harap niya.

"Naiinis ako sayo, wala akong init. Kapag naghuhubad ako sa harap mo parang wala na lang. Okay naman ako, ah." sabi ni Elle sabay hawak sa magkabilaang dibdib nito at pinisil iyon na ikinalunok ni Wine.

"Ano bang kulang? Ano bang nawala sa akin? Asim ba? Alindog? Hindi na ba ako kanasa-nasa sayo?" sabi ni Elle sabay himas sa dibdib nito na tila wala uli dito ang ginagawang pang-aakit.

"MInsan naiinis ako o kadalasan nabubuweset ako. Bakit ba nawawalan ng init ang isang babae sa asawa niya? Bakit ba noong nanliligaw kayo ang sweet niyo sa amin? Bakit ba noong hindi pa mag-asawa ang babae at lalaki, halos bini-baby ng lalaki ang babae? Bakit ba kayong mga lalaki kapag nakuha niyo na kami, naging asawa, nakasama ng solo sa bahay bakit parang nawawala ang tamis niyo? Bakit ba nawawala ang magic namin sa mga mata niyo?" sabi ni Elle saka nito pinisil ang dibdib na ikinalunok ng sunod sunod ni Wine.


"Ano bang kulang? Ano bang problema? Ano bang pagbabago sa amin? Katawan ba namin? Iyong keps namin? Iyong butas? Iyong lambot? Iyong haplos? O iyong mismong pagmamahal?"
napaluhang sabi ni Elle na ikinatitig ni Wine sa asawa.

"Meron ka na ba? Bakit kayong mga lalaki ang dali niyo kami ipagpalit? Bakit ba kayong mga lalaki mas gusto niyo may thrill? Bakit ba kayong mga lalaki gusto niyo kakaiba kami? Bakit ba umaayaw kayo? Ano bang mali?" napaiyak na sabi ni Elle.

"Oh God. Wala." sabi ni Wine saka nito ipinagpalit ang puwesto nila ni Elle.

Nang nasa ibabaw na si Wine at nasa ilalim si Elle masuyong hinalikan ni Wine ang pisnge ni Elle para alisin ang luha na umaagos roon.

"Nag-iisip lang kami." sabi ni Wine.


".....hindi naman porket dumistansya kami ayaw na namin. Minsan kailangan namin huminga, siguro dahil iniisip namin baka kami ang mali."
sabi ni Wine.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon