Kabanata 32 : Babala
Kinabukasan.
Heather Island.
"Attorney?" sabi ng assistant ni Wine na si Molly na nagtataka sa pagpapakuha ng biglaan ng sales kahit wala pang katapusan."Kailangan ko lahat ng report sa sales ng mall." sabi ni Wine.
"Okay Sir." sabi ni Molly na hindi na nagtanong.
"Isa pa pala, tawagin mo si Engr Topaz para sa meeting." sabi ni Wine.
"Sir, regarding po ba doon sa plano sa branches ng mall?" sabi ni Molly.
"Oo." sabi ni Wine habang nakaupo ito sa silya nito at binabasa ang lahat ng papeles ng naturang mall.
"Sir itutuloy niyo na po ba ang plano?" tanong ni Molly.
"Oo." sabi ni Wine.
Napatingin si Molly kay Wine, ilang taon na siyang secretary nito kaya hindi lingid sa kanya ang plano nitong pagtatayo ng mga branches ng mall. May location na nga ito pero nahinto lang ang pagpapatuloy sana ng plano ilang buwan na ang nakakalipas sa hindi malaman na dahilan.
"Sir, may..." udlot na sabi ni Molly ng tingnan siya ni Wine.
"Iyong sinabi ko iyon ang sundin mo." seryosong sabi ni Wine na ikinatango ni Molly."Okay po." sabi ni Molly
...............
Glass House
"Wala na siya." sabi ni Elle na napahingang malalim ng hindi maabutan si Wine sa kama ng umagang iyon.
Nagising lang siya kagabi matapos siya himatayin sa pagniniig nila mag-asawa pero hindi na naulit ang pagniniig nila. Matapos kasi nila kumain kagabi nagtungo si Elle sa guest room kung saan siya nagkukuwarto at si Wine naman ay nagtungo sa Master's Bedroom na ipinagtataka naman niya.
HIndi rin siya pinuntahan ni Wine kagabi sa kuwarto niya kaya isang katanungan para sa kanya ang nagaganap sa asawa.
"Nakakalito siya, akala ko ba okay na." sabi ni Elle sa sarili.
Bumangon si Elle mula sa kama para mag-ayos ng sarili.
"Makababa nga muna bago ako magtrabaho." sabi ni Elle sa sarili ng matapos makapag-ayos ng sarili
............
Samantalang sa kusina ng Glass House busy na nag-lilinis si Aira at naghahanda na rin ng iluluto para sa tanghalian mamaya, ng biglang bumungad si Monty sa pintuan ng likod bahay.
"Nahatid mo na ang mga bata?" tanong ni Aira kay Monty.
"Oo." sabi ni Monty.
Napatitig si Aira kay Monty dahil iba na naman ang nasa pilyong mga mata nito.
"Umaga pa lang, at baka gising na si Elle." sabi ni Aira.
"Tsss. Baka puyat din iyon, narinig natin kahapon ng hapon nagtatalik na ang dalawa so baka dere-deretso na sila." sabi ni Monty sabay lapit kay Aira.
Napangisi si Aira, dahil wala na siyang narinig na ingay kinagabihan. Nasa maliit na kuwarto sila ni Monty at doon nagpalipas ng umaga. Kaya naman inaasahan nila na baka sa Master's Bedroom na natulog si Elle dahil nga sa narinig nilang ungol kahapon habang nagtatalik din sila ni Monty na napag-alaman niyang tagos iyon sa kuwarto na inuokopa ni Elle na guest room.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...